Nang makaalis ‘yong dalawang lalaki ay doon ko nagawang makahinga nang maluwag. Nang masigurado kong wala nang dadaan sa bintana ay maingat akong lumabas sa ‘king pinagtataguan. Pagkalapit ko sa may pinto ay agad akong nagtago sa likod ng sofa nang dumaan ang ilan pang lalaki. Saglit silang sumilip sa loob ng library saka nagmamadaling tumungo sa iba pang kuwarto. Nang makita kong nakalayo-layo na sila ay buong tapang akong lumabas ng library.
Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad patungo sa kuwarto ni Caleb nang marinig ko ang sigaw ni Calissa na nasa tabi lang ng aking kuwarto. Natakpan ko ang bibig ko nang pangiliran ako ng mga luha. Unti-unti kong naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko sa pinaghalong kaba at takot. Napasulyap ako sa kabilang hallway at napansin kong may mga papalapit na mga yabag ng paa.
Natataranta akong tumakbo sa isa pang kuwarto, subalit naka-lock ito. Mas lalo akong natakot para sa ‘king buhay nang makita kong papasalubong na sa ‘kin ang iba pang kasama ng mga lalaki. Naluluha na lamang akong napahawak sa dibdib ko nang marinig ko ulit ang sigaw ni Calissa, at mas lalo akong nag-alala nang marinig din ang sigaw ni Tita Reiya.
Malakas ang pagtambol ng puso ko na halos lumabas ito sa ‘king dibdib habang hinihintay na makita ako ng mga ito. Ngunit nagulat ako nang biglang may humigit sa ‘king baywang mula sa nakasaradong pinto. Gusto kong manlaban at sumigaw, subalit tinakpan nito ang bibig ko’t hindi ko rin kaya ang lakas ng lalaki.
Napapikit ako nang tumama ang likod ko sa pader. Nagmulat ako at dahil sa dilim ay hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa ‘king bibig, pero napahinto ako nang magsalita siya.
“It’s me, love,” he whispered, breathing heavily.
Nanghina ako’t hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “C-Caleb, mahal,” I sobbed.
He wrapped me in his embrace, his warmth enveloping my system. “Shh... I’m here, I’m here,” winika niya habang marahang hinahagod ang aking buhok pababa sa ‘king likod, pilit akong pinapakalma.
“S-Sinaktan ka ba nila?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
“No. They haven’t seen me yet,” he answered. “I should be the one asking you that. Were you hurt?”
“I’m okay. Hindi pa nila ako nakikita rin. P-Pero sila Calissa at ang mommy mo... sa tingin ko hawak na sila ng mga lalaking ‘yon,” nanginginig kong sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko’t napahinto nang mapatingin sa door knob, mukhang may gusto nang pumasok sa loob ng kuwarto.
“Buksan ninyo ang pintong ‘to! Baka nasa loob sila nagtatago!”
“We should move, mahal,” Caleb uttered silently.
Naging liwanag namin ang ilaw sa labas. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako sa isang cabinet. Akala ko’y magtatago kami ro’n, subalit may sekretong pinto pala sa loob. Nang tuluyan kaming nakapasok ay madilim na daanan ang sumalubong sa amin. Kinuha niya ang phone niya’t ginamit itong ilaw. Mukhang hindi ito dinadaanan palagi sapagkat halos makakapal na ang alikabok at agiw.
“Tumawag na ako ng tulong. Papunta na sila Nick rito. Kailangan lang nating makalabas ng bahay.”
“P-Pero paano na ang pamilya mo sa loob, Caleb?”
He stopped walking, and I saw how he clenched his jaw. “Nahuli na silang lahat, mahal... Wala na rin ang mga tauhan namin.” Napayuko siya’t mabigat na bumuntong-hininga. “Wala man lang akong nagawa para tulungan sila.”
Pinisil ko ang kamay niya, ramdam ang pinaghalong lungkot at galit sa kaniyang boses.
“Marami sila.” He sighed long and deeply. “Bago pa man nila tayo makita rito sa loob ay kailangan muna nating makalayo. Daijobu?” Then he looked at me calmly.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...