Hannister POV
Nandito ako ngayon sa bago kong condo. Pagkatapos ng mga pangyayari sa Rust Mafia ay binilhan ako ni Xein ng bagong unit. Ayoko sana dahil nakakahiya, sa isang exclusive condominium ako hinatid ni Mr. Ang kahapon at mga anak-mayaman ang neighboors ko. Hindi ko sila magiging close dahil feeling ko ang aarte nila, sa mukha pa lang, kita na ang ebidensya.
Hindi gaya ng nauna kong unit na two storey ay one storey naman ang new condo ko. Yun nga lang, mas sosyal ang mga kagamitan dito na pinabili pa daw ni Xien para sa akin; kumpleto ang mga kitchen appliances ko na hindi naman ako mahilig magluto, dalawa ang 72" na tv, isa sa living area at isa sa bedroom ko, at 21" naman sa guest room.May glass wall sa living area kung saan kitang-kita ang magandang tanawin sa City.
Kasalukuyan akong nanonood ng race sa sports channel nang may nagdoorbell sa labas. Nagtataka akong tumayo para pagbuksan siya. 8:30 na ng gabi at wala akong inaasahang bisita. Maliban kay Xien ay si Mr. Ang lang ang nakakaalam dito.
"Best!" Bati agad ni Dea nang mapagbuksan ko siya ng pinto. Niyakap ako ng mahigpit ng bestfriend ko. Isang buwan din kaming hindi nakita nito.
"Best! Pano mo nalaman ang bago kong unit?" Masaya man ako, ay nagtataka pa rin ako kung paano niya ako natunton.
"I have my ways" She said and went straight inside. "Wow! Best ang ganda naman dito" Nanlaki ang mga mata nito nang tuluyan ng makapasok sa loob. Umupo siya sa sofa at hinahawak-hawakan pa iyon. "Design ito ni Haydeh ah" Hayden is a famous furniture designer in the country, if I'm not mistaken, nasa 100k ang halaga ng sofa set ko. Ganyan kaganlante si Boyfie.
I just nodded to my bestfriend. "Wait lang best, paghahanda muna kita ng meryenda"
Hindi niya ako pinansin dahil busy na siya sa pagscroll ng channel sa tv.
Hindi pa ako tuluyang nakarating sa kitchen ay may nagdoorbell na uli. Kaya instead na maghahanda ako para sa pagkain naming ni Dea ay pinagbuksan ko uli ng pinto ang bisita ko.
"Xien!" Nabigla ako nang Makita siya sa harap ng unit ko. Hindi ko talaga inaasahan na pupunta siya dito sa ganitong oras.
"Hanni sino yan?" Lumingon si Xien sa loob kung saan papalapit si Dea sa amin.
"Oh Hi Boyfie ni Hanni! Dea nga pala bestfriend niya!" Actually, ngayon lang nagkita ang dalawa na ito since naging kami kuno ni Xien. Kumaway si Dea sa kanya.
Hindi sumagot si Xien kay Dea at tinitigan niya ito ng seryoso. Ayan na naman ang Boyfie ko, suplado mode na naman.
"Halika ka Xien,pasok ka!" Aba si Best at home na talaga sa condo ko ha, siyapa yung nangyaya kay Xien na pumasok.
Nanatili pa ring seryoso si Xien at hindi sumasagot kay Dea. May nakita akong pamilyar na bulto ng tao sa likuran ni xien.
"Fritz!" Bati ko sa kanya nang makilala ko siya.
Nag-alinglangan siyang bumati sa akin dahil agad siyang tiningnan ng matalim ni Xien.
"Hi Hannister!" Bati niya na may maliit na ngiti.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...