Chapter 27. Behind their masks

21.4K 516 3
                                    

Hannister POV



Nandito na kami sa mansyon nina Xien. Tahimik lang akong nakikinig ng mga sinasabi nila dahil hindi ako makarelate, super. Mabuti na lang at sa tabi ko si Xien na mula kanina ay nakaakbay sa akin. Ayiiii! Kinikilig ako pero syempre quiet lang.


"Ang ingay nyo! Kelan ba ang balik nyo ha?!" Si Third. Napipikon na ata siya sa kambal. Napansin kong may pagkamadaldal si Fritzee a.k.a Lucy habang si Fritzel naman a.k.a Laverna ay cool lang pero nakikisabay din naman kwentuhan.


"Ano ka ba naman Thirdy!" Sabi si Fritzee sabay palo sa braso ni Third. "Namiss pa kita magtatagal pa kami ng konti dito" Nabigla kami ng kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Third.


"Fuck! Fritz ang kapatid mo!" Napatayo si Third at lumayo kay Fritzee. Tumabi siya kay Minyue pero sinundan naman agad ito ng kambal.


"Thirdy!" Pasigaw na tili ni Fritzee habang lumalapit ito sa kanya.


"Fritz! ! !" Sigaw naman ni Third sa kaibigan nito at patakbong umalis sa kwarto. Syempre sinundan ito Fritzee.


Tumawa kaming lahat dahil sa dalawang iyon. Akalain mo ba naman ang playboy ng Fearless Five Gang ay tumatakbo papalayo sa isang babae? Maganda naman si Fritzee ah. Ewan kung bakit ayaw ni Third dito.


"Yan kasi, sabi mo gwapo ka, eh di magtiis ka Bro!" Sabi naman ni Chokie ngunit wala sa kwarto si Third.


"Tama Chooks to go! Namiss nga ni kambal si Thirdy niya" Sang-ayon dito ni Fritzel. Nagpout naman si Chokie dahil Chooks to go ang tinatawag ni Fritzel sa kanya.


"Fritz! Ang kapatid mo oh!" Nagsumbong din siya kay Fritz. Tahimik naman na nagmamasid ang kuya ng kambal at pailing-iling lang kung may ginagawang kalokohan ang dalawa.


"Shut up Chooks to go or baka gusto mo maoven toasted mamaya!" Inasar na siya lalo ni Fritzel. Aba, may pagkapasaway din pala siya. Medyo may pagkasuplada kasi si Fritzel kaysa ka Fritzee na jolly palagi.


Tumayo si Chokies a pagkakaupo niya at lumapit kay Minyue.


"Minyue Oh!" Dito naman siya nagsumbong.


"Tsk" Yun lang ang sagot ni Minyue at nagpatuloy sa paglalaro sa tab niya. Wala siyang pakialam sa pinag-uusapan namin. Mas suplado pa pala si Minyue kaysa kay Xien.


I looked up at Xien who he is just observing on them. Walang reaksyon na makikita sa kanya. Binalik ko na lang ang aking pansin sa kanila.


"Hey Chooks to go, let's have some fight!" Aba, nangyaya ng laban si Fritzel. Nakita ko namang sumimangot lang si Chokie.


"I don't fight on girls!" Medyo malakas ang pagkakasigaw ni Chokies a kanya.


"Wala ka ng magagawa dahil maglalaban tayo ngayon" Fritzel grinned at the cutie gangster and went near him.


When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon