Gulong-gulo at puno ng tanong ang utak ko ngayon. Kaya pala hindi maganda ang pakiramdam ko kay Calvin sa simula pa lang noong unang beses ko siyang nakilala. Dahil siya lang pala ang tanging nagtatangka sa buhay ni Caleb. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ito ni Calvin sa sarili niyang pamilya.
Tumigil siya sa harapan ng kaniyang mga magulang at ang lakas pa ng apog na ngumisi sa mga ito. “Surprise. Surprise,” saad niya’t inubos ang laman ng kaniyang baso. Pagkatapos ay ibinigay niya ‘yon sa tauhan niya’t nanuyo ang lalamunan ko nang tanggapin niya naman ang baril nito. “Tsk, tsk. Ang taong pinaghahanap ninyo ay nasa harapan ninyo lang pala,” saka siya napahalakhak.
“Yes, mom? You want to say something?” he asked like everything’s normal.
Lumapit siya kay Tita Reiya na patuloy na humahagulgol sa pag-iyak. Tinanggal niya ang tape sa bibig nito at umayos sa pagtayo.
“W-Why, Calvin? Why are you doing this?” nanginginig na tanong ni Tita Reiya.
“Why?” Calvin asked himself. “Wala naman talaga akong balak gawin ‘to, mom. Pero tao rin ako, napupuno.
“Si Caleb lang dapat ang mawawala sa mundo, pero mukhang may lahing-pusa ang paborito ninyong anak. Hindi mamatay-matay.” His mouth twitched. “Kaya heto, wala akong choice kundi ang idamay kayong lahat.”
His jaw clenched as his eyes darkened in anger. “Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang trato ninyo sa ‘kin, mom. Anak ninyo rin naman ako, hindi ba? Ako ang panganay, pero bakit napupunta lahat kay Caleb?” singhal niyang tanong sabay turo kay Caleb na halos hindi na kaya pang kumilos sa tinamo nitong sugat at pasa sa buong katawan.
At doon ko unti-unting napagtagpi-tagpi ang lahat...
Mas lalo akong kinakabahan sa nakikita kong galit kay Calvin. Ang tao pa naman kapag sobra ang galit na dinadala sa isip at dibdib ay may nagagawa silang bagay na sadya ring nakakatakot.
Umiiyak na umiiling-iling si Tita Reiya. “It’s not true. Pantay-pantay ang pagmamahal namin sa inyo—”
“Sore wa shinjitsude wanai!” he hissed. Idinamba niya sa kaniyang dibdib ang baril para ituro ang sarili. Napalingon ako kila Zoilo na tahimik na nakikinig, ngunit alerto pa rin sa paligid. “Magkakaganito ba ako kung totoo nga ang sinasabi mo, mom?”
“Pag-usapan natin ito sa mahinahong paraan. Yamete kudasai, Karuban. This is not you, son—”
“I am not your son,” asik niya sa malalim na boses. “Right?”
Malakas akong napasinghap sa narinig. Tila mas lalong gumulo ang utak ko. Napasulyap ako kila Tita Reiya at nakita kong nagulat sila sa sinabi ni Calvin.
Ibig sabihin, totoo nga? Kaya pala iba ang mukha ni Calvin sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang mga magulang dahil hindi pala siya totoong anak.
“How did I know?” He smirked. “Simula nang magkaisip ako, maraming nagtatanong kung bakit hindi ko raw kayo kamukha? Kaya inalam ko mismo kung bakit. At napag-alaman ko na kahit ni isang katiting dugo mula sa inyong pamilya ay wala man lang sa ‘king dugo,” matigas niyang sabi, mas lalong nagtatagis ang kaniyang bagang. “Kaya pala hindi ako gusto ng pamilya ni Katsumi, dahil alam nila na ampon lang ako. At kaya pala hindi ako ang magmamana sa lahat ng pagmamay-ari ninyo dahil hindi ninyo ako kadugo.” Then he shrugged. “But it’s okay. Wala na akong pakialam kahit na hindi man ako pinanganak na may dugong Rutherford. Mabuti nga ‘yon, e. Mapapadali ang pagpatay ko sa inyong lahat.”
May sasabihin pa sana si Tita Reiya, ngunit ibinalik ni Calvin ang pagkaka-tape ng bibig nito.
“Ayoko nang marinig pa ang sasabihin mo. Gusto ko nang matapos ‘to ngayon,” gigil niyang sabi at ngumisi. “Kung gusto ninyo pang mabuhay, ibibigay ko ‘yon sa inyo kung—” binitin niya sandali ang sinasabi at tiningnan si Tito Carolus na nakayuko ang ulo. “—ibibigay ninyo ang gusto ko.”
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...