Xien POv
Dalawang lingo na rin naming minamanmanan ang Rust Mafia. Tatlong grupo ng mga tauhan namin na halos umabot sa animnapu ang pinatay nila. Hindi sila titigil hangga’t hindi kami nagtutuos. Ako ang puntirya nila at mangdadamay uli sila ng iba kung hindi nila ako makakaharap.
“Magpapakita ka din pala Prince! Unti-unti na bang nauubos ang mga tauhan ninyo?” Sabi ng isang lalaki na mukhang tatlumpu hanggang talmpu’t lima ang edad. Hindi ko siya kilala dahil ang pagkakaalam ko ay nagngangalang Thorn ang leader nila at kasing edad ko. Kapag ang transaction ko ay may kinalaman sa Mafia, Prince ang tawag sa akin dahil ako ang Mafia Prince ng Jang Mafia, maliban na lang sa ibang Mafia na kilala ako bilang Phoenix.
Nandito kami sa isang bakanteng lote na malayo sa mga kabahayan. Ayon sa pinadalang mensahe ng Rust Mafia, dito daw kami magtutuos ngayong araw.
“Masyado kang papansin matanda!” sagot ko sa kanya. Nakakainis tingnan ang mukha niya sa harapan ko. Gusto ko na tapusin ang mga gago na ‘to ngayon din. Kinuom ko ang kamao ko para pigilan ang namumuong inis na kanina ko pa tinitimpi.
“Mayabang ka talaga Prince, tatlong tauhan lang ang dinala mo. Magpapakamatay ba kayo? Sabagay, pwede namin kayong ilibing dito” Sabi uli nito at tumawa ng malakas. Kapag panget ang tumatawa, ang sakit sa tenga.
Lima kaming nandito ngunit sa Minyue at Third ay nakapwesto bilang sniper sa paligid. Si Fritz at Chokie ang kasama kong humarap sa kanila.
“Hindi mo ba kami kilala tanda!” Sigaw ni Chokie. Hindi din siguro nito type ang tawa ng lalaki. Tahimik naman Fritz ngunit alam kong naiinis na din ito. Atat na kami sa laban, hindi gaya sa Dark Ground, patayan ang laban sa Mafia War.
“Niloloko nyo ba ako?! Kayo ang Jang Mafia!” Sigaw nito sa amin at napakunot noo dahil ngumingisi kami ngayon. Hindi niya kilala kung sino ang tutugis sa kanila. Tsk!
“Jang Mafia, the top 1 Mafia sa Pinas at sa Asya” Si Fritz ang nagpaliwanag dito na tila bored to death na.
“Kami din pala ang. . . Fearless Five Gang” Dagdag ni Chokie na kinagulat nila. Halatang natakot ang mga tauhan ni Tanda. Kahit sa mga Mafia, kilala ang bagsik ng gang naming. Hindi ko masisisi ngayon kung may tatakbo sa kanila pauwi bago kami lumaban.
Nang makabawi si Tanda ay tumawa uli ito na parang baliw. “Sino niloloko nyo? Eh tatlo lang kayo dito”
Chokie answered them while grinning. “Scorpio and Shark are just watching us somewhere out there” Napalingon sila sa paligid at hinanap sina Minyue at Third.
I snapped my fingers and five men from them laid down in the ground. Nabigla sila at tinaas ang mga baril sa paligid para hanapin ang sniper namin.
“I told you” I said in a cold and bored voice then smirked at them.
“Puta!” Reaksyon ni Tanda. Naniniwala na siguro yun na kami ang Fearless Five Gang. At dahil hindi nila pwedeng malaman ang sekreto ng Mafia Prince sa gang nito ay dapat silang mamatay. Mabillis kong tinutok ang baril ko kay tanda at pinatay ito. Gumulong kaming tatlo papalayo sa isa’t-isa para humanap ng pwesto.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
AkčníI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...