Hannister POV
Isang linggo na ang nakaraan nang malaman ng buong school ang tungkol sa amin ni Xien. Pati si Dea na bestfriend ko ay hindi rin makapaniwala. Paano ba naman kasi, hindi nila kami nakitang magsama ni Xien ni minsan tapos sa isang iglap ay kami na agad? Kahit ako nga ay ayoko din maniwalang boyfriend ko ang singkit na yun. Tsk. Hindi ko talaga siya type. Fan ako ng tall, dark and handsome guy. Yung may bilog na mata^^
Last day class this week kaya kakaunti na lang ang mga students sa school. Maagang umuwi sa Dea dahil may gagawin pa daw sila ng mga pinsan niya. Nakita ko si Chokie sa harap ng Technology Building, BSIT ang course niya.Linapitan ko ito.
“Chokie!” Masigla kong bati sa kanya.
“Hannibunch! Este Hannister!” Kumaway ito sa akin. Ang cute talaga ng gangster na ito, parang hindi nga siya gangster sa maamo niyang mukha. Sa kanilang lima, si Chokie ang may smiling face at friendly aura, kaya siguro sa kanya ako pinakakampante sa kanilang lahat.
“May gagawin ka? Snacks tayo treat ko!” Yaya ko. Kanina ko pa gustong magfood trip. Nahihiya akong yayain si Xien.
“Oo ba! Hindi ko uurungan yan!” Tumayo ito mula sa kinauupuang bench at lumapit, ngunit may nakaunang lumapit sa akin.
“Kanina pa kita hinahahap” Si Xien! Hindi maipinta ang mukha nito.
“Bakit? Teka, wala ka bang class ngayon?” Nagtataka ako sa lalaking ito.
“Absent ang teacher. Let’s go” His voice is commanding me as well as his eyes.
“Pero kakain pa kami ni Chokie” Tumingin ako kay Chokie na nasa likuran ni Xien.
Lumingon din si Xien sa kaibigan niya.
“Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako!” At biglang tumakbo palayo si Chokie.
Anong nangyari dun? Nagtataka kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa papalayong cutie ng Fearless Five Gang
Xien POV
Nasa gang’s nest ako ngayon, headquarters naming dito sa roof top ng Architecture Building. Kasama ko si Yue at Third. Naglalaro ang dalawa ng chess habang ako naman ay naglalaro ng dota.
“Checkmate!” Yue said with a grinned to Third.
“Shit! Naipusta ko pa naman ang pangdate ko sa chick ko ngayon” Napailing ito tapos sumimangot. Bigla niya akong nilingon at nagtanong.
“Yo Xien, pautang naman ng 50k oh, pangdate lang” Sabi nito nito at walang hiya-hiya na talaga.
Huminto ako sa paglalaro at nakakunot noo dahil sa tanong niya.
“What the fuck!” Tanging sagot ko at pinagpatuloy ang paglalaro.
BINABASA MO ANG
When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)
ActionI fear no one. I chase danger. I admire death. I fight. I kill. But thanks to the naughty mouth of my little dongsaeng, I'm committing myself to an innocent but stupid girl. I have to take the responsibility of protecting her from the people who hun...