Chapter 44

7.9K 366 27
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 44

A N D R E I

Nagising ako kinabukasan na maganda pa rin ako, walang pinagbago, iyong nararamdaman ko lang ang nagbago. Kahit mugto ang mga mata koʼt halos hindi ako makatulog, nakangiti akong pumasok sa kusina.

"Good mo–" Babatiin ko na sana sila nang magsalita si Mirabellat.

"Pinapatawag ka ni Sir, baks," aniya. Hindi man lang tumitingin sa akin. Ganoon din ang iba, parang wala silang pakialam na nandito ang isang dyosa sa kusina.

Umirap na lamang ako sa hangin at saka tinungo na ang opisina ni Sir Henry dito sa kaniyang bahay. Ano naman kaya ang sasabihin ng gungong na 'yon? Paaasahin na naman ba niya ako? Gagamitin na naman ba niya ang mga nakakakilig niyang mga linyahan tapos sa huli, charot lang pala?

Ayaw ko sanang kumatok sa pinto nito dahil masama pa rin ang loob ko. Simula pa kagabi. Simula pa nang marinig ko iyong ungol na 'yon. Kung sinoan iyon, gusto ko siyang sabunutan. Ang kapal nang pagmumukha nilang sagutin ang tawag ko tapos ipaparinig lang sa 'king sarap na sarap sila?

Kung gusto pala nila ng audience, nag-live sana sila sa social media!

Pero naalala kong kasamabahay lang pala ako rito, kailangan kong sumunod sa utos ng aking magaling at paasang amo.

Kakatok na sana ko nang kusang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sir Henry. Seryoso itong nakatingin sa akin at ako nama'y mabilis na umiwas ng tingin.

"Come in," sabi nito at saka ako tinalikuran. Bumalik siya sa swivel chair niya. Sumunod naman ako at nanatiling nakatayo sa harapan ng kaniyang mesa.

"M-May iuutos po kayo?" tanong ko. Sinusuway ko lang ang sarili na umakto ng normal, magkunwaring walang narinig. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya. Sa mesa ako nito tumitingin ngunit napapansin ko pa rin kung ano'ng ginagawa niya.

May kinuha itong sobre sa drawer ng kaniyang mesa at inilapag sa malinis na mesa.

"That would be your last salary and you can now go back to your family. May ticket na rin diyan. Puwede kang umuwi anytime today or tomorrow," sabi nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong tumingin sa kaniyang direksiyon. Wala akong maaninag nang pagbibiro sa mukha nito. Kung papaano ko unang nakita si Sir Henry ay ganoon na ganoon ito. Seryosong-seryoso at nakakatakot.

Pero ang tanong na tumatakbo ngayon sa isipan ko'y sinisisante na ba ako nito? Malamang, dzai! Huling sweldo na nga, e.

"M-May nagawa po ba akong mali?" iyon na lang ang nasabi ko, imbes na itanong kung pinapaalis na ba ako nito sa trabaho. Sa pagkakaalam ko'y ginagawa ko naman ang trabaho ko. Tiniis ko iyong hirap na naranasan ko nang unang mga buwan ko rito. Hindi ako nagreklamo dahil alam kong ginusto ko 'to.

Napansin ko ang pag-iwas nito ng tingin. Bigla siyang tumayo at inayos ang suot na necktie.

"Just leave my house, immediately. Hindi na kita kailangan dito," sabi nito at pakiramdam ko'y parang may nakabara sa lalamunan ko. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko.

Ayokong umiyak. Ngumiti na lang ako't kinuha ang sobre sa mesa nito.

"S-Salamat po pala sa pagtanggap sa 'kin kahit-k-kahit lalaki ako," panimula ko. Nakuha ko naman ang atensiyon nito. "Malaki po ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa pamilya ko. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob at hinding-hindi ko makakalimutan," sabi ko at tatalikod na sana ngunit tinawag nito ang pangalan ko.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon