Chapter 35. Monthsary Moments

18.7K 495 11
                                    

Hannister POV

Masaya akong kumakaway sa papalayong kotse sakay sina Fritz at ang kambal niyang kapatid. Babalik na daw sa ibang bansa sina Fritzee at Frizel. Nakatayo sa tabi ko ang Fearless Five Gang at si Chokie lang ang kumaway katulad ko. KJ kasi sina Third, Yue at Xien. Tsk.

Nakakamiss naman ang kaingayan ng kambal. Sila lang ata ang mga babaeng kinatatakutan nina Third at Chokie eh. Napangiti tuloy ako nang maalaala ang kalokohan nila.

Nagulat ako nang hinawakan ni Xien ang kamay ko. Nasa labas kami ng school at maraming estudyante ang naririto dahil lunch time pa. Nang lumingon ako sa kanya ay kami na lang ang natira, wala sina Yue at Third.

"Bakit? Nagtataka kong tanong sa kanya. Pinisil niyang ang kamay ko na siyang nagpamula sa aking mukha. Uhhh! Nakakahiya, PDA ito! Singkit naman eh.

Hindi siya sumagot at kinaladkad ako papasok ng campus. Nakayuko lang ako habang pinagtitinginan kami ng mga tao, students, teachers, faculities o security guards man yan ay nakatingin talaga sa HHWW na peg namin ni boyfie.

"Teka, ang bilis mong maglakad!" Pagrereklamo ko sa kanya sabay simangot. Ang laki-laki ng hakbang ng singkit na ito na akala mo ay may naghahabol na chicks niya sa likuran namin. Since hawak-hawak niya ang kamay ko ay dapat makasabay din ako sa bilis niya.

"Tsk" Yun lang ang reaksyon niya ngunit binagalan niya din ang paglakad. Nakahinga ako ng maluwag dahil dun.

Pero mali ata ako sa request ko kay Xien, dumami pa tuloy ang nakapansin sa amin na mga tao. Namula ako nang marinig ang kanilang mga bulong-bulungan.

"Bagay sila ano"

"Ang gwapo talaga ni Xien! Sayang seryoso talaga siya sa gf niya"

Napangiti ako sa mga sinasabi nila tungkol sa amin. Medyo matagal na rin kami ni Xien at alam ng buong Victoria University ang tungkol sa amin.

"Ang ganda pala ni Hannister"



Nanlaki ang tenga ko sa huli kong narinig. Sheda! Pati ang pagmumukha ko ay nadadamay na sa tsismis ah. Hinigpitan ko ang kamay ni Xien at ako naman ngayon ang kumaladkad sa kanya.

"Dalian mo!" Sabi ko sa kanya nang hindi niya binilisan ang kanyang paglakad. "Ano ba Xien! Lalo tayong pag-uusapan dito!" Saway ko sa kanya.

Nakita kong ngumisi si Xien at pinisil uli ang kamay ko. Uurrrghh! This Mafia Prince knows how to make me blushed over and over again.

Sa Gang Nest kami tumambay. Kami lang dalawa ang nandito, ewan kung saan nagpunta ang mga kaibigan ni Xien. Medyo kinabahan ako dahil alam mo na, baka kung ano ang gawin niya sa akin. Pero dumiretso lang siya sa isang mesa. Lima ang mesang naroron na parang semi-circle ang formation. Nasa gitnang mesa umupo si Xien, siguro, mesa ito ng Fearles Five Gang bawat isa sa kanila.

Sumunod ako at kumuha ng isang upuan sa isang mesa at tumabi sa kanya. Binuksan niya ang computer sa seryong-seryoso ang mukha. Akala ko ay may kung anong importante siyang gagawin, yun pala ay maglalaro lang! Amputik!

Tiningnan ko ang screen at nakita ko ang mga fantasy characters. "Yan ba ang DOTA?"

Inosente kong tanong. Wala akong kaalam-alam sa mga computer games.

"Tsk. LOL ito" Sagot niya at nag-umpisa ng maglaro. Tahimik lang akong nanonood sa laban niya nang mabored ako. Pumunta ako sa kaliwang mesa kung saan hiniram ko ang upuan at binuksan ang computer.

"Anong password nito?" Tanong ko kay Xien na busy pa rin sa paglalaro.

"SharktripleX" Sagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

I typed the code and the screen saver shocks me! What the f*ck?! Photo collage iyon ni Third na may kasamang babae at naghahalikan sila! 25 lahat ng photos at 25 na iba't-ibang babae ang nilalandi ang lalaking iyon. Tss.

I searched for games, yung racing sana pero wala siya dito. Puros mga battle games lang ang nasa file niya. Wala akong hilig dun kaya I shut down the unit.

Lumingon uli ako kay Xien at seryoso pa rin ito sa paglalaro. Napaisip ako sa mga sinabi kanina ng mga schoolmates namin. Teka, may naalala ako.

"Xien anong date ngayon?" I asked him but nagkibit-balikat lang siya.

Salamat ng marami singkit!

Kinuha ko ang phone ko to check the date. March 16, 2015. Muli kong inisip ang mag nangyari noong nakaraang buwan. After yun ng midterm, tapos nakilala ko si Alessa, tapos, Kyahhhh! ! !

"Xien! ! !" Pasigaw ako at napamura si Xien dahil sa pagkagulat.

"Fuck! What the hell it is?!" Ooops. Nagalit si Boyfie.

"Happy 2nd monthsary!" Bati ko sa kanya at binigyan siya ng pinakamatamis kong ngiti.

Natigilan siya sa sinabi ko. Pero nang makabawi siya sumimangot siya. "Tsk"

Sheda! Bakit hindi niya ako binati? ? Nakakatampo naman oh!

Nilapitan ko siya at hinampas sa braso ng malakas.

"Awwww!" Nasigaw siya habang hinihimas ang brasong pinalo ko.

"Ewan ko sayo!" Pagtatampo kong sabi at lumabas na ako sa Gang Nest. Nagpahangin muna ako sa balcony habang tinatanaw ang boung campus ng school.

Nakakatampo naman siya. Ngayon nga lang ako nagkaboyfriend tapos ang super thoughtful pa. Hindi kasi kami nakacelebrate ng 1st month namin dahil pareho kaming busy sa projects para sa foundation day ng school. Hai, sayang naman at nakalimutan namin ang date. Pero di ba mas sayang ngayon dahil naalala ko na nga pero hindi ko naman maramdaman.

Ilang sandali.

"Happy Monthsary!" Si Xien!

Lumingon ako at napanganga ako sa kanya. May bitbit siyang red roses pero walang emosyon sa kanyang mukha.

"Hindi ko alam eh" Yung lang ang sabi niya at napakamot siya sa ulo. Sheda! Ang cute niyang tingnan. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras. Ayyiiiii! Oo na Xien, apology accepted ka na!

Lumapit ako sa kanya at inabot nito ang roses sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang Segundo nang may naalala uli ako.

"Ay sandali!" Kinuha ko ang phone ko at nag-open ng camera apps

"Ngiti ka Xien!" sabi ko sa kanya nang naka-on na ang front cam ng phone ko.

"Fuck!" Ay nagmura na naman ang singkit na 'to!

Hinarap ko siya at pinalo muli.

"Ano ka ba! Monthsary natin ngayon eh!" Pagrereklamo ko. Xien naman kasi eh, kahit ngayon lang! huwag kang KJ! Isang ngiti lang ang hinihiling ko.

"Damn it! Oo na!" Napangiti ako nang pumayag siya.

I positioned the camera sa magandang angle.

"Smile!" I told him. Magkatabi kami at hawak ko ang bouquet ng roses sa isang kamay.

*click*

What the f*ck? ! Did my Mafia Prince Boyfriend just smiled beside me? ? ? ?

Pangiti-ngiti ako habang naglalakad papunta sa aking unit. Nandito na ako sa building ng condo ko. Hinatid ako ni Xien pero hindi na siya umakyat. May laban na pa daw sila mamaya sa Dark Ground.

I entered my code then went inside. Natigilan ako nang may kumaluskos mula sa kitchen. Imposible namang pusa iyon? I heard the faucet was opened. Nanindig ang balahibo ko sa takot. May tao! Teka, paano siya nakapasok sa condo ko. Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si Xien pero nagulat ako nang batiin ako ng aking bisita.

"Hello Honey!" The man greeted me with a wide smile on his face. He waved his free hand because the other one is holding a kitchen tool while looking at me who has a surprised face at this moment.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon