Chapter 10. No choice

23.5K 699 19
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay si Alessa agad ang bumungad sa akin. Ngumiti ng malapad ang magandang bata at binati ako.


"Hannibunch!"


"Eh?" Hannibunch daw?! Hala!


"Alessa" Mahinahon na saway ni Xien sa bata. Bakit nandito ang singkit na yan.


"Oppa" Alessa pouted her lips to Xien. Oppa? Don't tell me kapatid ni Alessa ang masungit na singkit na ito.


"I apologize for my sister's behavior" Seryosong nakatingin si Xien sa akin. Oh my! Magkapatid nga sila ni Alessa.


"Kamusta na ang pakiramdam mo Hannister" Napalingon ako sa aking kanan. Nandito din pala sina Fritz at ang mga kaibigan niya.


"Ok lang ako Fritz, teka nasaan ba ako?" Sagot ko kay Fritz at sinubukang bumangon.


"Ahhhh!" Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, parang nabugbog sarado ako ng todo.


Pilit kong inalala ang huling eksena bago ako nawalan ng malay. Hawak ako ng dalawang lalaki sa gubat. Dumating ang Fearless Five Gang at sinuntok ako ng demonyong pinuno ng mga lalaking humahabol sa akin. Teka, natigilan ako sa aking pag-iisip. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang lalaki ang naririot ngayon. Tama kaya ang hinala ko?


"Kayo ba ang Fearless Five Gang?" Diretso kong tanong sa kanila.


"Ano po yun Eonni? K-pop din po yun?" Inosenteng tanong ni Alessa. Nakalimutan kong naririto din pala siya.


"Play outside Alessa. May pag-uusapan lang ang mga matatanda." Sabi ni Xien sa kapatid. Tumango naman ito at mabilis na umalis.


Katahimikan ang sumunod na nangyari. Dahil walang sumagot, nilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng kwartnog kinalalagyan ko ngayon May white wallpaper iyon na may design na golden butterflies sa nagsisilbing lining sa gitna ng dingding. Gold and white din ang pinta ng mga kasangkapan sa loob. Elegante kahit simple, yun ang masasabi ko. Kumpleto din iyon sa mga modernong kagamitan


"I guess I'm right" Ako na lang din ang sumagot sa tanong ko. Wala naman ata silang planong sagutin ako.


"Kami nga yun" Kinumpirma ni Xien ang hinala ko.


Pinikit ko ang aking mga mata dahil nakakaramdam pa rin ako ng panghihina. Ang lambot-lambot ng kama na nag-aanyaya sa akin sa matulog.


"Akala ng Blood Gang, girlfriend kita. Nasa panganib ang buhay mo dahil sa madaldal kong kapatid. It leaves me no choice but to have you as my girlfriend for real" Sabi ni Xien.


"What?" Napabangon ako bigla dahil sa narinig.


"I have to do it for your own good lady. Nadamay ka dahil kay Alessa kaya responsibilidad na kita mula ngayon.


When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon