THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 39A N D R E I
Ang init, bebs! ʼDi ko kinakaya ang eksena habang nagpapalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang magkaharap na ngayon. Masasama ang tingin sa bawat isa. Para bang walang gustong magpapigil sa madilim na aura'ng lumilibot sa kanilang dalawa.
Mga sayans ba sila? Ba't ang lalaki ng dragon balls nila sa gitna ng kanilang mga hita?
Chariz!
Ano ba kasing nangyayari at nag-aaway itong mag-bayaw na 'to? Paki-explain using the methods of how to find the value of ex with equivalent two point zero.
Hindi ko talaga kinakaya, bebs! Kaya bago pa man sila magkasakitan, lumuhod–chariz. Huwag tayong kekerengkeng, Andrei!
"Hoy!" Sabay ang mga itong lumingon sa akin. Bigla akong natameme. Bakit ang popoge nila, bebs? Lalo na si Sir Henry na daks na daks sa suot niyang Ben 10 na underwear. "A-Ano p-puwede bang explain ninyo sa akin ano pinag-aawayan ninyo?"
"You/Ikaw!" sabay nilang sagot. Nakatingin na rin ang mga ito sa akin. Napaturo ako sa aking sarili, hindi makapaniwalang tumingin sa kanilang dalawa.
Ako pa ngayon? Abaʼy! Napakaganda ko naman kung ganoon para pag-awayan ng dalawang ʼto.
"P-Paanong ako?" nagtataka kong tanong. Tumingin ako kay Sir Henry na seryosong nakatingin din sa akin. Bigla akong nahiya sa itsura ko ngayon dahil sa suot ko.
Ang foge kasi niya, beh!
Wait! Nasa seryoso nga pala akong sitwasyon. Isantabi na muna ang kalandian.
Narinig kong tumawa si Marlou kaya sa kaniya ako napatingin. Kumunot ang noo ko. Napansin ko namang sinamaan siya ng tingin ni Sir Henry.
"Oh, I'm sorry. I forgot. Medyo seloso nga pala itong boss mo, Andrei," aniya. Kinuha nito ang mga basang damit at saka kami tinalikuran. "I guess, I should leave you guys first. May importante pa akong lakad," dagdag niya pa't agad ding nawala sa paningin namin dahil pumasok na ito sa loob.
Pero seswa, 'di nakatakas sa paningin ko iyong malamang puwet ni Marlou.
"You like him?" Bigla akong napaayos ng tayo nang magsalita si Sir Henry.
Tumingin ako rito. 'Di ko mawari kung ano'ng tumatakbo sa isipan niya at ano'ng ibig nitong sabihin? Ako ba tinatanong nito o baka may nakikita pa siyang iba na 'di ko nakikita?
Nilingon ko naman ang paligid ko. Walang tao roon. Wala rin akong nararamdamang kakaiba. Ibinalik ko agad ang tingin ko kay Sir Henry – na kunot noo na ngayong nakatingin sa akin.
"A-Ako po ba ang tinatanong ninyo?"
"Bakit? May iba pa ba tayong kasamang maligno bukod sa 'yo?"
Nanlaki ang mga mata ko't dali-daling lumapit sa kaniya. Napahawak ako sa kaniyang malamang braso at tumingin muli sa paligid. Wala naman akong nakikita.
"S-Sir, m-may nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?" tanong ko, kinakabahan. Pasimple kong napisil ang kaniyang braso. Rawr! Ang sarap, bebs!
Tumawa siya. "Tsumatsansing ka lang," sabi nito.
Napabitaw ako't lumayo nang bahagya sa kaniya. Namewang sa kaniyang harapan at saka siya tinaasan ng kilay. Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin sa akin 'yan? Wala siyang proyeba! At kung mayroon man, bakit naman ako aamin?
Hindi ko na lang siya sinagot at tumalikod na lang ako. Magsu-swimming na lang ako. Tumalon ako sa tubig at binabad ang sarili sa ilalim nito ng halos dalawang minuto. Nang umahon ako'y gulat na gulat ang poke ko nang nasa harapan ko na mismo si Sir Henry, nakatingin sa akin ng seryoso.
Bigla akong napasinghap nang maramdaman ang braso niyang dumausdos sa aking baywang at saka ako hinapit papalapit. Napalunok ako. Ano 'tong ginagawa niya?
Nakakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Naghahalo ang nararamdaman kong emosyon. Ngunit nangingibabaw iyong takot. Takot na baka may makakita sa amin at kung ano pa'ng isipin. Ayos lang sana kung hindi ganito ang itsura ko pero kahit naka-two piece na ako'y panglalaki pa rin ang gupit ko.
"A-Ano po'ng ginagawa ninyo?"
"Alam mo bang kaunti na lang natitira sa pasensiya ko?"
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ang lapit-lapit pa niya sa akin at amoy na amoy na ako ang bango ng kaniyang hinihinga.
"W-Wala naman po akong ginawang masama sa inyo, a?" tanong ko, 'di ko talaga siya maintindihan.
"You didn't do anything wrong at kahit wala ka pang ginagawa, ang lakas na ng epekto mo sa puso ko. You make my heart skip and confused. Ano ba'ng mayroon sa ʼyo baʼt ako nagkakaganito?"
Naestatwa na yata ako rito. Ang lakas ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam. Hindi ko talaga siya naiintindihan. Naguguluhan ako. Bakit ba siya nagkakaganito?
Napabalik lang ako sa reyalidad nang maalala ko iyong nakita ko sa Mall kanina. Mabilis ko siyang tinulak papalayo at saka lumangoy upang makadistansiya ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.
Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin sa 'kin iyan? Samantalang, may kinakasama siyang iba? Aba!
"M-May saltik lang po kayo, magkape kayo nang magising kayo," sabi ko. Umahon ako. Nawalan na ako ng ganang maligo.
Kinuha ko ang tuwalya't ibinalot iyon sa sarili. Rumampa na ako at pumasok sa loob ng bahay. Ngunit 'di ko napansing sumunod pala ito sa akin. Nagulat na lang ako nang may humawak sa 'king braso at hinila ako ng walang pasabi. Ngunit, mabilis kong hinila ang kamay ko at saka tumingin dito.
"Ano bang problema mo?"
"We have to talk," seryoso nitong sagot.
"Wala po tayong dapat na pag-usapan," sabi ko at tatalikod na sana ngunit nagulat ako nang bigla ako nitong binuhat ng pa-bridal style.
Nanlaki ang mga mata ko. Shutacca, Sir! Saan mo 'ko dadalhin?
Napasigaw ako sa gulat nang bigla ako nitong ibinagsak sa isang malambot na kama. Bakla ka! Basa pa ang buo kong katawan at suot-suot ko pang two piece na basa rin. Napatingin ako kay Sir Henry. Nakatayo ito't nakatingin sa akin ng seryoso.
Bumangon ako, "Ano po bang problema ninyo?!" singhal ko. "Bakit bigla-bigla–"
Hindi ko natapos ang dapat na sana'y sasabihin ko nang mabilis itong lumapit sa akin. Hinawakan ang baba ko't sinungaban ako ng halik—na hindi ko inaasahang gagawin niya.
Parang umikot ang mundo koʼt 'di ko alam kung ano'ng nangyayari. Kung bakit ako nito hinalikan? Kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko at the same time–natatakot ako?
Buong akala ko'y iisa lang ang sinasang-ayunan ng puso't isip ko. Ngunit ngayo'y magkaiba na silang dalawa. Hindi dapat 'to ginawa ni Sir Henry, iyon ang paulit-ulit na sinisigaw ng isipan ko samantalang tuwang-tuwa na naman ang malandi kong puso.
Natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko.
Naramdaman kong gumalaw ang labi nito. Kaya mabilis ko siyang naitulak at saka dali-daling lumabas ng kaniyang kuwarto nang hindi pinapansing naka-two piece lang ako. Naabutan ko pa si Mirabellat at Senyorito Finley na kakarating lang at papasok sana sa kuwarto ng huli. Ngunit 'di ko sila pinansin. Ang nais ko lang ay makapagtago.
Kung hindi niya kayang pigilan ang sarili niya't nauubusan na siya ng dahilan. Pwes! Ako na lang ang magpipigil. Dahil kung ano man ang nararamdaman niya, walang patutunguhan iyon.
*****
Salamat sa 5k Followers at sa almost 50k reads nitong The Ruthless Daddy!
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...