Tahimik kaming naglalakad ni Xien sa isang Park na malapit sa restaurant. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko ngunit bigla siyang tumigil at binitiwan ito. Anyare?
“Dun tayo” sabi nito at naglakad sa tinurong direksyon.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya nang bigla siyang nagstart ng convo.
“Tell me about youself Hannister” Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi lumilingon sa akin.
“About me? Nothing special.” Kibit balikat kong sagot. Ordinaryong babae lang ako katulad ng karamihan.
“Tsk. Just say something about you. Damn it!” Tila napipikon nitong sabi. Huminto kami sa tapat ng isang fountain. Walang masyadong tao sa kinalalagyan naming ngayon.
“Fine! Ako, . . simple lang, I’m not that rich, I’m not that pretty. . “
“Who said you’re pretty?” Putol niya sa self introduction ko. Aba ang singkit na ‘to iniinis ako.
“Ewan ko sayo singkit!” Umalis ako papalayo sa kanya. Nakakapikon naman siya. Todo paganda na nga ang ginawa ko para sa date namin tapos hindi niya lang man naappreciate ang effort ko. Hmmp!
“Hey! Saan ka pupunta?” Sigaw niya mula sa likod ko.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Manigas ka dyan singkit!
Napahinto ako nang may bumulaga sa aking na mga kalalakihan. Ayan naman, nakablack suit na naman sila, mga gangster na naman ito, sigurado! Hai.
“Hello Phoenix!” Bati ng lalaki na nakangisi. Lumingon ako sa likuran at nandoon pala si Xien, nakasunod sa akin. Dahil tinawag niya si Xien na Phoenix, kinutuban ako ng malakas tungkol sa kanila.
“Araneus” Banggit ni Xien sa pangalan ng lalaki. Matalim siyang tinitigan ni Xien at napakuom ang kamay nito.
“Sino sila Xien?” Tanong ko sa kanya. Obvious naman na mga gangsters sila but I just want to verify it.
“Spider Gang” Matipid na sagot ni Xien. Lumapit siya sa aking tabi na tila poprotekuhan ako sa mga lalaking nasa harap namin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid.
“Totoo pala ang usap-usapan sa Dark Ground na may girlfriend ka Phoenix” Sabi ni Araneus. Pinili ko na lang na tumahimik at hayaan si Xien at Araneus na mag-usap.
“Chismoso na pala ngayon ang mga gangsters” Tanging sagot ni Xien at sige pa rin ang matlim na pagtitig sa Spider Gang.
Tumawa ng malakas si Araneus. Narinig ko rin tumawa ang mga kasahaman niya. Nagjoke ba si Xien? Hindi ko kasi magets kaya hindi ako makatawa.
“Pinatatawa mo talaga ako Phoenix, alam mo ba kung ano ang pinasok ng babaeng ito sa dahil sa pakikipagrelasyon sayo?” Napaamang ako sa sinabi ni Aranues. Ano ba ang nais niyang ipahiwatig sa akin?
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
БоевикI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...