Hannister POV
Nagtataka ako kung bakit kami pumasok sa school ni Xien na gabi na ito. Dumiretso kami sa Architecture Building. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Pumasok kami sa elevator, sa lahat ng academic buildings sa Victoria University ay tanging sa Architecture Building lang meron nito. Nagulat ako ng huminto na ang elevator at nasa roof top kami. Hindi pa ako nakapunta dito at alam kong walang mga estudyanteng nangangahas na pumunta dito.
"Hoy singkit! Bakit nandito tayo?" Tanong ko sa kanya habang lumilibot ang paningin ko sa roof top. Hindi ba nito alam na prohibited area ito sa mga estudyante?
"Gusto ko lang" Sagot niya nang hindi na naman lumilingon sa akin. Antipatiko talaga ang isang ito.
Nagulat ako nang may isang bahay sa roof top, Glass Wall ang sa living area nito na kita ang sofa set at LCD TV. Maganda ang sa loob dahil kitang-kita ko iyon sa glass. Parang isang first class na condo unit.
Umupo si Xien sa isang tambayan sa sulok ng roof top at tumingin sa kadiliman ng school. Umupo din ako sa tabi niya at nag-umpisang mag-usisa.
"Hindi ba bawal tayo dito?" Tumingin ako sa kanya. May kadiliman sa kinaroroonan namin kaya hindi ko makita ang kanyang kabuuhang mukha.
"Bawal kung walang pahintulot. This is our Gang Nest." Sagot niya. Nakatingin pa rin siya sa harapan kaya tumingin din ako doon. Nakikita namin ang field ng school na pinalilibutan ng mga ilaw.
"Nest? Wala naming ibon dito ah?" Pilosopong tanong ko sa kanya. Pugad daw ito ng mga gang?
I saw him grinned kahit madilim. "Tulog na sila, gabi na kasi" Pilosopong sagot din nito sa akin.
"Talaga? May mga ibon din dito?" Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Tumayo ako at tumingin sa paligid baka ng may mga ibon.
"Tsk. Sit" Hinila niya ang braso ko kaya napaupo ako. "Fuck! Tanga ka ba talaga? Headquarters ito ng Fearless Five Gang" Ayan! Sumagot din siya ng tama.
Napatawa ako sa katangahan ko at nakita ko siyang pinipigilan ang tawa niya.
"Are you a member of a Mafia?" Nagulat ako sa tanong niya. Mafia? May ideya ako tungkol dyan but wala akong kinalaman sa Mafia.
"No" I answered immediately. Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko na tila pinaglalaruan ito.
"Anong work ng father mo?" He asked again. Wow! Q & A portion huh!
"Head siya ng security team ng isang businessman sa US" I answered direct to the point.
"Your Mom?" Question no. 3 ni Xien.
"She died years ago" I whispered my answer but it's enough for him to hear it.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
AçãoI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...