Naramdaman ko ang presensya ni Caleb sa ‘king likod. Isinara niya ang pinto at pumunta sa mesa niya para ligpitin ang mga bote ng beer na wala ng mga laman.
Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya. Lasing ang kaniyang mga mata nang humarap muli siya sa ‘kin.
“Mahal—”
Pinutol ko ang balak niyang sasabihin. “Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo, Caleb? Ngayon lasing ka na tapos all of a sudden ay magtatanong ka na lang tungkol sa aming dalawa ni Chester.” Nasapo ko ang noo ko’t napahinga nang napakalalim. “Mahal, bakit ka naman naglasing? Ano ba ang problema? Bakit bigla-bigla ka na lang magtatanong sa aming dalawa ni Chester?” malumanay kong mga tanong sa kaniya.
“Caleb,” I called, and took hold of his hand. “What’s wrong? Hmm? Tell me…” Humakbang ako ng isang beses upang tuluyang makalapit sa kaniya. Iniangat ko ang aking mga kamay para maabot ang kaniyang magkabilang pisngi upang mahagkan ito.
He sighed heavily and rested his cheeks on both of my palms. Hinawakan niya rin nang marahan ang palapulsuan ko at tinitigan ako sa mga mata.
“I’m… so sorry I acted this way,” he said, pausing. “N-Nakita ko kasi kanina si Chester sa may pool area. Tapos sakto no’ng pagdaan ko sa likod niya, narinig kong pinag-uusapan ka nila no’ng kasama niya.” Napalunok siya nang malalim, tagpo ang mga kilay kung kaya’t kunot na kunot ang noo. “Narinig kong… liligawan ka niya ulit kahit na may boyfriend ka na raw,” matigas na niyang sabi, nakatiim-bagang pa. “Kaya hindi ko napigilang matakot, Athena. Kasi b-baka… gusto mo pa siya.”
Pagkatapos niyang magsalita ay doon ako napahinga nang malalim. Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakatingin din sa mga mata niya.
“Mahal, hindi ko naman pala alam na may pagka-marites ka,” pagbibiro ko, na siyang nagpalabas ng maliit na ngiti sa labi niya. “’Di, walang halong biro na ‘tong sasabihin ko… Caleb, hindi ka dapat mag-alala sa narinig mo kay Chester kasi kahit totohanin niya ‘yong sinabi niyang liligawan niya ako, babasterin ko naman agad siya. Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” nagtatampo kong tanong. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal na mahal ko. Ikaw lang sapat na. Kahit si Joshua Garcia pa ‘yang manligaw sa ‘kin, hindi ko ‘yan sasagutin. Kasi… ikaw lang ang lalaking gusto ko at mahal ko. Ikaw lang, Caleb,” I gently uttered, full of sincerity and honesty.
He pouted. “E, mahal, hindi ba’t si Chester ang una mong manliligaw? Siya nga ‘yong unang lalaking sumabak sa tradisyon ng pamilya ninyo.”
Bumaba ang mga kamay ko sa mga kamay niya’t pinagsiklop ang mga ito. “Oo, si Chester nga.” ‘Tsaka ako nagkibit-balikat. “E, ano naman ngayon kung siya nga ‘yong unang manliligaw ko na sumabak sa tradisyon namin? E, hindi niya naman natapos ‘yon. Unang misyon pa lang, failed agad tapos umalis pa ng Pilipinas nang hindi man lang nagpapaalam. Narinig na lang namin na nasa Singapore na siya kasama ‘yong buong family niya.”
I smiled at him. “Kaya ibig sabihin no’n… ekis na siya sa buhay ko, mahal. Isa pa, crush ko lang siya noon. Kaya ‘wag mo na siyang alalahanin pa. Dahil gaya nang sabi ko kanina, ikaw lang ang love ko. Daijobu?” Inabot ko ang pisngi niya’t matagal itong hinalikan. Nang humiwalay ako ay nakita ko ang pagpipigil ng ngiti niya, maging ang pamumula ng kaniyang pisngi.
“Ngayon, mahal, ano pa ba ang nagpapabigat sa dibdib mo? Sabihin mo na, ngayon na. Baka mamaya… magtampo ka na naman sa ‘kin tapos magpapakalasing ka—”
“I want to kiss you,” he said, and I saw how he bit his lower lip while gazing at me with his burning eyes. “Can I kiss you right here, right now?”
Umawang lang ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Kumurap-kurap pa ako at napalunok na nang malalim.
Yes, we’ve already kissed. Many times. Pero ang awkward pa rin talaga sa oras na itinatanong niya ‘yon. Bakit kasi kailangang itanong pa? Kumakabog tuloy nang mabilis ‘tong dibdib ko sa kaba lalo na sa titig niyang nakakatunaw at literal na nagpapapawis na sa ‘kin.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...