Hannister POV
"Ano ba ang kaylangan nyo sa akin?" Malakas kong sigaw sa Blood Gang ngunit walang pumansin sa akin. Dinala nila ako sa bahay na dating tinirahan ko, ang kuta ng Black Mafia. Kasapi ba sila ni Daddy? At gaya ng dati ay kinulong ako sa isang kwarto.
Sa kaiisip ko kina Xien at Daddy ay napagod ako at nakatulog. Nagising ako sa nang maramdaman ko ang malambot na haplos sa aking mukha.
"Hannister" Minulat ko ang aking mata dahil narinig ko ang tinig ni Xien.
"Xien?" Napabangon ako bigla. Nandito si Xien sa kwarto ko! May isang pasa ito sa ilalim na bahagi ng kanyang pisngi at sugat ng katana na nakuha nito kanina sa Takashima assassin.
"Si Daddy?" Tinanong ko agad ang aking ama.
"Nakaligtas siya. Halika na, tatakas tayo" Determinado niyang sabi. Tumango ako at maingat kaming tumakas sa bahay. Sheda! Kinailangan kong tumalon mula sa 2nd floor ng mansyon! Mabuti na lang at maagap akong nasagot ni Xien kaya hindi ako nasaktan masyado.
Mabilis kaming tumakbo sa likurang bahagi pero sinalubong kmi ng Blood Gang.
"Ahhhh!" Napatili ako nang may yumakap sa aking likuran at bumungad ang kanyang katana sa aking mukha.
"Dagger" tawag ni Xien dito nang makilala siya.
"Don't move or she'll die" Pananakot nito kay Xien. Kalmado naman ito at tiningnan ng matalim ang Blood Gang, apat ang sa harapan at ang isa ay binibihag ako.
"Xien!" Napasigaw ako nang inumpisahan na nilang bugbugin si Xien. Apat sila ngunit kayang-kaya pa rin sila nito.
"Ahhhh!" Napasigaw uli ako dahil nilapit ng husto ng lalaki ang katana sa aking leeg. Natigilan si Xien at lumingon sa amin.
"Lumaban ka pa at tutuluyan ko na ang babaeng ito" Napalunok ako ng laway. Nararamdaman ko na ang talim ng katana sa katawan ko. Hindi nga nagbibiro ang lalaking humahawak sa akin.
Hindi ko mapigilang umiyak habang nakatingin kina Xien at sa Blood Gang na naglalaban. Pinagtutulungan nila ito at hindi na siya nagtangkang lumaban pabalik dahil pinagbabantaan nila ang aking buhay.
Nang mapaluhod si Xien sa lupa ay ginamit ko ang buo kong lakas para makawala sa lalaki. Mabilis akong lumapit kay Xien. Niyakap ko siya at hindi ko mapigilang maawa sa kanyang sinapit ngayon.
"At last, the Mafia Prince of Jang Mafia is falling into our hands" Muli sa madilim na sulok ay may sumulpot na mga kalalakihan. At nanlaki ang mga mata ko nang makilala si Daddy na siyang nagsalita.
"Daddy?Anong ibig sabihin nito?" Tumayo ako at iniharap siya.
"Prince, you're welcome for loving the woman who will bring your death" Nakangisi si Daddy habang nakatingin kay Xien. Parang hindi siya ang malambing at mabait na ama ko.
"All of you, give respect to the Black Jewel of Black Mafia!" Sumigaw ang lalaking nagbanta ng katana sa akin at nagulat ako nang alisin niya ang kanyang maskara. Si Renan! Si Renan si Dagger? At lahat ng mga tauhan ng Black Mafia ang lumuhod paharap sa akin.
"Hindi ko maintindihan Daddy" Naguguluhan ako. Ano ang nangyayari? Lumingon ako kay Xein at tahimik lang siyang nakikinig sa aming pag-uusuap.
"Ikaw ang Black Jewel ng Black Mafia Hannister" Lumingon ako sa apat na lalaking pumasok sa eksena at sila ay walang iba kundi ang Fearless Five Gang. Gaya ni Xien, may mga pasa at sugat din sila sa katawan. Hindi ko sila nakita kanina sa laban ng mga Mafia, saan kaya nila iyon napulot?
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...