Hello, readers! I miss you all. And I'm sad to say that this is not an update. Noong first week ng October, just before my birthday and the release of my super updates (Yes, updates. Marami sana akong surprise chapter updates and new book para sa inyo for my birthday) bigla na lang namatay ang cellphone ko, kung saan ako nagsi-save ng mga notes and chapters para sa mga stories ko.
Nanghinayang ako kaya agad ko siyang dinala sa technician. Ang sabi ng technician kaya daw niya ayusin yun at puwede ko daw balikan next week. It's okay naman kasi after yun ng birthday ko, like puwede na lang ako mag-update tomorrow morning after my birthday. Then after one week pumunta ako sa kanila, kaso ang sabi hindi pa daw nakukuha yung kailangang parts kasi daw maulan, pero bukas daw nandoon na yun. Sinigurado ko kung maaayos ba talaga kasi bukod pa sa mga notes ko about sa story and ilang mga chapters, nandoon din lahat ng files ko tungkol sa mga pinag-aaralan ko. Pero nag-promise siya na kaya niyang ayusin yun basta maghintay lang daw ako. Wala naman akong magagawa kaya nag-okay ako, extend ko na lang sana yung date ng update basta ang mahalaga makuha ko yung mga files sa phone ko. Bumalik ulit ako the day after tomorrow, pero hindi pa daw nakakabalik yung boss niya mula sa pagkuha ng parts na need para sa cellphone ko. Nag-okay ulit ako kasi nag-promise na siya, then pagbalik ko, ang sabi nung nagbabantay hindi daw niya alam kung ayos na kasi day-off pala ng technician na kausap ko. Ka-chat ko siya the whole week na nasa kanila yung phone ko tapos di manlang siya nagsabi na day-off pala niya. Bigla na lang din nasira din yung laptop ng mother ko kaya pinahiram ko muna sa kanya yung gamit ko kasi need niya sa work niya kaya hindi ako nakapagparamdam sa inyo.
Wala pa talaga akong balak na bumili ng bagong cellphone kasi umaasa ako na maaayos pa yung phone ko, pero sobrang tagal niya na sa shop. Need na need ko kasi talaga ang cellphone sa pag-aaral and many other things kaya napagdesisyunan ko ng bumili ng bago. Nakakahiya namang palagi na lang akong nanghihiram sa Papa ko ng cellphone kasi gamit din niya yun sa business. Hanggang ngayon nga hindi ko pa din nakukuha cellphone ko sa shop kasi nung huling punta ko nagsarado na muna sila kasi hindi pala nagbabayad ng tax yung shop.
Sobrang nakakapanghinayang talaga yung mga files dun sa phone ko. Nandoon lahat nakalagay yung mga future plans and stories ko at marami na akong chapters na nasulat dun para sa iba't ibang mga story. At ngayon kailangan ko pang magsimula ulit. I hope na makapaghintay kayo sa akin readers. Hindi ko alam kung kailan ako ulit makakabalik pero makakaasa kayong babalik ako. I love you all!