Chapter 9: Fine

56 5 13
                                    

Sumandal ako sa pader at taimtim na nagdadasal. Ilang beses kong pinapakalma ang sarili ngunit nangingibabaw ang kaba at maging ang takot sa sistema ko.

Pinagsisihan ko ang lahat kung bakit nabaril si Caleb. Kung pinapasok ko na lang sana siya sa loob ng apartment ko o 'di kaya'y kung pinakinggan ko ang mga gusto niyang sabihin no'ng mga nakaraang araw ay baka hindi ito ang nangyari.

Kapag may mangyari pang masama kay Caleb ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Araw-araw ko itong pagdudusahan.

"Athena!"

Bigla akong napamulat at nang sulyapan ko kung sino ang tumawag sa 'kin ay napatayo ako sa gulat nang salubungin ako ng yakap ni Calissa.

Kumunot ang noo ko nang makita kong nakasuot siya ng white lab coat. Pero hindi ko na 'yon binigyan ng pansin nang mapalingon ako kay Nick. Nakita ko ang pag-aalala niya nang suriin niya ang hitsura ko.

"How are you?" Napahiwalay sa yakap si Calissa at tiningnan ang kabuuan ko. "Are you all right? How's kuya?" she asked worriedly.

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Napalunok ako nang malalim nang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nang maramdaman ko ulit ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.

Nagbaba ako ng tingin. "H-Hindi pa lumalabas ang doktor magmula pa k-kanina," mahinang tugon ko.

Nang mag-angat ako ng tingin kay Calissa ay kagat na niya ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilan ang pagluha. "Ano ang nangyari? B-Bakit binaril si kuya?"

Huminga muna ako nang malalim para humugot ng lakas. "M-Mabilis ang mga nangyari. Nag-uusap lang kami ni Caleb malapit sa basketball court at sa may gilid lang ng kalsada. P-Papaalis na sana ako no'ng may biglang humarurot na m-motorsiklo. Hindi ako nakagalaw no'ng makita kong may hawak na baril ang kasama ng drayber. N-Natakot ako. Bumalik lahat ng takot ko kaya wala akong nagawa kundi ang... tumunganga lang, imbes na magtago o tumakbo."

Napayuko ako habang nanginginig ang mga kamay. "T-Tapos... naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Caleb at kasabay no'n ang pagpaulan ng bala no'ng nakamotorsiklo. At pagkatapos no'n... huli na nang mapagtanto kong n-natamaan pala ng bala si Caleb." Nag-angat ako ng tingin kay Calissa at hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. "I'm s-sorry... kasalanan ko 'to. Kung alam ko lang na mangyayari ito–"

Hinawakan niya ang mga kamay ko't umiling nang umiling. "Athena, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan, okay?" saka niya nilingon si Nick. "Investigate this. Alamin mo kung sino ang mga bumaril kay kuya."

Agad na tumango rito si Nick. "Yes, Ma'am."

I breathed heavily. "S-Sa tingin ko... a-ako talaga ang puntirya ng mga taong 'yon... hindi si Caleb."

Calissa's forehead furrowed when she looked at me. "Ikaw? Bakit ikaw?"

Pinahiran ko ang luha sa 'king pisngi at mahinang napailing-iling. "Hindi ko alam. Pero nakita ko mismo na nakatutok sa 'kin ang baril no'ng lalaki. Ako talaga ang p-puntirya nila. Hindi lang nangyari ang plano nila dahil sinalo lahat ni Caleb ang mga bala na dapat ako ang matatamaan..."

She took hold of my hands. "Don't worry, Athena. It won't happen again. We'll keep you safe. Always. Simula ngayon, ipapabantay kita sa mga tauhan ni daddy at ni Kuya Caleb–"

Pare-pareho kaming napahinto nang lumabas ang doktor mula sa ER. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang makilala ko ito. Natatandaan kong ito ang kaibigan ni Jesty – si Doc Samuel.

"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong niya.

Calissa nodded her head. "Yes, doc. I'm the patient's sister. What happened to my kuya? Is he okay?" she questioned troubledly.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon