Chapter 5. Live or Die

24.8K 645 6
                                    

Humihingal kaming nakatayo at saglit na nakiramdam sa susunod na gagawin ng bawat isa. Ako, si Minyue at isa pang batang lalaki ang natitira sa laban. Alam ko ang mag galaw at Minyue dahil pinsan ko siya. Ilang beses na kaming naglaban pinsan kong ito at hindi pa niya ako nagawang matalo kahit minsan. Aaminin ko, magaling din ang batang lalaking kasama naming ngayon.

“Magtititigan na lang ba kayo?!” Sigaw ni Papa sa amin.

Nagising ang aming diwa at humanda na naman sa paglusob sa isa’t-isa. Unang umatake sa akin ang bata pero nasasanggab ko ang kanayang mga atake. Hindi pa ako tapos sa kanya at si Minyue naman ang umatake sa kanya. Saglit akong huminto at hinayaaan ang dalawa sa pakikipaglaban.

Lalong gumaling si Minyue sa pakikipaglaban ngayon mula sa huli naming laban noong nakaraang buwan. . Medyo dehado na ang batang lalaki pero bigla niyang natamaan si Munyue sa sikmura.

“Minyue!” Sigaw ko sa aking pinsan. Alam kong napuruhan siya at ngayon ay nakaluhod na sa lupa.

Bago masipa ng lalaki si Minyue ay umatake ako sa kanya. Sa akin na nabaling ang kanyang atensyon. Pareho kaming pagod na sa laban ngunit isa lamang ang dapat magwagi. Nakaramdam na ako ng panghihina kaya natataman na ako ng kalaban.

Nakita kong sumuka ng dugo si Minyue.

“Minyue!” Tatakbo sana ako palapit sa kanya ngunit sinipa siya ng lalaki. Bumulaga sa lupa ang pinsan ko.

“Ahh!” Sigaw ko sa sobrang galit. Sinugod ko agad ang lalaki at pinagsusuntok ng ubod ng lakas. Hindi ko alam kung san ako kumukuha ng sapat na lakas hanggang natumba na lang din siya sa lupa.

Humihingal akong nakatayo sa gitna ng apat kong kalaban na nakahiga sa lupa, duguan at tadtad  ang katawan ng mga pasa at sugat.

Binigyan ako ni Papa ng isang baril sa  kamay ko.

“Patayin mo na silang lahat Xien. Walang lugar ang mag mahihina sa Mafia natin” Utos ni Papa na nakatayo sa likuran ko.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinigpitan ang paghawak ng baril sa kamay ko.

“Patayin mo na sila!” Sigaw ni Papa sa akin.

Bigla kong pinaputok ang baril.

“Bang. . . .!”

Tumama iyon sa isang puno at walang tinamaan kahit isang nilalang.

“Xien!” Sigaw uli ni Papa.

“Tama na Papa” Mahinahon kong sabi sa aking ama. Hindi niya nagustuhan ang aking sagot. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit.

“Hindi mo ba alam na kung pakakawalan mo sila ngayon ay baka ikaw ang patayin nila sa susunod! Matira ang matibay sa mundo natin, hindi natin kaylangan ang mga mahihinang tao. Dalawang bagay lang ang dapat magdaig sa mundo Xien; Kamatayan o Tagumpay”

Mahabang paliwanag ng aking ama. Lahat ay tahimik na nakikinig sa kanya. Pati hangin ay takot na umihip dahil sa malakas sa tension na namamagitan sa aming ngayon.

“Ikaw din ang nagsabi walang lugar ang mahihina sa Mafia natin Papa. Dahil ako ang nagwagi sa laban at magiging susunod na pinuno ng Mafia natin, kaylangan ko ng mga taong maglilingkod ng tapat. Ang apat na mga lalaking ito ay ang mga pinakamalalakas sa nakalaban ko. Dahil utang nila ang buhay nila ngayon sa akin, dapat nila tayong paglingkuran ng katapatan at ialay ang buhay nila. Kung dadating ang araw ng maghihiganti sila sa labang ito, sisisguraduhin kong hindi nila ako matatalo  kaylan man!” Napasigaw ako sa huling salita ko.

“Young Master” Sabi si Mr. Ang sa isang tabi.

Walang nagsalita, tahimik ang lahat hanggang sa narinig ko ang palakpak ni Papa. Pumunta siya sa tabi ko at itinaas ang  aking kanang kamay.

“The Mafia Prince of Jang Clan!” Sigaw ni Papa ng ubod ng lakas para marinig ng lahat.

“Whooooo! ! ! !” Balik na sigaw ng mga tauahn namin sa tagumpay ko. Ako nga ang nagwagi sa laban.

Nang binaba ni Papa ang kamay ko ay dali-dali akong pumunta kay Minyue at sumigaw.

“Tulungan nyo sila!”

Dito nagsimula ang aming pagkakaibigan namin.

“Xien, may tawag ka” Hindi ko namalayan si Third  na nakalapit na pala sa akin. Napakunot noo ako habang tinanggap ang phone niya.

“Sino daw?” Tanong ko na hindi interesado kung sino man ang tumawatag.

“Si Dagger” Naalerto ako sa pangalan narinig ko mula sa kanya.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon