Pagkatapos kong makuha ang mga dadalhin ko sa trabaho ay agad akong lumabas ng apartment ko’t ni-lock ang pinto.
“Athena.”
Napahawak ako sa ‘king dibdib nang magulat na marinig ang pangalan ko. Mabilis kong nilingon ang tumawag sa ‘kin at namilog ang mga mata ko nang makita si Nick! As usual ay nakasuot siya ng pormal na black suit na bumabagay palagi sa kaniya.
“Uy, Nick! Nandito ka pala,” nakangiti kong saad.
Humakbang siya papalapit sa ‘kin. “Kumusta?” he asked.
“Heto, maayos naman. Nga pala, ba’t napadpad ka rito?” pabiro kong tanong.
“Iihatid ka namin sa trabaho mo,” turan niya at iginaya ako papunta sa sasakyan kung saan naghihintay sila Ivan.
Gulat akong napatingin sa kaniya. “Sasama ka?”
He laughed at my reaction. “Inutusan ako ni Master na bantayan ka habang wala siya.”
I smiled at that. “Ay, ganern,” natatawa kong sabi. “Kumusta ka na pala, Nick? Matagal kaya tayong hindi nagkita,” winika ko nang makaupo sa loob ng sasakyan.
He sat next to me. “Maayos din. Naging abala lang sa trabaho. Naisama kasi ako ni Lord Carolus sa Singapore,” he answered.
Natutop ko ang aking bibig. Kaya pala ilang weeks ko siyang hindi nakikita. “Wala man lang pasalubong diyan, Nick?”
“I know you’re going to ask for it. Kaya dinalhan kita.” Mula sa likod ng aming upuan ay inilabas niya ang isang paper bag. “Here. That’s for you,” he said handing me the paper bag.
“Wow!” Gulat akong napanganga. “Nagbibiro lang naman ako no’n actually. Pero thank you nang marami rito, Nick! Ang bait mo talaga sa ‘kin,” saad ko habang tinitingnan ang mga souvenir na binili niya para sa ‘kin na fresh pa galing Singapore.
Natawa siya at pabiro ding nagkibit-balikat. “You’re welcome, Athena. Sana nagustuhan mo.”
I smiled. “Nagustuhan ko kaya,” sabay tawa ko. “Thank you ulit, ninong!”
Tinanguan niya ako saka nginitian. Ngunit nahihiya kong naitikom ang bibig ko nang may mapansing lungkot sa kaniyang ngiti. Pasimple siyang umiwas ng tingin sa ‘kin at nilingon ang daang tinatahak namin.
Tumikhim ako. “May problema ba, Nick?” maingat kong tanong.
Napasulyap siya bigla sa ‘kin. “Hmm?”
Nameke ako ng tawa habang napapakamot sa ‘king ulo. “E, kasi napansin kong para kang malungkot. Baka ‘ka ko may problema ka?”
Umiling siya’t matunog na ngumiti. “No. I’m absolutely fine, Athena.”
Gusto ko sanang paniwalaan ang sinagot niya, subalit hindi ko magawa sa nakikita kong totoong emosyon sa mga mata niya. Gusto kong kulitin siya at malaman kung ano ba talaga ang iniisip niya na kung bakit siya nalulungkot, pero kusa rin akong umaatras. Ayaw ko mang mag-assume ngunit pakiramdam ko tuloy... may kinalaman ‘yon sa ‘kin.
***
Nang matapos ang trabaho ko ay sinalubong ako ni Nick sa labas ng DFST. Nakangiti ko siyang kinawayan at naglakad papalapit sa kaniya.
“May gusto ka bang puntahan ngayon?”
Umiling ako sa tanong niya. “Wala, Nick. Magiging busy ako ngayon, kailangan ko kasing tapusin ang trabaho ko sa bahay.”
Gustuhin ko mang mamasyal ngayon sa mall o kumain sa isang fast food chain para naman makapagpahangin, ngunit tambak ngayon ang trabaho ko at saka isa pa’y kailangan kong magdoble ingat, lalo na’t alam kong nasa paligid lang sila Zoilo.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...