Chapter 9. Fearless Five Gang

22.5K 625 5
                                    

Patuloy ang paghahabol sa aking ng tatlong lalaking nakamotor. Binangga ako ng isa at muntik na akong matumba. Binilisan ko lalo si Storm, 180 kph na ang takbo ko. Narinig ko ang putok ng isang baril mula sa likuran ko.

“Shit!” Napamura ako. May mga baril sila at kaylangan kong mag-ingat. Naisip ko ang eksena kanina na kasama ko pa si Alessa. Kutob ko ay ang mga kidnappers niya uli iyon.  AWala dito sina Mr. Ang para tulungan ako.May takot na unti-unting yumayakap sa akin.

Pinaulanan nila ako ng bala kaya huminto ako sa tabi at gumulong pababa sa isang bangil. Kaylangan kong iwan si Storm dahil matatamaan talaga ako kung nakamotor ako.

Tumakbo ako ng mabilis sa kadiliman ng gubat. Narinig ko ang mga motor ng lalaki sa malapit. Mukhang hahanapin nila ako hanggang dito. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa direksyon ng kalsada baka nasundan ako.

“Bugs!” May nabangga ako.

Nang tingnan ko kung sino ay nabangga ko ay nabigla ko nang makilala ang mga lalaking humabol sa akin. Eh di as usual nakablack suit sila.

Lumusob sa akin ang isa pero lumaban ako. Nahirapan siya sa akin kaya lumusob din ang mga kasama niya. Napangiti ako dahil kayang-kaya kong silang lahat. Dehado na sana sila ngunit nagpaputok ng baril ang pinuno nila.

“Tama na! Sumuko ka na sa amin kung ayaw mong butasin ng bala ang katawan mo!” Sigaw niya sa akin. Natigilan ako. Ibang usapan na kapag may baril.

Humihingal akong nakatingin sa kanya. Sinuntok ako ng isa sa tagiliran ko at napaupo ako sa lupa dahil sa sakit. Hindi pa magaling ang pasa ko dyan kanina.

“Dalhin nyo na siya kay Dagger!” Mariing utos ng pinuno sa mga kasamahan niya. Hinawakan ako ng dalawang lalaki para makatayo at kinaladkad papunta sa kalsada.

“Bitawan nyo ako!” Sinubukan kong sipain sila ngunit nakakailag sila. Nanghihina na ang katawan ko.

“Matapang ka babae! Ikaw nga siguro ang pinakamamahal ni Phoenix. Mga ganitong tipo ang gusto nito” Nagsalita ang pinuno nila, nasa unahan ko siya.

“Hindi ko siya kilala!” Sino ba ang Phoenix na tinutukoy niya mula kanina. Wala talaga akong kaibigan na Phoenix ang pangalan, kahit sa Dark Street ay wala akong kilalang ganyang codename.

“Let her go” Natigilan ang mga lalaki nang may humarang sa kanilang limang kalalakihan.

Madilim sa parteng kinatatayuan nila  kaya hindi ko makita ang kanilang mga mukha.

“Hindi ko inaasahang makita kayo dito Fearless Five Gang” Sabi ng pinuno.

Fearless Five Gang? Hala! Sila kanina ang pinag-uusapan sa Dark Street ah. Sila ang nasa harapan ko ngayon.

“Talagang ililigtas mo ang babae mo Pheonix” Dagdag uli ng pinuno.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon