Xien POV
Hindi siya si Helena!
Fuck! Bakit ko ba kinukumpara si Hannister kay Helena?! Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ang mga bisita sa verona ng aking kwarto. Ngayon ang kaarawan ni Alessa at maraming bisita ang naririto.
Bumukas ang pinto at niluwa ang lapas-tangang taong pumasok na hindi muna kumatok.
"Fuck!" Napamura tuloy ako nang makita ang nakangising mukha ni Third.
"Ang ganda ng mga pakpak mo Bro" He teased me even more. I answered him with an evil look. Hindi ito natinag sa mga tingin ko. "Bumaba ka na, hinahanap ka ng mga Mafia Boss" Tumalikod agad ito at iniwan akong nag-iisa sa kwarto. Kinuyom ko ang aking mga palad bago bumaba sa garden ng mansion kung saan naroroon ang venue ng party.
Sinalubong ako ng mga alliance ng Jang Mafia. Sa amin tatlo, si Alessa lang ang may public party. Lahat ng dapat imbitahan ni Papa ay dapat imbitahan talaga. Kaylangan namin ng kanilang presensya dito bilang proteksyon na rin kung sakaling may aatakeng kalaban, lalo na ngayon at marami ang nakakaalam sa pagiging Mafia Jewel ng kapatid ko. Mga nasa tatlong daan ang mga bisitang naririto pero doble ang bilang ng mga bumabantay sa paligid para sa security.
Nakita kong papalapit sa akin sina Fritz at Yue. Gaya ko, hindi din nila maiwasang suotin ang butterfly wings na requested ng kapatid ko. Damn that fucking wings!
"Secure everything. Report to me after 10 minutes" Utos ko sa kanilang dalawa. Si Fritz sa exterior security kabilang na sa ang boung village habang si Yue naman ang sa interior kabilang na ang mga bisita.
Tumango lang sila sa akin at nagsi-alisan na rin. Tumingin uli ako sa paligid. Hinahanap ng mata ko ang babaeng iyon.
"Bullshit! Ang tagal niya!" Mahina kong mura at kumuha ng isang glass ng champagne sa dumaang waiter.
Chokie POV
Naririto ako ngayon sa security room kasama ang tatlong tauhan ng Jang Mafia para bantayan ang mga nangyayari sa party. Taimtim kaming tumitinign sa CCTV para masuri ang kakaibang kilos ng mga bisita. Nahagip ng tingin ko si Xien.
"Ang gwapong paru-paro!" Nasabi ko bigla at tumawa kaming apat.
"Shut up Chokie! Bumaba ka na rin dito. Kasali ka baka akala mo" Oopps, narinig din pala ni Xien ang sinabi ko. May speaker at mic na nakakabit sa kanilang mukha at damit para sa aming komunikasyon.
"Tsk! Oo na!" Napakamot ako sa aking ulo habang binabalik ang headset ng desktop. Kinuha ko ang aking gadgets ang nilagay iyon sa tenga at coat ko.
Bago ako umalis ay nilagay ko na rin ang butterfly wings ko sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
AkcjaI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...