THE RUTHLESS DADDY
PROLOGUEA N D R E I
“Ate, bili na po kayo! Mura lang po! Presyong pangmasa at panghampaslupa lang po!” walang kapaguran kong sigaw nang paulit-ulit habang nagtatawag ng consumer dito. Pero kahit anong effort ko'y hindi pa rin sapat dahil wala man lang nakakapansin sa akin.
"Kaya mo 'to, Drei! Wala sa vocabulary mo ang pagsuko," sabi ko sa sarili at muling sumigaw. Iyong malakas na malakas at abot hanggang Jupiter para pati mga Aliens ay makarinig at baka bumili pa sila sa akin.
"Bakla, ang lakas ng sigaw mo. Abot hanggang kabilang probinsiya," sabi ng pinakapanget sa balat ng lupa. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Edi mabuti nang makarami ako ng benta! At saka, umalis ka nga diyan, 'teh. Minamalas 'tong paninda ko sa 'yo," sabi ko rito.
Umirap ito at lumipat sa tabi ko. "May chika pala ako sa iyo, Mars! Bet mo ba?"
Namewang ako at taas kilay akong humarap sa kaniya. "Huwag ako, Berting! Alam kong mangungutang ka lang. Kaya umalis ka na bago pa dumilim paningin ko't itong bracelets at anklets ay ipasuot ko sa leeg mo."
Kilala ko na ang baklang ulikba na 'to na pinagsisihan ng mga magulang niya kung bakit pa siya pinanganak. Halos araw-araw ba naman akong puntahan dito't manghihiram ng pera. Tapos kapag sisingilin mo na'y parang hindi ka kilala. Kung puwede ko lang talagang ikulong ito't ipasok sa Zoo pero baka ako ang makulong. Bawal ang manghuli ng hayop ngayon nang walang pahintulot ng Animal Welfare.
"Wow! Kailangan talagang tawagin ako sa pangalan ko?"
"Alin? Iyong Berting?" Ngumisi ako pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Mahina niya akong pinalo sa balikat at kaagad ko naman iyong pinunasan baka mahawa pa ako sa mukha ng isang 'to.
"Seryoso nga, 'teh! May alam akong bagong raket. Ayaw mo ba?"
Lumaki ang butas ng tainga ko sa narinig at saka mabilis siyang niyugyug. "Shuta! Saan?! Kailangan ko ng pera ngayon, 'teh! Sabihin mo na, dali!"
Mabilis niya akong hinawi at muling sinamaan ng tingin. Inayos niya ang sarili pero katulad pa rin ng dati'y napakapangit pa rin niya. Ipinuwesto niya ang palad niya sa harapan ko. Kaya kumunot ang noo kong nakatingin doon.
"Ano iyan? Alam kong mangkukulam ka pero 'di ako magpapakulam," sabi ko.
"Gaga! Bayaran mo muna ako."
Aba'y! "Ano?! Ikaw nga ang maraming utang sa akin. Ano na? Sabihin mo na iyong raket na alam mo!" sabi ko at pinalo ang kamay niya.
Humalukipkip naman siya't inirapan ako. Siya pa may ganang mang-irap. Para tuloy siyang suso na tinubuan ng mukha. Kung hindi lang siguro ito SK Kagawad na wala namang sinusuweldo dahil ayaw silang bigyan ng SK Chairman nila, baka matagal na 'tong natokhang dahil sa itsura niya.
Tinapik ko siya sa balikat. "Sasabihin mo ba o sasakalin kita?"
"Fine!" Wow! Nag-e-english na si Bakla. "Basta bawasan mo ng isang daan utang ko sa 'yo, a."
"Oo na, oo na!" inis kong turan. Hindi na kasi ako makapaghintay na malaman iyong raket na sasabihin niya. Kailangan ko kasi ng pera dahil mahirap lang kami at sa panahon ngayon, pera ang pinakamahalaga.
Huwag akong masabi-sabihan ni Jessie J nang money can't buy a happiness dahil hindi iyon totoo. Kung wala kang pera, hindi ka magiging masaya.
At saka isa pa, may Diabetes si Mama at hindi sapat ang kinikita ko bilang isang vendor ng mga souvenirs at paminsan-minsang paglalaba sa mga bahay-bahay rito sa lugar namin para sa mga gamot niya.
"Alam mo ba? Iyong Boss ni Tita ay naghahanap ng katulong sa Manila," aniya.
Katulong? E 'di ba, kadalasan lang sa mga katulong ay babae? Edi wala akong pag-asa na makapasok do'n. Dahil kita namang lalaki ako, mukha lang babae pero may buntot pa rin ako sa gitna ng mga hita ko.
Lumungkot ang mukha ko at bagsak ang balikat na humarap sa paninda ko.
"E katulong pala hanap. Babae ang hanap nila," sabi ko at tumingin sa mga paninda ko. "Umalis ka na nga lang! Naalibadbaran ako sa 'yo," dagdag ko pa.
"Gaga! Hindi pa nga ako natatapos. Ang kailangan nila ay lalaking katulong, kaya baka bet mo." Nanlaki ang mga mata kong muling humarap sa kaniya. Mabilis akong napangiti.
"Talaga?!"
Tumango siya, "Oo nga! Magpapadala nga si Tita bukas ng pera para daw magamit mo papuntang Manila," aniya.
Bigla akong napaisip. Manila. Malayo iyon dito sa probinsiya namin dahil kinakailangan mo pang sumakay ng eroplano para makarating doon. Malayo sa pamilya ko, kay Mama. Walang magbabantay sa kaniya.
"Pero..." Tumingin ako kay Berting na malungkot. "Paano si Mama? Nag-aaral pasi Andrea, walang magbabantay sa kaniya."
"Baks, huwag kang mag-aalala. Akong bahala sa kanila. Basta baʼy susuwelduhan mo rin ako," sabi nito.
Napakasuwapang talaga ng baklang 'to. "Eh bakit hindi na lang ikaw ang pumunta ro'n? Tutal wala ka namang sweldoʼt pabigat ka lang sa pamilya mo?"Tinuro niya ang sarili. "Sa tingin mo ba, papasok sa standards nila tong mukha ko? At saka, ikaw ang mas nangangailangan kaya ikaw ang sinabi ko."
Napangiti ako at hinawakan siyang muli sa balikat. "Maasahan ka rin pala. Salamat!"
"Walang anuman! Basta, isang libo akin, a." Pinaikutan ko lang siya ng mga mata. Kapal talaga ng pagmumukha ng isang 'to.
Tumango lang ako bilang sagot at ibinalik na ang pansin sa pagtitinda. Hindi na ako makapaghintay na makatapak sa Manila at magtrabaho. Siguro naman ay malaki ang sasahurin ko ro'n at nang sa ganoon ay hindi na kami mahirapan pa rito.
At malaki na ang maitulong ko sa mga gamot ni Mama. Noon kasi minsan ay wala siyang gamot dahil wala akong kinikita. Ako lang din kasi ang nagtatrabaho dahil ang magaling kong Amaʼy matagal ng tigok. Siguro kung nabubuhay lang si Papa, hindi sana kami mahihirapan.
Pero wala na akong magawa pa, ito na ang tadhana ko. Go with the flow na lang ika nga ng iba. At laking pasasalamat ko kay Berting na binigyan ako ng trabaho. Pero nagtataka ako kung bakit lalaki ang kailangan nilang katulong? Bahala na! Malalaman ko rin iyon.
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...