THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 14--
A N D R E I
Kung mas bongga na ang balur na 'to sa labas, mas lalo namang hindi magpapakabog ang loob niya, bes! Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa sobrang ganda ng mga muwebles na naririto ngayon. Nakakatakot ngang hawak dahil baka magasgasan ng makalyo kong mga kamay. Mahirap na. Mukhang mas mahal pa ang malaking flower vase na nasa tabi ng magarbong hagdan sa buhay ko.
Hindi yata sapat ang dalawang kidney na mayroon ako at iba ko pang organs sa katawan, pamalit sa kung ano man ang masisira ko sa bahay na 'to.
Nakasunod lang ako sa dalawa kong amo at narating namin ang likod nitong malaking mansion, kung saan ang kanilang malawak na bakuran. May swimming pool na walang naliligo sa mga oras na 'to. May mga katulad kong katulong ang labas-masok sa loob ng bahay bitbit ang mga pagkaing dinadala nila sa mahabang lamesa na malapit sa garden dito sa labas.
May mga nakaupo na roong nakasuot ng magagarang kasuotan, katulad ng mga suot ng dalawa kong amo. At bigla kong nanliit sa sarili ko. Kaya tinawag ko ang pansin ni Sir Henry na siya ring ikinalingon nito sa direksiyon.
"Ah, sir. T-tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo. S-Sasama na muna ako sa mga katulong dito," sabi ko at aalis na sana nang may maliit na kamay ang humawak sa braso ko. Mabilis akong napatingin dito at si Senyorito Finley na may takot sa kaniyang mga mata. Takot? Bakit naman ito matatakot? Sa pagkakaalam ko'y pati yata si Satanas ay hindi kinakatakutan ng batang ito.
"D-Don't go. Stay," aniya. Seryosong-seryoso. Gulat na gulat naman akong napatingin kay Sir Henry, na siyang nakasalubong ang mga kilay na nakatingin sa anak.
"P-Pero–"
Hindi ko natapos ang dapat sana'y sasabihin ko nang pinigilan ako ni Sir Henry. "Samahan mo na. Beside, you're his nanny. Nararapat lang na pagsilbihan mo siya," anito at saka tumalikod na upang magpatuloy sa paglapit sa mahabang lamesa.
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Senyorito Finley na lumapit din sa lamesa. At agad naman namin nakuha ang atensiyon ng mga naroroon. Lahat sila'y napatingin sa akin? Hindi, kay Senyorito Finley na kasalukuyan pa ring nakahawak sa braso ko.
Nagawa ko rin silang pagmasdan isa-isa. May apat na lalaki, iyong isa ay nakaupo sa pinakadulo at isang babae na katabi nung lalaki sa dulo. At iyong natitira. Baks! Hindi ko kaya! Ang guguwapo nilang tatlo. At kung ito nga ang pamilya ni Sir Henry, pwede bang maki-join?
"You're late, Mr. Alcantara," seryosong sabi ng lalaking nasa dulo.
"I'm just five minutes late, Sir. That doesn't really matter," sagot naman ni Sir Henry.
"Hay naku. Magsisimula na naman kayo. Maupo ka na anak," sabi naman nung nag-iisang babae na sa tingin ko'y ang Mama ni Sir Henry.
Naupo naman si Sir sa tabi nung may mahabang buhok na poge rin, bagay na bagay sa kaniya iyong mahaban niyang buhok na nakatali. Mukha tuloy itong babae kapag nakatalikod pero ang manly naman ng itsura, makalaglag napkin pa rin. Naglakad naman si Senyorito Finley kaya napasunod ako.
"What are you two doing? It's a family dinner and you're not part of this family." Nagulat ako sa narinig nang seryoso at mariing nagsalita iyong Daddy ni Sir Henry. Tumingin ako rito at kay Sir Henry.
"Dad, he's Finleyʼs maid. Natural lang na sama-"
"I don't care! Dalhin mo 'yang bata sa kusina at doon kayo kumain," sabi nito.
Hindi ko alam ba't bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang lingunin ko si Senyorito Finley. Tumingin naman ako kay Sir Henry na siyang tinanguan lang ako. Wala akong nagawa kundi ang mabilis na binuhat ang bata na mabuti na lang at hindi nagpumiglas.
Pagpasok namin sa loob ay naramdaman kong basa ang mga balikat ko. Kaya tumigil ako sa paglalakad at saka ibinaba si Senyorito Finley, doon ko lang nakita na umiiyak na ito. Pinantayan ko ito. Bigla akong naawa, kaya mabilis ko itong niyapos nang mahigpit.
"U-Until now, h-he couldn't accept me as his grandchild," anito habang umiiyak sa balikat ko. "I-It's not my fault that I born in this cruel family, right?"
"Ssshhhh..." Hinagod-hagod ko ang likod niya at saka pinaharap sa akin. Marahan kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata. "Wala kang kasalanan. Nandito naman ako, 'di ba? Tanggap kaya kita kahit na demonyito ka." Tumawa ako ngunit agad ding tumigil.
"I-I'm sorry," aniya. Lumabot ang puso ko sa sinabi nito. "I'm sorry for everything I've done," dagdag niya pa.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at saka ngumiti. "Hindi ko kayang magtanim ng galit sa 'yo. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa ang mga bagay na iyon. At masaya ako na humingi ka ng tawad kahit hindi naman kailangan."
Masaya ako, na kahit papaano'y mukhang tuluyan na nga itong magbabago ang pakikitungo sa akin. Naiintindihan ko na rin ngayon kung bakit ganito ito, malayo ang loob sa iba, dahil ang sariling pamilya niya mismo ay ayaw sa kaniya. Naaawaa ako para sa bata. At ang nakakainis pa, bakit hindi man lang nagawang pagsabihan ni sir Henry iyong buwakanang Daddy niya? Anak niya si Senyorito! Anak namin! Bakit basta-basta na lang niya kaming paalisin doon.
Kung alam ko lang na ganito ang bubungad sa amin dito, sana pala'y hindi na lang kami sumama pa ni Senyorito rito.
--
Magtatatlumpong minuto pa lang kaming nakaupo ni Senyorito rito sa kusina na nag pumasok sa loob si Sir Henry at binuhat ang anak na walang pasabi.
"Uuwi na tayo," anito at saka nagmartsa sa papalabas ng kusina.
Mabilis akong tumayo at kinuha na muna ang tupperware na pinalagyan ko nang mga pagkain kanina sa katulong bago sumunod kay sir Henry.
Ano'ng mayroon? Tapos na ba silang kumain at bakit nagmamadali itong umalis?
Nakasunod lang ako kay Sir Henry at nang malapit na kami sa labas ay may tumawag dito, kaya tumigil ito at ganoon din ako. Nilingon ko ito. Iyong guwapong kapatid ni sir Henry na may mahabang buhok pala.
"Sabay na ako sa inyo. Hindi ko dala iyong kotse ko, e." Ngumisi ito na nakadagdag sa kaguwapuhan niya. Tumingin ito sa akin at kumindat. Bakla! Bigla akong nagka-pre-cum sa ginawa niya.
Bwesit! Panindigan mo ako, beh!
"Tara na. May importante pa akong pupuntahan," ani Sir Henry at lumabas na ito ng bahay.
--
Katabi ko ngayon dito sa likod si Sir Hunter, iyong kapatid ni sir Henry na nakikisabay sa amin. At kahit malawak naman dito sa loob ay dikit na dikit ito sa akin na halos ipagduldulan na ako sa gilid nitong kotse.
"Baka ho, gusto niyong umurong nang kaunti, ano?" bulong ko. Walanghiya! Oo nawalan na ako ng hiya. Baka kasi magbukas ng kusa itong pinto at mahulog pa ako.
"Kung gusto mo, dito ka na lang sa hita ko umupo?" bulong nito pabalik na biglang nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
Like, hello! Pwede po ba?! Char!
"Ah––"
Tumigil ang kotse, kaya hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko. Sasabihin ko pa namang pumapayag na ako.
"We're here. Now get out of my car before I'll kick your ass out," mariing sabi ni Sir Henry.
"Tss! Boring," ani Sir Hunter at saka binuksan ang pinto sa tabi niya ngunit tumingin na muna ito sa akin. "You can come anytime you want, baby!" Ngumisi at kumindat muna bago lumabas.
Mabilis namang pinaharurot ni Sir Henry ang kotse niya. Ang daya. Bababa na sana ako, e. Sabi kasi ni Sir Hunter, pwede raw akong pumunta sa bahay niya.
"Huwag kang magpapaloko sa kaniya. He's a player and a jerk."
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...