Naglalakad kami ni Minyue patungo sa dalampasigan. Gusto ko sanang magtanong sa kanya ngunit natatakot ako. Mabuti pa kay Xien ako magtanong dahil kayang-kaya kong sagutin ang singkit na yun huwag lang dito sa pinsan niya.
Dumiretso kami sa isang pathway na kahoy. Nanlaki ang mga mata ko nang makarating kami sa katapusan nito at may isang barko! Nakayuko kasi ako kaya hindi ko ito napansin agad. Malaki ito sa karaniwang yate pero hindi kasing laki ng mga barko na bumabyahe. Parang private ship ito.
Bigla itong nagliwanag! Ang laki nito at ang ganda! Puti ang kulay ng buong yate at may tatlong palapag. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang magliwanag ang hagdanan paakyat dito. Napangiti ako nang makita si Xien na nakatayo at nakaabang sa akin.
"I'm going" Nawala tuloy si Minyue sa isipan ko. Ngumiti ako sa kanya bilang pagsagot at agad siyang umalis.
Huminga ako ng malalim at hinay-hinay na umakyat sa barko.
"Hi!" Sheda! Binati ako ni Xien at nakangiti siya ng bongga! Nakasuit ito na may pulang neck tie, bumagay ang mga damit namin. Ito pala talaga ang plano niya hindi yung nasa party.
"Hi!" Parang nakalutaw ako sa cloud nine nang kinuha niya ang kamay ko at inalalayan akong papasok sa loob. Sa pangalawang palapag kami nagtungo at may isang candle light dinner na nakaprepare doon.
Hanggang sa pag-upo at pagkain ay inalalayan pa rin ako ni Xien. Anyare? Bumait ata siya, naging romatic at sweet pa ang singkit na ito. Pero Oo na, gustong-gusto ko naman. Sheda! Ako na ang kinikilig.
Ni hindi ko na matusok-tusok ang karne at malunok ang kinakain ko dahil hindi umaalis ang tingin ni Xien sa akin. Nakakaasiwa tuloy. Mabuti na lang at may wine na nakaserve kaya agad ko itong tinungga at inubos.
I heard him chuckled. Sheda! I blushed! Nahalata niya siguro niyang tensyonado ako.
Nang matapos na kaming kumain ay lumapit siya sa aking at nilahad ang kanyang kamay.
"Let's dance" It was not a question but a statement. He also flashed a sexy smile on his lips.
Nag-alinlangan ako sa alok niya. "Eh wala namang music ah?" Inosente kong tanong. Wala naman kasi ditong musicians na tutugtog habang sasayaw kami at wala rin akong narinig na music na pinatugtog kanina habang kumakain kami. Tahimik lang kami kanina at nakikiramdan sa isa'-isa.
I saw him frown kaya napilitan na lang akong tanggapin ang alok niya. Tumayo kami sa gitna ng balcony ng barko. Malakas ang ihip ng hangin na siyang sumasabay sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon.
"My first dance, kahit sa debut ko hindi ako sinayaw nina Daddy at Grandpa" Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa mga mata ni Xien. Tila naunawaan niya ang sinabi ko kaya ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
AcciónI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...