Chapter 4. A Thought

27.1K 636 5
                                    

Xien POV

Hindi ko malaman kung ano ang kulang ko sa aking design. Hindi ako kontento sa nakikita ko sa drawing book sa harap ko ngayon. I marked an X then proceed to the blank space. Nasa tambayan kaming magbabarkada ngayon habang nagpapalipas ng oras. Ito ay nasa rooftop ng Architecture Building. Kaming lima lang ang may karapatan na pumunta dito. I requested this place from the owner of the school. Hindi niya naman magawan tumutol dahil alam niya ang mangyayari sa kanya sa oras na tumanggi siya.

“I’ll bet Bro, you’re thinking of her” Third teased me then gave me an evil laugh.

Napatingin ako sa kanya at tumahimik siya bigla.

“Who?” Curious na tanong ni Chokie. Isa sa mga kaibigan ko.

Instead of answering them, I just draft the design I have in mind right now.

“Hannister” Natigilan kaming lahat nang magsalita si Fritz. Ito ang pinakamatahimik sa grupo at kung magsalita man ito ay tanging sa mga importanteng bagay lang.

“Yung matapang na babae nung first year natin?” Chokie asked again. Kelan pa naging usisero ang isang ito? Siya kasi ang pinamakulit at isip bata sa amin preo walang hilig sa mga babae.

“You got it Bro!” Si Third ang sumagot.

“Whoooooooo! ! ! !” Parang nagdiwang ang mga kaibigan ko dahil sa walang kwentang iniisp nila tungkol sa akin.

Tumayo ako bigla kaya natahimik sila.

“Aalis muna ako” I said in a firmed and controlled voice. No one dares to follow me.

Nagpahangin ako sa labas habang nakatanaw sa buong Victoria University.

“Limang taon na pala ako dito” Sabi ko sa aking sarili habang nilalanghap ang sariwang hangin. Architecture ang kinuhuha ko ngayon at hopefully graduating na. Hindi ko akalaing dito ako mag-aaral. Ang university na ito ay para lamang sa mga piling estudyante, para sa mga matatalino. Hindi ako matalino, pero kaylangan ko maging magaling.

“Siyam na taon ko na din pala silang kasama” Sabi ko uli sa aking sarili. Yumuko ako at ngumisi pansamantala. Hindi ko din akalain magiging matibay ang pagkakaibigan naming lahat.

One week after may graduation sa elementary, niyaya ako ni Papa para mamasyal. Ang saya-saya ko noon dahil iyon ang unang beses na magkakaroon ng oras sa akin si Papa. Palagi niya akong sinasanay sa pakikipaglaban at paghawak ng mga sandata. Kamamatay lang ni Mama noon dahil sa panganganak sa bunsong kapatid ko.

Nagtaka ako dahil sa isang gubat niya ako dinala. Nang lumabas kami sa kotse ay pinalibutan kami ng mga lalaki, naka-amerikana sila at mababangis ang mukha. Nakaramdam ako ng takot ngunit hindi ko pinakita kay Papa. Ayaw na ayaw niyang makita ang takot sa mga mata ko. Kahit sa burol ni Mama, bawal akong umiyak o magpakita ng kahitanong emosyon. Bawal maging mahina sa pamilya namin.

Nagbow ang mga lalaki sa amin.

“Master” Sabi nila kay Papa. Napakunot noo ako at tumingin kay Papa. Bakit Master ang tawag sa kanya? Ito ba ang mga tauhan naming sa kumpanya? Bakit nandito kaming lahat sa gubat? Marami sana akong tanong kay Papa ngunit tumahimik na lang ako.

“Ito ang Mafia natin Xien” Bigla niyang sabi sa akin.

“Mafia?” Ulit ko sa sinabi ni Papa. Ano yun? Wala akong ideya kung ano ang sinasabi ni Papa.

Pinaliwanag niya sa akin ang mag bagay-bagay tungkol sa Mafia naming. Sa batng isp ko ay hindi ko maintindihan ang mag tinitukoy ni Papa.

“Ngayon, prove me you’re deserving to be the Mafia Prince” Dad said in a dangerous voice. Sa mga tauhan niya siya tumitingin at hindi sa akin.

“Papa” Alam kong seryoso siya pero napakabata ko pa naman para dito.

“If you are not worth it, you better die in front of me” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.

“Papa!” Napasigaw ako. Seryoso ba talaga ang ama ko sa nais niyang mangyari ngayon?

“Master Carl” Nagsalita si Mr. Ang, siya ang butler ko na nakatayo ngayon sa likuran naming ni Papa.

“Bring the boys down here Mr. Ang” Utos ni Papa at hindi kami pinansin ni Mr. Ang

“Pero Master, limang buwan palang sa pag-eenssayo si Xien” Paliwanag ni Mr. Ang sa kanya. Sa lahat ng mga pagsasanay na ginawa ko ay siya ang nasa aking tabi.

“Bring them here” Ulit ni Papa sa kanyang utos. Seryoso nga ito at buo na and desisyon niya para sa aking kapalaran.

Ilang sandali, may apat na lalaki na humarap sa akin. Isa doon ang pinsan ko, si Minyue. Ang mga tauhan namin ay pinalibutan kami. Sila marahil ang hurado sa laban ko.

Pumunta sa gitna namin si Papa at nagsalita.

“I brought the best boys with the same age as you Xien. Tulad mo, sinanay ko din sila sa pakikipaglaban. They are the best among the best” He said and paused for awhile.

“Makinig kayong lahat!” Sigaw ni Papa.

“Today, I will select the Mafia Prince of Jang Clan. These boys are the applicants. They must fight in order to get the title. Whoever wins will be claimed our Prince”

Lumapit sa akin si Papa at hinawakan ang balikat ko.

“Son, I told them to kill you. Now, prove me that you must be the Mafia Prince of our clan”

Tumingala ako kay Papa. Pinipigilan kong umiyak sa harap niya. Gusto niya akong mamatay? Bakit? Napakasama niyang ama! Pinahidan ko ang isang butil ng luha na kumawala sa aking mata.

Isang putok ng baril ang narinig  ko.

“The battle begins!”

Nakita kong ang isa-isa silang sumusugod sa akin.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon