Napakurap-kurap ako at ilang beses na huminga nang malalim para ikalma ang sarili. Hindi ko maintindihan kong bakit sa bawat tibok ng puso ko ay ang saya na dulot na makita siya.
Napailing-iling ako sa 'king sarili. Mali. Mali ito.
"A-Ano..." Nakagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi ko at napalunok. "Ano ang ginagawa mo rito?" tahimik kong tanong.
Inabala ko talaga ang sarili ko sa trabaho dahil ayaw kong maisip siya. Sapagkat sa oras na wala akong ginagawa ay parati na lang siyang lumulutang sa isipan ko. Naiinis ako sa sarili ko sa tuwing nangyayari 'yon.
Humakbang siya papalapit sa 'kin hanggang sa nakita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. Mukhang galing siya sa kaniyang kompanya dahil nakasuot pa rin siya ng suit. Bumigat naman ang pakiramdam ko nang makita ko ang emosyon sa mga mata niya kaya agad akong umiwas ng tingin.
"Athena, puwede ba tayong mag-usap? Kahit saglit lang," he said softly.
Hindi ako sumagot. Binaba ko ang dalawang plastic ng grocery sa semento at pilit na hindi tumingin sa kaniya.
"Kumusta ka–"
"Ayos lang ako," diretso kong tugon, sapagkat kung magtatagal ang pag-uusap namin ay baka hindi ko mapigilang mag-collapse sa harapan niya dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. "T-Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?"
"Athena..." he paused and he inhaled long and deep. "Athena, bumalik ka na sa IOSoft–"
Umiling ako. "Hindi na ako babalik sa kompanya mo," pagpuputol ko ulit sa kaniyang sinasabi at saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya.
My heart contorted. Nakita ko muli ang pagdaloy ng sakit at lungkot sa mga mata niya.
"Athena..."
Napapikit ako nang mariin nang bigkasin niya ang pangalan ko sa malumanay na paraan. Ano ba ang ginagawa niya?
Nang magmulat ako ay nilakasan ko ang loob ko. "Ayoko na ng gulo. Ayokong maulit ulit ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ni Amanda, kaya mas magandang hindi na ako babalik sa kompanya mo."
Nagbaba siya ng tingin at nang sulyapan niya ako ay parang tumalon ang kaluluwa ko. "I'm sorry for what happened. Hindi ko alam na gagawin 'yon ni Amanda."
"Naiintindihan ko. She's your fianceé, anyway. Nagselos lang siya. Pero sana na-explain mo na sa kaniya na... wala naman talagang namamagitan sa 'ting dalawa," walang emosyon kong saad.
"I already explained it to her, Athena," he said in a low voice.
Mahina akong tumango at kinuha ang dalawang plastic. Tatalikuran ko na sana siya nang magulat ako nang mahawakan niya ang braso ko.
Nang lingunin ko siya ay gano'n na lang ang pagdagundong ng puso ko na halos lumabas ito sa 'king dibdib.
"P-Please, Athena... bumalik ka na sa IOSoft," he stammered.
Umiling ako at naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa mata ko. Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at umatras.
"Nakapagdesisyon na ako, Caleb. At isa pa, may trabaho na ako," matigas kong sinabi. "Humanap na lang kayo ng iba."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay mabilis ko siyang tinalikuran at agad na pumasok sa loob ng apartment ko.
Nang maisara ko ang pinto ay tuluyan akong napaupo sa sahig at hinayaan ang sariling maluha.
Nasasaktan ako na makita ang lungkot sa mata niya. It really hurts like hell. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong maramdaman. At hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinipilit na bumalik sa kompanya niya. Hindi niya ba makuha na hindi puwede? Marami namang mas magaling pa sa 'kin. Bakit niya pa kailangang gawin 'yon? Bakit kailangan niya pang magmakaawa?
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...