Chapter 8. Dark Street

25.3K 599 9
                                    

“Pasensya ka na talaga Miss Hannister” Ilang bese ng humingi ng paumanhin si Mr. Ang sa akin dahil nangyari kanina. Mabuti na alng at dumating sila kaya naligtas kami ni Alessa.

“Okey lang po yun” Sabi ko habang nakangiti. Inihatid niya ako sa condo ko. Huminto ako nang matapat na kami sa harap ng unit ko.

“Tanggapin mo ito bilang pasasalamat ni Master Carl sa pagliligats kay Lady Alessa” Yumuko ito sabay bigay sa akin ng isang sobre. Si Master Carl na tinutokoy nito ay ang ama marahil ni Alessa.

“Naku Mr. Ang, huwag na po” Todong tanggi ko. Hindi ko naman kaylanagn ng kahit anong bayad para sa pagtulong kay Alessa.

“Tanggapin nyo na po Miss Hannister, ayaw ni Master Carl na magkaroon ng utang na loob kahit kanino.”

“Ah eh” Tinanggap ko ang sobre at binuksan iyon.

“10 Million pesos!” Nanglaki ang mata ko nang makita ang tseke na hinawakan ko ngayon. 10 Million? Ang laki-laki kaya nun!

“Kulang pa nga iyan kapalit ng kaligtasan ng buhay ni Lady Alessa” Tumingin sa Mr. Ang sa akin ang ngumiti saglit. “Aalis na ako Miss Hannister” Nagbow si Mr. Ang sa akin at umalis na.

“Teka! Hindi ko naman matatanggap ang perang ito Mr. Ang!” Sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin hanggang lumaho na siya sa paningin ko.

“Ipaframe ko na lang ito bilang souvenir mula kay Alessa!” Naisip ko bigla at napangiti. Tama! Yun na lang ang gagawin ko. Hindi naman kami gaanong mayaman nagunit sapat ang perang binibigay ni Daddy para sa akin. Walang bagay na hinihingi ko ang tinatanggihan niyang ibigay sa akin. At isa mpa, hindi ako maluho at maarte sa katawan ko kaya hindi ko kaylangan ng malaking pera.

Dumiresto ako sa kwarto ko sa 2nd floor ng condo at humiga sa malambot kong kama. I miss my bed! What a tiring day! I sighed. Nararamdaman ko ang mga pasa na nakuha ko kanina sa laban.

Tumunog ang phone ko kaya bumangon ako at sinagot ang tawag.

“Hanni asan ka?” Si Angel ang tumatawag, kaibigan ko

“Sa condo ko, bakit?” Nagtataka ako kung bakit tumawag ang babaeng ito. Isang bagay lang ang alam kong dahilan ng pagtawag niya.

“Punta sa dito sa Dark Street may laban tayo” Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko.

“Pagod ako ngayon eh” Pagdadahilan ko, parang napuruhan ang katawan ko kanina. Gusto kong matulog ng maaga para makapagpahinga ang katawan ko.

“Please Hanni, I need you! May pusta ako mamaya at malaki iyon” Pamimilit ni Angel. Hindi ko maimagine ang pouted lips ng kaibigan ko ngayon.

“Tsk. Fine!” Napilitan akong bumangon para paghandaan ang laban namin mamaya.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon