Chapter 29: Yakap

51 4 6
                                    

Kaagad akong tumigil sa pagtakbo nang makita ko ang mga magulang kong papasok na sa kanilang kuwarto. “Nay, Tay...” hinihingal kong pagtawag sa kanila.

Napahinto naman si nanay sa pagbukas ng pinto sa gulat na makita ako. Nang makabawi sa pagkabigla ay bumuntong-hininga siya nang malalim.

“Ano ‘yon, Tina? Hating-gabi na. Matulog ka na,” saad niya’t agad na iniwas ang tingin sa ‘kin.

Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang mabilis na pag-init ng sulok ng mga mata ko. “K-Kausapin ninyo naman po ako, nay,” pakiusap ko. Nilingon ko si tatay na tahimik na nakatingin sa sahig. “Tay, pansinin ninyo rin naman po ako.”

Agad na napasulyap si tatay sa ‘kin. “Aba, pinapansin kita, anak. Itong nanay mo kasi, inutusan akong snob-in ka—” naputol ang sinasabi niya nang paluin siya ni nanay sa kaniyang braso.

“Tumahimik ka nga, Vergilio!”

Kaistoryahi na kasi ‘ton tim anak. Para magkaayos na kayo!” mukhang nai-stress na sabi ni tatay. “Kung ikaw kaya mong nakikita ‘yang anak mo na nahihirapan at umiiyak, ako, hindi!”

Huminga siya nang malalim upang ikalma ang sarili. At ako nama’y tuluyan nang dumaloy ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa ‘king mga mata. Nilapitan ako ni tatay at saka niya ako binigyan ng isang mainit na yakap.

“Tahan na, Tina,” tahimik niyang winika habang marahang hinahagod ang likod ko.

I sobbed. “S-Sorry po, tatay.”

“Okay na, anak. Hindi na ako galit sa ‘yo. Itong nanay mo lang ‘yong nag-utos sa ‘kin na ‘wag kang pansinin,” tugon niya, kung kaya’t nakita ko nang pandilatan siya ni nanay.

“Salamat po,” saad ko matapos ang ilang minutong pag-iyak. Humiwalay naman ako kay tatay para pahiran ang mga luha ko at para simulang kausapin si nanay.

Nag-angat ako ng tingin kay nanay na ngayon ay magkakrus na ang mga braso. Humakbang ako ng isang beses at iniyuko ko ang aking ulo. 

I breathed heavily, hinahanda ang mga salitang dapat na ilabas mula sa aking bibig. “S-Sorry po, nay, kung nagawa ko pong magsinungaling at maglihim sa inyo. Nagawa ko lang po ‘yon kasi ayaw ko pong mag-alala kayo sa ‘kin at ayaw ko rin pong makadagdag sa problema natin dito sa bahay,” panimula ko, hindi ko pa rin kayang salubungin ang tingin ni nanay. “Iyong tungkol naman po sa amin ni Caleb, balak ko rin po sanang sabihin sa inyo ‘yon, nay. Kaya lang natakot po ako na baka hindi ninyo siya tanggapin. Kasi alam ko pong magagalit po kayo sa kaniya sa oras na malaman ninyo po ang sitwasyon nila. Sa katunayan nga po, si Caleb nga po ‘yong palaging nagpapaalala sa ‘kin na sabihin sa inyo ang lahat. Pero pinangunahan po ako ng t-takot.

“Sorry po talaga, nay... S-Sana mapasaylo po ako niyo,” mahina ko nang nasabi.

She sighed deeply. “Halika ka nga rito.”

Napaangat ako bigla ng tingin kay nanay nang marinig ko ‘yon mula sa kaniya. Napatingin ako kay tatay at nakita ko ang pagtango niya at ang simple niyang pagngiti. Tumulo ang luha sa mata ko at hindi na ako nagdalawang isip pa’t agad akong lumapit kay nanay. Napasubsob ako sa kaniyang dibdib at para akong bumalik sa pagkabata habang humagulgol.

“Nay, sorry po talaga,” paulit-ulit at naiiyak kong sabi.

“Hindi na ako galit sa ‘yo,” kalmado niyang sabi.

Napasinghot ako mula sa pag-iyak. “Pero bakit ayaw ninyo po akong pansinin?”

“Kasi gusto kong magbigay ito ng leksyon sa ‘yo,” turan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko upang iangat ang ulo ko para pagtagpuin ang mga mata namin. “Hindi mo kami masisisi, anak, kung bakit kami nagalit sa ‘yo. Nag-alala kami ng sobra sa ‘yo mula nang malaman namin ang mga nangyari sa ‘yo ro’n dahil sa pagtatangka sa buhay ni Caleb. At alam mo namang mali ang magtago sa amin. Ang akala tuloy namin ay nasa maayos kang kalagayan, ‘yon pala ay nasa kapahamakan ka.”

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon