Chapter 31. Gangster Party
Sharp 6:00 pm ay may nagdoor bell na sa labas. Kinuha ko ang maliit kong pouch at binuksan ang pintuan. I smile widely to greet Xien pero si Minyue ang nakatayo doon.
"Eh? Hi?" Bati ko sa pinakamasungit na member ng Fearless Five Gang. Kinakabahan tuloy ako dito kay Minyue. Narinig ko kasi siya daw ang pinakamalupit sa pakikipaglaban sa kanilang lima.
Tumango lang siya sa akin at naglakad na papunta sa elevator. Kitams? Ang sungit! Mabuti pa si Xien kahit papano ay nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa kotse. Naku, mapapanis ang laway ko dito!
Kinuha ko ang pressed powder sa pouch ko at nagretouch. Wala pang 30 minutes ang preparation ko para sa party ni Xien. Napangiti ako sa aking pouch. Classy ito at gustong-gusto ko. May mga jewels ito sa checkered na base. Kasama ito sa damit at shoes na binigay sa kin ni Xien. Nakita ko ang tatak at sa kilalang boutique galing.
Hindi ko namalayan na huminto na pala si Minyue sa isang tabi. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passengers seat. Aba! Gentleman din pala siya.
Eto naman, tahimik na naman kaming naglalakad papasok sa isang resort. Naririnig ko ang mga alon at malakas na hangin na may simoy ng dagat. Kinakabahan ako baka marami ang mga sosyalera at maaarte dito. Hindi ko talaga tipo ang mga ganyan eh, mas mabuti pa yung may topak. Parang si Dea lang.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng isang hall ay napanganga ako sa aking nakita. Lahat sila ay mga nakaitim. Punk ang fashion nila at mukha silang mga gangsters! Anyare?
Tiningnan ko ang paligid at ang iba ay nakatingin na rin sa akin. Paano ba naman, ako lang ata ang nakacocktail dress dito. Isa iyong above the knee na A-line red mini dress. Pinusod ko rin ang aking mahabang buhok para maemphasize ang dangling earings ko. Naka-4 inches stiletto heels pa ako. Pormal na pormal ang aking get up but I'm so out of place! Wha! Ang singkit na yun!
"Nice Hannister!" Nakita ko si Third na dumaan sa harap ko at nakangisi. Inaasar talaga ako ng plaboy na 'to. Tsk.
"Kyaah! OMG You're so pretty Hannibunch!" Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang kambal. Puring-puri si Fritzee sa akin at hindi gaya ni Third ay walang sarkasmo sa tinig nito. Gaya ng naririto ay nakablack din sila. Si Fritzel ay nakablack pants na marami ang punit-punit at one sided black top rin. Habang si Fritzee naman ay nakawhite mini skirt at black Jacket na nakabukas at may white top din ito na kita ang kalahati ng tyan niya, she paired this with a hi-cut black shoes with fishnet stockings.
Ngumiti ako sa kanila para itago ang pagkainis ko kay Xien. Urrrggh! Balak ba akong ipahiya ng lalaking iyon dito?!
"Taralets Hannibunch!" Nilapitan ako ni Fritzee at inakbayan. Eh close kami ng assassin na ito, ngayon ko lang narealize. Haha.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...