Chapter 18: Janitor

39 7 3
                                    

Hanggang ngayon ay pakiramdam ko’y para pa rin akong nakalutang sa ere. Parang kahapon lang ay nanliligaw pa lang si Caleb, ngunit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang jowa ko na siya.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Caleb. Agad siyang um-adjust para bigyan ako nang mas komportableng posisyon. Inakbayan niya ako at marahang hinawakan ang ulo ko nang dumaan kami sa lubak-lubak na daan. Nakangiti akong napapikit nang maramdaman ko ang pag-amoy niya sa ‘king buhok.

Nasa gano’ng posisyon lang kami buong biyahe. Just enjoying the us-time together inside the van. Nagmulat lang ako nang makarating kami sa airport. Napanguso ako nang bumaba kami ng van, na agad namang napansin ni Caleb.

“May problema ba, mahal?”

Napapikit ako at parang unggoy na niyakap ang braso niya. Narinig ko ang guwapo niyang pagtawa sa ginawa ko, kaya nag-puppy eyes naman ako sa harapan niya. “Ulitin mo nga ulit ‘yong huli mong sinabi, Caleb,” pagpapakyut kong winika.

Sumingkit lalo ang mga mata niya sa kaniyang pagngiti. “Mahal...” he said it softly, then reached for my forehead and planted a soft kiss. “Mahal kita.”

Pigil ang kilig ko siyang naitulak. “Ang landi mo, Caleb.” Natawa ako at sumeryoso ang mukha ko nang pinagkrus ko ang aking magkabilang braso sa harap niya. “‘Wag na ‘wag mong gagawin ‘yon sa iba, mahal, a? Sa ‘kin ka lang dapat lalandi, naiintindihan mo ba? Naku, sa oras na malaman kong may iba kang babae, maghihiwalay tayo agad, Caleb,” kunwari’y pananakot ko sa kaniya.

He took hold of my hands and whispered, “Yes, mahal. Sa ‘yo lang lalandi.”

Hindi ko napigilang mapahalakhak ro’n. “Good,” saka ko siya binigyan ng thumbs up.

He chuckled at that.  “Let’s get back to my question, may problema ba? Bakit parang malungkot ka yata?” he curiously asked.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok ng airport. Bumuntong-hininga ako at napatingin sa kaniya. “Nalulungkot lang ako. Aalis na kasi tayo ng Palawan,” mahinang tugon ko.

He gave me a warm smile. “‘Wag ka nang malungkot. ‘Wag kang mag-alala, puwede tayong bumalik dito kung kailan mo gusto.”

Lumiwanag ang mukha ko. “Talaga?”

Agad siyang tumango. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa ‘king tenga nang liparin ‘yon ng hangin.  “Kung gusto mo, isasama na rin natin sa susunod ang buong pamilya mo.”

Napasinghap ako sa narinig at emosyonal na napatitig sa kaniya, ngunit napayuko ako nang makaramdam ng hiya. “Pero nakakahiya naman ‘yon...”

Tumigil kami sa paglalakad nang ilingan niya ako. “Please don't be, Athena.”

I sighed. “Ayoko lang na ikaw ang gagastos kung sakaling mang magpunta sila tatay rito. Ako mismo ang magdadala sa kanila rito, okay? May ipon naman ako," maagap kong katuwiran, kahit ang totoo naman ay wala pa akong gano’ng kalaking pera para mabitbit ang buong pamilya ko rito sa Palawan. Subalit ayokong si Caleb ang gagastos ng lahat lalo na sa mga ganitong bagay.

Hindi na nakipagtalo si Caleb at nakangiti niyang tinanguan ang mga sinabi ko.

“Sandali, magbabanyo muna ako,” inusal ko nang tuluyan kaming nakapasok sa loob ng airport.

He looked at me worriedly. “Masakit ba ang tiyan mo?”

Natatawa akong umiling. “Hindi. Naiihi lang ako.”

Nakahinga siya nang maluwag. “Sasamahan na kita–”

I shook my head. “‘Wag na,” saka ko itinuro ang banyo. “Malapit lang naman, o. Hintayin mo na lang ako rito, daijobu?”

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon