“Thank you talaga, Zurt,” winika ko nang maupo ako sa sofa. “Pero hindi mo naman kailangan gawin ‘to, e.”
Nagkausap kasi sila kanina ni Caleb. Hindi ako sigurado kung ano ang pinag-usapan nila, pero sa tingin ko ay napag-usapan nila ang nangyari sa Palawan, ‘yong nangyari mismo sa airport. At pagkatapos no’n ay nagulat na lang ako nang malaman na magdadagdag na ng security si Zurt sa kaniyang kompanya. Kung kaya’t heto ako at hindi ko na naman maiwasang mahiya.
His mouth twitched in disagreement. Tumayo siya sa kaniyang swivel chair at pumunta sa isang table para magsalin ng isa mga mamahaling wine niya sa kaniyang baso. “Gusto mo?” alok niya, ngunit agad akong umiling.
Bumuntong-hininga siya at sumandal sa mesa. “Athena, I am not just your ex-babe…” Napaikot ako ng mata nang marinig ‘yon sa kaniya. “I am your friend, and I am also your boss. That’s why your safety is my number one priority,” he said, taking a sip from his glass of wine.
Nagmala-artista akong napahawak sa ‘king dibdib. “Awww… that’s so sweet, Zurt.”
He gave me a half-shrug. “I know,” he boasted. “Ngayon mo lang nalaman?”
Umiiling na lamang akong natatawa sa kaniya. “Nga pala, kayo ng jowa mo, kumusta?” kuryoso kong tanong.
Umatras ang ulo niya’t pinagkunutan ako ng noo. “What? Jowa?”
Nagsalubong naman ang kilay ko sa reaksyon niya. “Wow? May amnesia lang, Zurt? Hindi ba’t dinala mo siya rito no’ng nakaraang linggo? Nahuli ko nga kayong nagchuchurva,” sabi ko. “‘Wag mo ngang i-deny ‘yon!”
Nang mapagtanto niya ‘yon ay napatango-tango siya at maya-maya’y tumawa nang malakas.
“Hindi ko dine-deny ‘yong nakita mong nangyari sa amin dito.” Then he smirked. “But she’s not my jowa.”
Umawang ang bibig ko sa gulat. “Ha? E, nagchurva kayo tapos hindi pala kayo?” hindi makapaniwala kong sinambit. Nasapo ko pa ang noo ko nang proud siyang ngumiti sa ‘kin.
Kahit kailan talaga ‘tong si Zurt. Hindi na nagbago! Mabuti na lang hindi sila magkatulad ni Caleb.
“Tigilan mo na ‘yan, Zurt. ‘Yang kakaganiyan mo, magkakasakit ka niyan. Sige ka!” pananakot ko sa kaniya.
“Easy, Athena! Nag-iingat naman ako,” inusal niya at kaswal na ipinatong ang mga paa sa kaniyang mesa. “‘Tsaka ‘wag na natin ‘tong pag-usapan. Let’s talk about work, okay?” nakangisi niyang winika at sinimulang basahin ang pinasa kong portfolio sa kaniya.
Napapangiwi na lang akong pinagkrus ang aking magkabilang braso. “Bahala ka nga,” bulong ko.
***
Abala ako sa paglalaro ng game sa kompyuter nang matigilan ako nang makita ko ang sunod-sunod na pag-ilaw ng cellphone ko. Mabilis kong nilapag ang headphones ko at mabilis na sinagot ang tawag.
“Mahal, napatawag ka?” tanong ko sa kabilang linya’t agad na p-in-ause ang nilalarong game.
Nilingon ko ang orasan ko at nakitang alas-nuwebe y media na ng gabi.
“Natutulog ka na ba, mahal? Did I wake you up? I’m sorry–”
Umiling ako kahit na hindi niya ‘yon nakikita. “No, no. Hindi pa ako natutulog. Naglalaro lang ako ng game,” tugon ko. Napasimangot naman ako nang maalalang dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil sa pagiging abala niya sa trabaho, ngunit hindi ko pinaramdam ang tampo ko sa ‘king boses.
Ilang segundo siyang naging tahimik. Tanging ang paghinga niya lang ang naririnig ko. Medyo naririnig ko namang gumagalaw siya at napakunot ang noo ko nang marinig ko rin ang pagsara ng pinto ng kotse sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...