Nakangiti akong humugot nang malalim na hininga saka ito mahinang ibinuga. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Tita Reiya ay pakiramdam ko’y mas lalong gumaan ang loob ko sa kaniya.
Lumabas muna ako saglit sa ‘king kuwarto para pumunta sa baba upang kumuha ng tubig. Halos mapatid ako sa paglalakad nang matapakan ang sintas ng suot kong sapatos.
“Is everything settled?”
Natigilan naman ako nang may marinig akong boses sa ‘king gilid. Nang sulyapan ko kung sino ‘to ay nakita ko si Calvin. Nakatalikod siya sa ‘king direksyon at mukhang seryoso. Nalukot ang mukha ko dahil hindi ko masyadong marinig ang sinasabi niya.
“Good... Siguraduhin ninyo lang na magiging maayos ang lahat. This must end today. Ayoko ng palpak, alam mo ‘yan, Mr. Bal—”
Natakpan ko bigla ang bibig ko nang masinok ako. Namilog ang mga mata ko nang makita kong napahinto sa pagsasalita si Calvin. Bago pa man siya mapatingin sa ‘kin ay natataranta akong umupo sa ‘king mga paa para ayusin ang pagkakasintas ng sapatos ko.
“Athena,” I heard him called my name.
Napalunok ako nang malalim at ngumiti nang mag-angat ng tingin sa kaniya. “Oh, hi!” Nasinok muli ako at halos mapiyok pa ako ro’n.
He mirrored my smile. “Kanina ka pa ba riyan?” he asked me.
Tumayo ako at nahihiyang nasinok ulit. “H-Ha? A, hindi ngayon lang. Bakit?” kaswal ko kunwaring inusal. Ngunit sa loob-loob ko’y hindi ko maintindihan kung bakit kabado ako.
Inihilig niya ang kaniyang ulo na para bang binabasa ang iniisip ko. “Where are you going, then?”
Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa likod ng bulsa ng shorts ko. “Um, papunta sana ako sa baba para kumuha ng tubig.”
Napatango-tango siya. “Do you want me to get you water?” he offered.
Kaagad akong umiling sa kaniya. “Hindi na. Kaya ko na. Salamat...”
“Okay. If you need something, you can ask me,” huli niyang sabi bago siya nagpaalam sa ‘kin upang sagutin ang panibagong tawag sa kaniyang cellphone.
Pagkaalis niya ay doon ko nabawi ang hininga ko, na hindi ko man lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan. Unti-unti na ring kumalma ang sistema ko, na siya ring ipinagtataka ko nang husto. Napapitlag ako sa gulat nang may pumulupot na braso sa ‘king tiyan.
“What’re you doing here standing all alone, love?”
Napapikit ako at napahinga nang malalim sa mainit na haplos na dumaloy sa ‘king dibdib habang yakap ako mula sa likuran ni Caleb. He buried his head in the crook of my neck.
“Hmm?” ungot niya nang hindi ako sumagot.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Kukuha sana ako ng tubig sa baba, mahal.”
Pinagsiklop niya ang mga kamay namin at mahina akong isinayaw. I giggled when I felt his light kiss on my cheeks. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang inikot niya ako para iharap sa kaniya. He put my hands on his nape, and we just kept slow dancing to the same beat we were both feeling.
He rested his forehead on mine, and we stared at each other silently. Hinagkan ko ang pisngi niya at kusa namang nagbaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Namula ang pisngi ko nang mapansin ‘yon ni Caleb. Ngumisi siya’t hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Parang nag-slow motion ang paligid nang sandaling pumikit ang mga mata niya. Ipipikit ko na rin sana ang mga mata ko para damhin ang halik niya nang parehas kaming natigil nang masinok ako.
Jusko naman. Nando’n na, e!
May panghihinayang man ay parehas kaming natawa.
“Let’s get you some water,” Caleb said.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...