Chapter 37. Helena

18K 437 4
                                    

Dalawang taon pagkatapos akong hirangin bilang Mafia Prince ng Jang Mafia ay tuluyan ng nagbago ang buhay ko. Kasama nina Yue, Fritz, Chokie at Third, walang katapusan ang ginagawa naming pagsasanay sa pakikipaglaban at sa paghawak ng iba't-ibang sandata.

Isang taon na kaming sinasama sa misyon ng kamatayan. Pumapatay na kami ng tao sa mga murang edad. Pero mahigpit ang aking batas sa apat, huwag patayin ang taong hindi nararapat sa kamatayan.

Dahil sa pagkakapatay ko ng sampung tao sa loob ng apat na buwan ay binigyan kami ni Papa ng isang buwan na bakasyon. Pinili kong magpahinga sa Queen House.

Bahay namin iyon sa isang probinsya. Ito ang pinakapaboritong bahay-bakasyunan ni Mama. Sabi niya noon sa akin ay mahalaga daw iyon sa pag-iibigan nila ni Papa. Mafia Princess si Mama noong kabataan niya at isa sa mga pinakamagaling na assassins. Si Papa naman ay Mafia Prince. Ipagkasundo silang dalawa ng kani-kanilang magulang para mas lalong maging malakas at malaki ang dalawang Mafia. Subalit, todo tangi si Mama, ayaw na ayaw daw niya kay Papa. Binalaaan naman ng kanyang ama si Papa na kung hindi siya maikakasal kay Mama ay hindi siya ang magiging Mafia King balang araw.

Dito sa bahay na ito, kinulong ni Papa si Mama at sinabihang hindi siya makakaalis dito hangga't hindi siya magpapakasal sa kanya. Sinagot siya ni Mama, pag-ibig lang ang tanging rason para magpakasal siya sa isang lalaki. Tinawanan lang iyon ni Papa pero sa huli, nahulog din ang loob ng bawat isa habang nandito sila. Nang makasal ang dalawa, pinangalanan nila itong Queen House.

Isang linggo na ako dito at mag-isa lang talaga ako. Ayoko ng kahit na sinong kasama dahil gusto kong mapag-isa at magmuni-muni sa sinapit ko sa buhay.

Pero isang gabi, habang naglalaro ako ng psp, may narinig akong kakaiba sa likod ng bahay. Nanginginig ako sa takot habang pinupuntahan ang pinanggalingan ng ingay. Aaminin ko, wala akong kinatatakutan maliban sa isang bagay. Napalunok ako ng aking laway ng makita ko ang swing na gumagalaw. Nanlamig ang buo kong katawan. Oo, takot ako sa multo!

Sabi kasi nila kapag may namatay kang kamag-anak ay dadalawin ka nila. Mabuti sana kung si Mama iyon, maganda pa rin siya kahit multo na. Iniisip ko din kasi ang mga taong pinatay ko. Baka maghiganti sila sa akin at multuhin nila ako. Hindi ko sila masusuntok at matatamaan ng baril. Di ba nakakatakot yun?!

Kasalanan ito ni Third eh! Pinanood niya ako minsan ng horror. Fuck!

Pilit kong kinontrol ang takot ko at humakbang muli papunta sa swing.

"Sino yan?" Tawag ko sa multo. Sana naman hindi siya ang negrong napatay ko sa Japan. Nakakatakot ang mukha nun kahit may buhay pa yun.

Naramdaman kong may tumakbo sa likod ko. Nanlamig uli ako sa aking kinatatayuan. Maingat akong tumalikod at. . .

"Booooo!"

"Whaaaa! ! ! !" Sa sobrang gulat at takot ko ay tumakbo ako papasok sa bahay. Sinarado ko ang back door sa kitchen at humihingal na sumandig doon.

May white Lady dito! Isang babaeng nakaputi at may mahabang buhok ang nakita ko kanina, pero maganda siya. Magaganda pala ang mga white lady?

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon