Chapter 33: Selos

32 4 17
                                    

Namilog ang mga mata ko habang pinapanood ang pagbalik ni Caleb sa hotel na tinutuluyan namin. Dahil sa sobrang pagtataka ay kaagad akong lumapit kay Kuya Anton. Napasabay na rin sa ‘kin si Chester sapagkat kinawayan siya ni kuya.

“A-Ano’ng nangyari, kuya? Bakit hindi man lang nagpaalam sa ‘kin si Caleb bago siya bumalik sa hotel?” nagtatampo kong mga tanong, pagkalapit ko sa kaniya.

He smirked. “Kung ako sa ‘yo tatawag na ako sa Love Emergency Hotline,” mariing aniya sabay inom niya ng kaniyang milktea.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil sa pagkalito, pero mukhang nagkaka-ideya na ako kung bakit niya ‘yon sinabi. “Bakit naman?”  

“Kasi hihingi ka ng tulong kung paano susuyuin ang isang Hapon,” diretsa niyang turan na siyang nagpakaba sa ‘kin. Shocks.

Natigilan pa ako ro’n, sapagkat ‘yong unang hinala ko ay mas lalong nagkalaman. Nasapo ko ang aking noo at napatingin kay Chester.

“Um, maiwan ko muna kayo, a?” paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang tugon nila at mabilis ko silang tinalikuran.

Lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating agad sa hotel room ni Caleb. Nang makarating nama’y hingal na hingal ako. Agad akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Caleb, ngunit malungkot akong napanguso nang wala man lang may nagbubukas. Napayuko ako sa lungkot, pero siguro’y nasa banyo ngayon si Caleb kaya hindi niya naririnig ang pagkatok ko.

Bumuga ako nang mabigat na hininga at muli akong kumatok nang kumatok, subalit gaya kanina’y walang Caleb na nagbubukas ng pinto.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sistema ko. Kinuha ko ang phone ko sa ‘king bulsa at tinawagan si Caleb. Halos magpasalamat ako sa lahat ng santo nang pagkatapos ng isang ring ay kaagad na sinagot niya ang tawag ko.

“Caleb, buksan mo ang pinto,” maagap kong sabi at inis na pinatay agad ang tawag.

Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko nang sa wakas ay bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking mahal ko. Nagtagpo ang mga mata namin at tinarayan siya’t walang sabi-sabi na pumasok ng room niya.

Nang dumapo ang mga mata ko sa mesang malapit sa bintana ay nakita ko ang nakabukas niyang laptop at doon ko napansing ka-meeting pala niya ang mga empleyado niya.

“I’m sorry, mahal. Hindi ko narinig ang pagkatok mo. Tatapusin ko lang ‘tong meeting, tapos babalik na tayo sa baba,” he said in a nonchalant voice.

Naisara ko ang aking bibig nang may maramdaman akong kirot sa dibdib ko. Hindi ako sumagot sa sinabi niya’t pinanood siyang bumalik sa mesa at nilagay ang earbuds niya sa kaniyang magkabilang tenga, saka siya humarap sa kaniyang laptop.

Napabuntong-hininga ako nang malalim at umupo sa gilid ng kaniyang kama. Habang pinagmamasdan siya ay napansin kong hindi man lang ngumingiti si Caleb sa kaniyang mga empleyado na hindi niya naman usual na ginagawa tuwing meeting. Kahit pa noong empleyado niya rin ako, tuwing may meeting ay lively siya’t palangiti. Pero tingnan mo ‘to ngayon, walang reaksyon ang mga mata at puro tango lang ang tugon.

Sa pagkakaalam ko ay ito ang unang beses na makita kong ganito si Caleb. Gaya kanina’y kulang sa sweet at lambing ang tono ng boses niya. O baka nasanay lang ako na gano’n siya kaya nagtatampo na rin ako ng ganito?

Ba’t naman kasi siya nagkakaganito? Nagtatampo ba siya sa ‘kin o galit siya? Pero saan naman? Dahil nakita niya kaming magkausap ni Chester?

Subalit hindi naman siya basta-basta nagseselos, e. Araw-araw ay marami akong nakasasalamuha na mga tao, lalong-lalo na ‘yong mga lalaking nakikilala ko—mapatrabaho man ‘yan o personal life. Pero lahat ng mga taong ‘yon ay hindi niya naman binibigyan ng pansin.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon