THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 13--
A N D R E I
"Salamat nga po pala sa pagtatanggol sa akin kanina," sabi ko habang sakay na kami ng kotse, papauwi na kami ngayon dahil nga sa nangyari kanina. Hindi ito sumagot. Umiwas lang ng tingin. "May bait ka rin po palang itinatago, 'no?" Tumawa ako nang mahina ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.
Hinayaan ko na lang. Baka nasa magandang mood at kapag kinausap ko paʼy bigla na namang akong sungitan. Might as well, sabi ng iba, na hayaan na lang. Mahirap na baka pababain ako nito rito sa gitna ng kalsada at pauuwin mag-isa.
Beh, wala akong perang dala para sa pamasahe ko pauwi. Hindi ko ugaling magdala ng pera. Saka ang totoo niyan ay wala rin talaga akong pera. Ipinadala ko lahat ng perang kinuha ko kay Sir Henry noong nakaraan.
Hayst. Miss ko na pamilya ko. Except kay Berting na baka inubos-ubos na ng hudas na iyon ang perang ipinadala ko't pinambayad sa mga lalaking bino-booking niya. Aba! Kapag nalaman-laman ko lang talaga na mas lalo kaming maghihirap, ipapakatay ko talaga 'yang balyenang iyan. Makikita niya talaga! Ipapatupad ko ang death penalty at sasampolan ko siya.
"Don't think that I'm kind because of what I did. I was just returning the favor for saving and not leaving me," narinig kong sabi ng katabi ko rito sa upuan. Ngayon lang sasagot.
Ngumiti na lang ako. Kahit papaano'y alam kong may itinatago pa rin siyang bait.
Pagdating namin sa mansion ay mabilis itong bumaba at pumasok sa loob. Kinuha ko na muna ang mga gamit niya't sumunod na rin. Pagbukas ko sa pinto ay si Auntie Dolly ang bumungad sa akin na nakakunot ang noo.
"Oh, ba't napaaga yata ang uwi niyo ngayon? Suspended ba ang klase ni Senyorito?" tanong nito.
"Eh..." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Pero wala akong maisip na iba pang dahilan, kaya sinabi ko rin sa kaniya ang totoo. "Nakipag-away–"
"Sino'ng nakipag-away!? Hoy! Sino!?" mabilis ako nitong pinutol.
Biglang nandilim ang paningin ko't ibinaba ang lahat ng hawak ko. Sabay sakal sa kaniya hanggang sa mawalan siya ng hininga.
Char! Syempre, joke lang! Hindi ako mamamatay hayop.
"Patapusin niyo kaya muna ako," mahinahon kong sabi. Ang overreacting naman kasi ng babaeng ito, e. Hindi pa nga ako natatapos.
Umayos naman siya ng tayo. "Sino nga!?"
Bumuntonghininga ako. Pigil na pigil ang inis ko sa mga oras na 'to at isang beses na lang talaga, tatamaan na itong babaeng ito. Makikita na niya ang langit, kung doon man siya mapupunta.
"Nagkaroon lang ng misunderstanding sa klase. Kaya pinauwi kami kaagad ni Sir Saul," sabi ko at saka ikinuwento kung ano'ng nangyari. Mabuti na lang at hindi ako nito pinigilan at hindi naging OA sa harapan ko. Aba! Sinasabi ko talaga sa ʼyo, Auntie Dolly.
"Ginawa niya iyon?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.
Tumango ako at saka sumagot, "opo. Hindi ko nga rin alam kung bakit. Ano kaya pinakain niyo sa kaniya? Iyong sopas? Gawan mo ulit, Te!"
"Baka nga iyo–"
"Ano'ng pinag-uusapan niyong dalawa?" Isang maotoridad at malamig na boses ang nagsalita sa likod ko. Kaya sabay kaming napalingon ni Auntie Dolly rito, kung saan seryosong nakatingin sa dereksiyon namin si Sir Henry.
"Ah, wal–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinawi ako ni Auntie Dolly at siya ang humarap kay Sir Henry.
"Kasi po ganito iyon, Sir..." At ikinuwento na nga nito ang nalaman kani-kanina lang.
Dahil sa ginawa niya, tumingin nang seryosong-seryoso si Sir sa direksiyon ko. Gusto ko tuloy manakal ng isang misis sa mga oras na 'to.
