Magpahanggang ngayon ay masayang-masaya ako sapagkat nakapasa lang no'ng nakaraang linggo si Caleb sa lahat ng misyon na ibinigay sa kaniya ni tatay. Tapos kahapon lang ay natapos na rin ang konstraksyon ng dream house namin nila nanay. Mahigit isang taon ang paggawa ng bahay dahil ilang beses na naihinto ito dahil sa kulang ng budget. Iyong perang pinapadala ko kasi ay napupunta sa pangangailangan namin sa bahay at sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Ngunit ngayon ay sa wakas-natapos na rin.
Napangiti naman ako sa hangin nang ma-set namin ni Kuya Anton ang mini picnic na surprise ko kay Caleb. Naisipan ko ito dahil palagi kasing si Caleb 'yong may sorpresa sa 'kin, kaya ngayon gusto ko ako naman ang mag-surprise sa kaniya.
Nasa may mataas na parte pala kami ng park kung saan matatanaw ang malakristal na dagat ng Tacloban. Napatingin ako sa 'king phone nang matanggap ko ang message na galing kay Allan.
Ate, nandito na kami.
"Kuya, nandiyan na raw sila!" nae-eksayt kong sabi sa kaniya.
Kuwela siyang nag-ikot ng mata. "E, 'di, mabuti."
Nang matanaw ko sila Angie na akay-akay si Caleb na nakapiring ang mga mata ay hindi na mapaglagyan ang saya ko.
"Ito na ang prince charming mo, ate!" kinikilig na inusal ni Angie.
Natawa ako sa kanila. Nang iwan na nila kaming dalawa ni Caleb ay huminga ako nang malalim at tinanggal ang piring na nakatakip sa mga mata ng mahal ko.
"Open your eyes now, mahal," I said excitedly. Nang tuluyan nang binuksan ni Caleb ang mga mata niya ay siyang pagsigaw ko naman nang, "Surprise!"
Namilog ang mga mata niya at 'di kalaunan ay lumapad ang ngiti niya nang makita niya ang naka-set na mga pagkain sa ibabaw ng picnic blanket.
"Wow. Y-You prepared all of this?"
I nodded my head while smiling. "Yes, for you, mahal. Pero syempre hindi ko 'to mase-set kung wala 'yong tulong nila Kuya Anton."
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Tila nagulat naman ako nang marahan niya akong hinila papunta sa kaniya upang yakapin ako nang mahigpit. "Alam mo, Athena, hindi mo naman kailangan gawin 'to sa 'kin. Sapat na sa 'kin na kasama kita. But thank you so much for this, mahal," he said softly, kissing my hair.
Napangiti ako lalo na nang maramdaman ko ang paghaplos no'n sa puso ko. "Sus! Maliit na bagay lang 'to, Caleb. 'Tsaka syempre gusto ko namang isorpresa ka," nakangusong saad ko. "Halika na nga, tikman mo 'tong b-in-ake kong chocolate cake para sa 'yo, mahal."
Umupo kami sa picnic blanket at medyo kabado ako na matikman niya 'yong ginawa kong cake, sapagkat first time kong gumawa nito saka hindi ko pa ito natitikman kaya hindi ko pa alam kung masarap ito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Okay lang ba 'yong lasa?" mabagal kong tanong.
Matamis siyang ngumiti sa 'kin. "Masarap, mahal. Here, you taste it," saka niya ako sinubuan nito.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kami sa isa't isa. "It's not that bad pala! Siguro may kulang lang na tamis, 'no? Pero keri naman."
Lumiit ang mga mata niya nang kumuha muli siya ng cake. "Uubusin ko 'to, mahal. Ayos lang ba?"
I laughed. Pinahiran ko ang icing sa gilid ng labi niya. "Basta 'wag mo akong sisihin kong sumakit ang tiyan mo riyan."
Habang abala ako sa pagkain ng pansit ay napansin ko ang paghinto ni Caleb. Pinagkunutan ko siya ng noo at siya nama'y ngumisi sa harapan ko.
He raised his brows. "Akala mo, ikaw lang ang may surprise?" he uttered, grinning.
Napakurap-kurap ako. "Ha?"
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...