Dea POV
Kumatok ako sa pintuan at naghintay sandali. Alas singko pa lang ng umaga kaya marahil ay natutulog pa si Hannister.
Ilang minuto ang nakakaraan ay binuksan ng matalik kong kaibigan ang pinto. Nakapajama pa ito at magulo ang kanyang mahabang buhok .
"Dea?" Tawag nito sa aking pangalan at halatang bagong gising batay sa kanyang paos na boses.
Pumasok ako agad sa kanyang kwarto at nilock ang pinto.
"Magbihis ka, may pupuntahan tayo"
Tila siya nagising sa aking sinabi.
"Hindi ako makakaalis dito Dea, binabanatayan ako ng Black Mafia at mapanganib sila" Binalaan niya ako pero ngumisi lang ako sa kanya.
"Ako ang bahala Best kaya magbihis ka na! Dalian mo!" Pangungumbinsi ko sa kanya.
"Pero. ." Nag-aalinglangan pa rin siya na sumama sa akin.
"Hinihintay ka ni Xien" At nang marinig niya ang pangalang aking binanggit ay nagliwanag ang kanyang mukha. Dali-dali itong pumasok sa banyo para mag-ayos ng kanyang sarili.
Maingat kaming lumabas sa kanyang kwarto. Mabuti na lang at madilim pa ang paligid kaya nalulusutan namin ang mga bantay. Sa wakas ay na nakarating na rin kami sa loob ng aking kotse.
"Inutusan ka ba ni Xien para sunduin ako?" Excited na tanong ni Hannister nang makalayo na kami sa bahay.
"Parang ganun na nga" Yun lang ang masasabi ko sa kanya. Napabuntong hininga ako habang nagmamaneho. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Fritz ay hindi ko rin naman itatakas si Hannister kay Shadow.
Huminto ako sa tabi ng isang pulang sports car. Bumaba ako para salubungin ang may-ari ng magarang sasakyan.
"Fritz?" Bumaba din pala si Hannister at lumapit sa amin.
"Get in the car Hannister, ako ang magdadala sayo kay Xien" Tumango naman agad ang kaibigan ko kay Fritz at pumasok sa sasakyan na walang reklamo.
"Ang kasunduan natin" Pinaalaala ko iyon sa kanya.
"Yeah" Yun lang ang sinabi niya at pumasok na rin sa loob ng kanyang kotse.
Tinatanaw ko ang papalayong sports car at nagdarasal na sana kakayanin ni Hannister ang mangyayari ngayong araw. Best, para sayo ang ginagawa kong ito.
Hannister POV
"Saan si Xien?" Tanong ko kay Fritz nang makarating kami sa pamilyar na gate na pinalilibutan ng mga halamang dahon.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...