"Did he really do that?"
"O-Opo," sagot ko't dahan-dahang tumango. "P-Pero sabi niya, bumabawi lang daw siya sa ginawa ko. Sa tingin niyo kaya, Sir? Babait pa ba iyang anak niyo?"
Umiwas siya ng tingin. Wala man lang akong nakitang reaksiyon sa mukha nito. Seryoso pa rin. "I don't know and I want you to continue to take care of him," sabi nito at saka kami nilagpasan ngunit tumigil din ito't lumingon sa direksiyon ko. "By the way, we have a family dinner tonight and I want you to come with us. Go and prepare yourself and my son."
Hindi ko masyadong na-getsung ang sinabi nito. My family dinner daw sila? Silang dalawa ng anak niya? At isasama ako? Sandali! Edi, part na ako ng family? Napangiti ako.
"Ay sus, siya! Ano na naman 'yang iniisip mo?" Tumingin ako kay Auntie Dolly.
"Sa tingin mo kaya, 'teh. Bagay ba iyong apelyedong Alcantara sa pangalan ko? Andrei Arellano–Alcantara!"
"Hindi naman bawal mangarap, baks! Kaya mangarap ka lang..." Ngumisi siya at saka iniwan na ako.
"Tse!" Umirap ako't umalis na rin doon. Hawak-hawak ko pa rin pala iyong mga gamit ni Senyorito, kaya dinala ko na muna iyon sa kaniyang kuwarto kung saan naabutan ko itong nanonood ng Encanto, iyong bagong palabas ng Disney.
"Senyorito..." Inilagay ko na muna ang mga gamit nito sa kaniyang study table. Inisabit ko ang bag sa upuan at saka tumingin sa kaniya. "Sabi po ng Daddy niyo ay may family dinner daw po kayo mamaya. Kaya maghanda na po kayo."
Kinuha nito ang remote control at pinindot ang pause doon bago tumingin sa akin nv seryoso. "Are you serious with that?"
Tumango ako. "Opo! Gusto niyo, puntahan pa natin ang Daddy niyo, e."
"Looked at clock above your empty head. It's still nine in the morning and dinner should be at night."
Mabilis akong tumingin sa wall clock nito na nasa tabi ng kaniyang study table. Napakamot ako sa aking ulo nang makitang alas-nuwebe pa lang pala nang umaga. Ba't hindi ko naisip iyon?
Tumawa ako at saka lumingon dito. "Nakalimutan ko sa sobrang poge ng tatay niyo," sabi ko.
Inirapan lang niya ako't itinuon muli ang pansin sa TV. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi nito pinansin ang sinabi ko. Shooo!
--
Sumapit na nga ang oras na pinakahihintay ko. Ang honeymoon–charut, ang family dinner kuno namin ng soon-to-be family ko. Charut ulit. Malabong mangyari iyon. Alam kong mas straight pa sa flag pole si Sir Henry. Kaya pagkakasyahin ko na lang ang sarili ko kaka-imagine na hinuhubaran niya ako't sinasakal gamit ang alambre.
Oh 'di ba, ang wild ni sir sa isip ko na halos mapatay na ako nito. At talagang papatayin ako nito kapag nalaman niyang pantasya siya ng malanding pagkatao ko.
Eneweys, iyon na nga, beh. Mabilis kaming nakarating sa isang malaking-malaking mansion dito sa isa sa mga exclusive village rito sa syudad. Malaki na iyong bahay ni Sir Henry pero hetong bahay na 'to, mas malaki pa roon ng triple. Parang palasyo ito sa labas pa lang. Moderno at sumisigaw ang karangyaan, sa labas pa lang.
"K-Kanino pong bahay ito? Sa inyo po?" ang tsismosang pagkatao ko ang siyang nagtanong. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko.
"It's my parentsʼ house," sagot nito.
Parents?! Ang ibig niyang sabihin, makikilala ko ang mga future byanan ko? Shet! Ba't hindi niya sinabi? Sana nakapaghanda man lang ako.
"You looked like stupid," narinig kong sabi ng maliit na boses pero hindi ko na lang pinansin. Kinakabahan ako. Ba't hindi kasi nito sinabi na mga magulang pala niya ang kasama sa family dinner? Akala ko ako lang! Akala ko-char! Katulong lang pala ako.
"Let's get inside."
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...