Maaga akong pumunta sa Queen House na nag-iisa. Natulog muna ako sa aking kwarto sa ikalawang palapag ng bahay pagkadating ko. Pagkatapos ng pananghalian ay dumiretso na ako para bistahin si Mama.
Isang daan metro mula centro ng garden nakaburol ang Mafia Queen. Pinagawa ito ni Papa para sa alaala ng yumaong asawa. Gawa sa mamahaling bato ang puntod at puno ng bulaklak sa paligid. Hindi mo aakalain may nakaburol doon kundi para iyong bahay-pahingaan.
Umupo ako sa upuang yari sa marmol na naharap kay Mama. Kinausap ko siya ng tahimik kaya hindi ko namalayan ang takbo ng oras. Ilang sandali ay dumating din si Papa.
Matalim itong nakatingin sa akin. Alam ko na kung para saan iyon. Nabalita na marahil sa kanya ang pagpunta ni Shadow sa party ni Alessa.
"Hiwalayan mo na siya" Direstong sabi sa akin ng aking ama sa mapanganib na tono. Lumingon ako sa kanya at nakipagtitigan, mata sa mata.
"Ipapahamak mo lang ang babaeng iyon Xien" Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Ipapahamak mo lang din ang Jang Mafia" Hindi pa ako nakabawi sa una niyang sinabi ay lalo uli ako natigilan sa pangalawa.
Lumapit ito kay Mama at hinaplos ang putting puntod. Tahimik lang nakasunod ang aking tingin kay Draco. Nasa harapan siya ng kanyang asawa ngunit hindi pa rin lumalambot ang kanyang mukha. Kasamang namatay ni Lady Alyssa ang puso ni Draco.
Hindi siya nagtagal at tumalikod na rin. Tumayo ako nang huminto siya sa aking harapan. Muli ay natitigan kami na parang hindi magkadugo.
"Alalahanin mo ang nangyari sa Tito Kurt mo"
At umalis na ng tuluyan ang aking ama.
Si Tito Kurt ang ama ni Third at best friend ni Papa. Umibig ito sa isang ordianryong babae. Mayaman sina Tito Kurt at kasosyo ni Papa sa iba niyang negosyo samantala nasa middle class naman ang babaeng iniibig.
Nang malaman ng Mama ni Third na kasali si Tito Kurt sa Jang Mafia at kaibigan nito mismo ang Mafia Prince noon na si Papa ay nasilaw ito sa pera. Kapalit ng isang milyon ay ipinahamak niya ang dalawa. Naambush sina Tito at Papa ng mga kalaban at naaksidente sa sasakyan. Pareho silang duguan na dinala sa hospital ngunit hindi nakaligtas si Tito Kurt at binawian ng buhay bago pa man suriin ng mga doctor.
Kinuha ni Papa si Third at lumaki ito kasama ko. Sinubukan siyang kunin ng kanyang ina ngunit matigas ang loob ng kaibigan ko para sa walang kwentang niyang ina. Balita ko hanggang ngayon ay nagpupumilit pa rin ang babae para makuha ang loob ng anak nito.
"Hindi naman iyon gagawin sa akin ni Hannistr di ba Ma?" Para akong gago na kinakausap si Mama. Hindi ko mapigilang isipin ang sinabi sa akin ni Draco.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...