Chapter 11: Sorry

35 6 5
                                    

Dedicated to Era Haipin

AMANDA

I stayed at the bar and got drunk. Kaya hating gabi na ako nang makauwi ng bahay, kasi hangga’t maaari ay ayaw kong makita ako ni daddy dahil alam kong tatanungin niya ako tungkol kay Caleb. At sa oras na malaman niyang hindi ko nagawang pilitin si Caleb na ituloy ang kasal namin ay paniguradong pagagalitan niya ako.

Tahimik kong binuksan ang pinto at pinakiramdaman ang paligid. Patay na ang ilan sa mga ilaw ng buong bahay at mukhang tulog na ang lahat.

Napabuga ako ng hangin at pasuray-suray na naglakad paakyat ng hagdan, ngunit napahinto ako nang makarinig nang pagkabasag mula sa may kusina.

Mabilis akong napatakbo ro’n at natakpan ko ang bibig ko sa pagkabigla nang makita ko si mommy na humahagulgol sa sahig at sa tabi niya’y naroon ang mga nagkalat na bubog nang nabasag na baso.

Nang makalapit ako sa kaniya ay kaagad ko siyang dinaluhan. Kumirot ang puso ko’t nangilid ang mga luha ko nang makita ko ang kaniyang pasa sa gilid ng kaniyang labi at sa kaniyang mga braso.

“M-Mommy, sinaktan ka ba ulit ni d-daddy?” naiiyak kong tanong habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

She shook her head repetitively. “N-No, this is nothing, sweetie. Don’t mind me. I’m o-okay.”

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit. “I’m so sorry, mommy. This is my fault,” I sobbed. “But I’ll do anything for you and dad, mom. Gagawin ko ang lahat para pilitin si Caleb na ituloy ang kasal namin at para hindi ka na sinasaktan ni daddy. I promise you that, mommy...”

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Athena sa bagong kompanyang pinagtatrabahuan niya. Pero nagulat ako nang maitulak niya ako nang malakas kung kaya’t natumba ako sa sahig. Nabigla ako sa nangyari at hindi ko ‘yon inaasahan. Lalo na nang mahuli niya akong may kahalikan sa isang bar.

Napapikit ako nang mariin.

I have to do something. Kailangan kong gumawa ng paraan para pilitin si Caleb na makipagbalikan sa ‘kin para matuloy na namin ang kasal.

Kahit ilang beses ka pang lumuhod sa harapan niya o kahit na ano pa ang gawin mo... hinding-hindi mo mababago ang desisyon niya.

Nasabunot ko ang aking buhok dahil sa sobrang frustration.

Kahit na anong gawin ko, hindi na ako nagagawang pakinggan ni Caleb. Nakipaghiwalay na siya sa ‘kin at nakita ko sa mga mata niya na naging desidido siya sa naging desisyon niyang ‘yon, kaya’t hindi ko napigilang masaktan.

Kasalanan lahat ng ‘to ni Athena!

Dahil sa kaniya nakipaghiwalay si Caleb sa ‘kin. I hate her so much!

Kung mawawala si Athena sa buhay namin, sigurado’y maibabalik ulit sa ‘kin ang atensyon ni Caleb.

Pero paano ko ba magagawang burahin si Athena sa buhay naming dalawa ni Caleb?

Napamulat ako’t nilingon ang sarili sa salamin nang may pumasok na ideya sa utak ko.

I take a sip of my wine and smiled evilly.

***

Nagsuot ako ng black hoodie jacket, baseball cap, at cloth face mask. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko sa isang madilim na eskinita. Itinigil ko ang sasakyan nang marating ko ang isang waiting shed.

Kaagad kong ibinaba ang salamin ko at ilang segundo lang ay may lumapit na sa ‘kin na isang lalaki.

“Ano ang ipapatrabaho ninyo, ma’am?” tanong nito habang nakatalikod sa gawi ko.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon