Chapter 44. Suspect No. 2: The Sweet Angel

16.9K 417 2
                                    

Yue POV




Matyaga akong naghihintay sa labas ng St. Therese University. Isang exclusive school ito for girls at medyo may kamahalan. Nalaman kong nag-iisang anak pala si Angel ng top 5 business tycoon sa bansa. Kasalukuyan itong nasa second year at BS Hotel and Restaurant Management ang kurso.


Tinapon ko ang sigarilyo sa labas ng kotse nang masiplatan ko si Angel sa gate. Pupuntahan ko na sana sa kanyang kinatatayuang shed ngunit naunahan ako ng isang kotse. May lalaking umalalay sa kanya papasok.


"Tsk" If I'm not mistaken, body guard iyon ng isang hotel heiress. Palihim ko silang sinundan hanggang sa nagpark ito sa isang kilalang resto. Pumasok sa loob si Angel kasama ang body guard niya.


Inayos ko muna ang aking sarili bago sumunod dito sa loob. Nakita ko agad siya na nakaupo malapit sa glass window sa sulok.


Nanlaki ang kanyang mga mata nang magtama ang aming mga tingin. This spoiled rich girl is not expecting to see me again. Tsk.


Hindi pa ako nakalapit sa kanya ay hinarang na ako ng kanyang body guard. Fuck! I closed my fist to keep myself calm.


"I know him. Iwan mo muna kami sandali. He's my friend" Sabi nito sa lalaki. Lumingon naman ito sa kanya at tumango. Ilang sandali ay nakaupo na rin ako sa kanyang harapan.


Pagkatapos naming mag-order ng pagkain ay nagsimula na ako sa aking pakay.

"I never thought a drag racer is from a catholic school" Gusto ko lang isatinig ang opinion ko tungkol sa kanya. Nagulat siya sa aking sinabi. Tumingin siya sa paligid at inalagay ang hintuturo sa kanyang bibig.


"Shhhh. Quiet will you? Secret yun!" Pabulong niyang sabi then she gave me a damn wink. Tsk. Pacute.


Tumango ako bilang sagot at huminga ng malalim bago magsalita uli. Well, hindi ako palasalita na tao pero kaylangan kong magtanong sa babaeng ito.


"Can you tell me about Hannister?" Diretsong tanong ko at wala ng patumpak-tumpak pa. Hindi ko alam kung ang pagkakaibigan ba nila ay hanggang sa labas ng race. Sana nga.


"Mirana?" She verified me and I nodded. "Ah, okay, mabait siya, maganda at matulungin. Teka!" She looked at me with wide eyes. "Type mo ba siya? Hindi ba boyfie niya ang barkada mo?"


Nataranta ako sa mga sinabi niya. Fuck! Ang daldal ng babaeng ito!

"No, I just want to know her more. . .for my cousin. Yeah, ganun nga" Palusot ko dito. Sana hindi niya mahalata ang pag-iimbistiga ko. Sh*t! I hate explaining.


"Ah, I see" She sighed for a relief. "Si Hanni, limang taon na kaming magkaibigan nun. She taught me how to drive two wheels and introduced me in drag racing. Konti lang ang alam namin sa mga personal na buhay ng isa't-isa. All I knew is, her Dad is working is US and she is living alone right now" Dumating ang waiter pagkatapos niya magsalita. Naghintay uli ako ng pagkakataon para sa aking pangalawang katanungan.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon