Chapter 33

9.3K 401 46
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 33

--

A N D R E I

“Tangina mo, bakla! Manok na ang lumalapit sa palay. Grab mo na ʼyan!”

Nailayo ko nang kaunti ang cellphone ko sa tainga dahil sa matinis na boses ng kausap ko. Walang iba kundi ang baklang pinagsisihan ng mga magulang bakit pa iniluwan, si Berting. Nakakarindi ang boses niyang pilit itinatago ang pagkalalaki. As if naman kaya niya! Naiisip ko pa lang ang mukha niyang nagpupumilit maging boses babae, nasusuka na 'ko. Huwag ko lang makita ʼto kapag naglihi ako sa unang anak namin ni Sir Henry.

Chariz!

Iyon na nga. Tinawagan ko si Bakla at ibinalita ko sa kaniya ang lahat-lahat. Wala akong pinalampas. Sumobra pa nga ako sa pagkukuwento dahil sinabi kong may nangyari na sa amin ni Sir Henry tapos may lima pang lalaking pakiramdam ko, pag-aagawan ang ganda ako rito sa Manila.

At nang sabihin kong niyayaya ako nitong magpakasal, iyan ang naging sagot niya. Ang bobo pa ng kasabihan. Ewan ko ba bakit natuto pa 'tong magsalita.

"Gaga! Palay na kamo ang lumalapit sa manok. Nag-aral ka ba? Papaaralin kita ulit," inis kong sagot. "Siya nga pala, kumusta ang inay at ang kapatid ko?"

Narinig kong tumawa ito. Ano'ng nakakatawa sa kabobohan, beh?

"Ayos lang naman, friend. Iyon nga lang may maliit na problem–"

"Ano'ng problema?! Hoy, Berting sinasabi ko sa ʼyo, sasakalin talaga kita via phone call!"

"Puwede patapusin mo na muna ako?" anito sa kabilang linya.

Napapikit ako nang mariin at saka humugot nang malalim na hininga. "Okay fine. Spill it," sabi ko.

"Ay wow! Natututo ka ng mag-English, 'teh. Tinuro ba iyan ng amo mong kalagu–"

"Sasabihin mo ba sa akin ang problema o mawawalan ka ng allowance para sa mga lalaki mong kapareho mo ng genes?"

Naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko'y may malaking problema pero itong taong ito, ayaw pang sabihin at ang dami pang sini-segway. Kung hindi lang talaga ako malayo sa kaniya, kanina pa siya nakatikim sa akin nang mahigpit na yakap sa leeg. At kung hindi lang dahil sa mahina si Mama at masyado pang bata si Andrea, hindi ko sila iiwan kay Berting. Pero ika nga nang nakakarami, no choice.

"Eh kasi–" Tumigil ito saglit ngunit agad din nitong sinundan na ikinadagundong ng puso ko. "Nandito iyong magaling mong ex-boyfriend."

Natigilan ako saglit ngunit agad ding napabalik sa reyalidad. "Ano'ng ginagawa niya riyan?" seryoso kong tanong. "Bahay niya ba ang bahay nina mama para diyan siya tumira? Paalisin mo," dagdag ko.

"Pero–" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad kong pinatay ang cellphone ko at tinapon iyon sa pader pati ang flower–charut. Binulsa ko iyon at saka lumabas na ng aking kuwarto.

Ayokong malaman kung ano'ng dahilan ng gagong iyon na pumunta sa bahay. Ang kapal din pala ng mukha niya? Kasing kapal ng encyclopedia sa library nitong bahay. Ang liit-liit namang ng pagkalalaki!

Ang huling naaalala ko nang umalis siya noon ay hinding-hindi siya magpapakita sa akin o pupunta sa bahay. Tapos ngayon, naroon siya't ano? Ah, dahil nalaman nitong may trabaho na akoʼt malaki-laki ang kinikita?

Bumuntonghininga ako. Ayokong masira ang araw ko ngayon. Kay ganda-ganda na parang ako ang sikat ng araw tapos sisirain ng butanding na iyon. Nagsisisi tuloy ako ng slight bakit tumawag pa ako sa kaniya kanina paggising ko.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon