Natigilan ang lahat lalong-lalo na si Draco. Matalim nitong tinitigan si Erma.
"Anong ibig mong sabihin?" Mapanganib na tanong niya dito ngunit hindi niya kinuha ang samurai na nakatutok sa aking leeg.
"Ayon sa Mafia Constitution, tanging mga Mafia Prince lang ang may karapatan na mapangasawa ng isang Mafia Jewel. Ito ay para sa kanilang proteksyon sa nakaambang panganib sa kanilang buhay. Kung papatayin mo ngayon ang Black Jewel ng Black Mafia, dadating din ang panahon na may papatay din sa Mafia Jewel na pinakainiingatan ninyo." Mahabang paliwanang ng aking kaibigan. Tinapunan ko ng tingin si Draco ngunit walang emosyon na makikita sa kanyang mukha.
"Tama po yun" Nakuha ni Chokie ang atensyon ng lahat nang magsalita ito.
"Pagkatapos ng Mafia War noong 2005, apat ang natitirang Mafia Jewel sa mundo. Ang una ay ang Mafia Jewel ng Casa Muerte, pinatay siya limang taon ang nakalipas pagkatapos maikasal sa isang Mafia Prince na underlings nila. At ang pangatlo ay ang Mafia Jewel ng Takashima Mafia noong naklaraang buwan lang. Pinagbibintangan nila ang Black Mafia at Jang Mafia pero ang totoo, lahat ng sampung malalaking Mafia sa mundo ay ang may kontribusyon sa krimen."
"Kung pagpapatuloy ang bisa ng Death Queens Agreement sa pangatlong Mafia Jewel, siguradong isusunod ng mga Queen Assassins ang anak mo Draco!" Diniin ni Erma ang mga huling salita niya. Napansin kong humigpit ang pagkakahawak ni Draco sa samurai niya.
Joana Pov
Maaga akong dumalaw sa sa condo ni Renan ngunit nasiplatan ko silang lumabas sa building at sumakay sa van. Sa una, pagtataka lang ang rason kung bakit ko naisipang sundan sila ngunit nang makita kong dinukot nila ang babaeng iyon ay nag-iba ang takbo ng aking isip.
Alam ko siya at ang mga kaibigan niya ang Blood Gang. Naiintindihan ko iyon, ngunit ang hindi ko matanggap ay ang espesyal na lugar sa puso niya para sa babaeng matagal ko ng kinasusuklaman! Si Hannister White!
I hate her ever since I saw her face!
It was birthday that day when I invited Renan on our place. Bilang nag-iisang tagapagmana ng aming Mafia, pinaghandaan ako ni Daddy ng engrandeng party. But I did not enjoy the party dahil hindi dumating si Renan. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala siya doon. Then I tracked his phone and found him staring at an old house. I saw a girl blowing a cake with her family. Then I realize, yun ang rason kung bakit hindi siya pumupunta sa lahat ng kaarawan ko.
Sa una, wala lang yun sa akin. But I have this feeling na espesyal ang babaeng iyon para sa kanya. A day after we graduated from Harvard University, yayayain ko sana siyang magcelebrate kami. Hindi pa man ako nakababa sa kotse ay nakita ko na siyang umalis ng bahay at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan. Nag-alala ako baka may problema.
I saw him again with that girl. May humahabol dito na mga tauhan ng Mimbo Mafia, a dangerous Mafia in America na karibal ng Black Mafia sa high powered weapons sa underground business. He saved that girl from them! God! He risked his life for that girl! Hindi ba niya naisip na kung mamukhaan siya ng Mimbo Mafia ay madadamay siya sa gulo?
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...