Chapter 25

10.5K 465 67
                                    

10K READS & COUNTING... THANK YOU SO MUCH!

–––––––––––––––

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 25

--

A N D R E I

Maaga akong nagising ngayong araw. Walang pasok ngayon si Senyorito. Balak ko pa sanang tumihaya na muna pero nakakahiya naman na kasamabahay ako ritoʼt wala man lang ginagawa. Tiningnan ko na muna ang oras sa aking cellphone, alas-sais pa lang nang umaga.

Nag-stretching na muna ako, tumawad, nag-twerk, at nag-split. Nang matapos ako'y agad na rin akong lumabas. Pero bago ako tumungo sa loob ng mansion pumunta na muna ako sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nakakahiya naman kasi kung kakausapin ako ni Sir Henry tapos ang baho ng bagang ko. Hindi ako katulad ng kaibigan kong si Berting na buong pagkatao niyaʼy malansa.

Agad akong rumampa patungo sa loob ng bahay upang tulungan ang kapwa ko hampaslupa sa paglilinis. Pero nakakapagtaka dahil nang makapasok akoʼy wala pang tao roon.

"Masyado ba akong maganda kaya hindi pa sila nagigising?" tanong sa sarili habang inililibot ang paningin. Walang tao rito sa sala, na kadalasang inuuna naming linisan tuwing umaga.

Nagkibit-balikat na lang akoʼt agad nang kinuha ang mga gamit panglinis. Nagsimula akong magwalis, dahil pinanganak akong mahirap at mamamatay akong magkaka-asawa ng poging mayaman, hindi ko ho alam gamitin ang vacuum kaya hanggang walis na muna. Yes, opo! Walang ganiyan sa bahay, bebs! Kaya bakit natin gagamitin?

Inabala ko na lang ang pagwawalis habang ako'g kumakanta. Hindi naman sa pagmamayabang pero magkasing boses po kami ni Mariah Carey. Pero sikreto lang po natin ito yes opo, baka ma-discover ako ni Kuya ng PPB at gawin pa akong kasamabahay.

“There's a hero...” Magsisimula pa lang ako sa pagkanta nang may bigla na lang tumikhim sa likuran ko, dahilan para muntikan na akong mapatalon sa gulat. Nandoon na, e! May pakulot epek na sana kaso...

Mabilis akong lumingon dito at napalunok ako nang bumungad sa akin si Sir Henry, nakasuot lang ng maikling shorts na hapit na hapit sa kaniyang mga hita. Walang kahit na suot na damit tapos pawisan pa. Parang ang bango at kay sarap dilaan! Rawr!

Nanginginig ang kamay ko. Pigil na pigil din akong huwag gumawa ng kahalayan sa mga oras na 'to. Pinagkakasya ko na lang ang sarili sa pagtingin sa pawisan niyang katawan.

"Are you done checking me out, Mr. Arellano?"

Napabalik ako sa reyalidad nang muli siyang magsalita. Mabilis akong umayos ng tayo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi nang maramdamanan kong naglalaway pala ako.

"H-Ho?" pagmamaang-maangan ko, hindi rin ako makatingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko kaya, bebs! Ako'y natutukso, natatakam, at nanghihina. Char!

"Look at me," utos nito pero ʼdi ko pinakinggan. Sino siya para utusan akong tingnan siya.

'Boss mo iyan, Drei! Boss mo. Siya ang nagpapasahod sa ʼyo,' eksaheradang singhal sa akin ng isipan ko.

Kaya bilang ipinanganak na masunurin. Sinunod ko ang utos nito. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, diretso mismo sa nakakatakam na pawisan niyang katawan. Shuta! Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pink nitong utong. Inangat ko ang tingin, dahan-dahan hanggang sa magtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang nakakapanghina nitong mga mata, para akong hinihigop.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon