Chapter 21. Dream House

20.1K 540 2
                                    

Hannister POV

Sinigurado kong maayos ang lahat bago ako lumabas ng condo. Hawak-hawak ko ang mininature project namin para sa exhibit ngayong araw. Kahapon pa ang opening ng Foundation Day ng Victoria University. Hindi ako dumalo sa activities kahapon dahil tinapos ko ang project namin hanggang kagabi. Proud ako habang naglalakad at marami ang napahanga sa gawa ko.

Coding ako ngayon kaya nagtaxi na lang ako. Kahit si Mamang driver ay hindi maiwasang purihin ang project ko. Nagchika-chika din kami on the way sa school. May tip tuloy siya sa akin.

Sa kabilang side niya ako binaba kaya kaylangan ko pang tumawid sa other side. Nakangiti ako habang bitbit ko ang miniature pagkatapos magpaalam kay Manong Driver.

Lumingon ako sa kaliwa at kanan para siguraduhing walang sasakyan. At nang masigurado ko na ay maingat akong lumakad. Feel na feel kong tumawid sa kalsada nang biglang may napansin akong kotseng paparating.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. May yumakap sa aking mga braso at tinulak niya ako para maiwasan ang kotse.

But shit! Damn! Fuck! Punyenta! Bwisit! P*tang Ina! Lahat na ng pagmumura ang gusto kong sabihin ng mabitawan ko ang miniature at nasagasaan ito ng kotse.

Agad akong tumayo kasama ng lalaki at nalaman kong si Fritz pala iyon.

“Okey ka lang?” Puno ng pag-aalalang tanong niya.

Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa nangyari. Gusto kong pumatay ng tao! Nahawa na ako ako kay Xien. Tsk.

“Okey lang ako, may kotse ka?” Sabi ko kay Fritz na nakatingin sa papalayong kotseng sumira ng project ko.

“Meron, bakit?” Sagot agad naman ni Fritz sa akin.

“Good. Give me the keys” Nabigla si Fritz sa sinabi ko. Nag-iba kasi ang aura ko ngayon. Para akong kakain ng tao.

“Why?” Makulit niyang tanong. Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya ng taimtim.

“Just give me the damn key!” Pasigaw ko na sabi sa kanya. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko at normal lang ang reaksyon niya, cool pa rin. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binigay sa akin.

Agad ko tong kinuha at pumasok sa kotse ni Fritz na nakapark sa kilid ng gate ng school. Mabuti na lang at hindi niya pa ito napark sa loob ng campus at madali kong magamit. Pinaandar ko ito at mabilis na sinundan ang kotseng itim na target ko ngayon.

Even I’m a drag racer sa motorbike, magaling din ako sa kotse. Ano pa ba at binansagan akong Dark Princess of Speed sa Dark Ground. Actually magaling ako pareho sa kotse at bike but nang matalo ako ni Erma two years ago sa car racing ay nagdesisyon akong magrace na lang sa motorcycle. Wala pang nakatatalo sa akin dun hanggang ngayon. Hindi porque tumigil na ako sa car racing ay lousy na ako dito. I grinned while looking at the black car two meters away from me right now. Natsambahan lang akong talunin minsan ni Erma but still, I’m so damn good in any race right now, whether it will be car or motorcycle.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon