THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 8--
A N D R E I
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Ganito pala sa labas ng kulungan. Ang daming nagbago. Ang dami ng mga buildings at iba pang malalaking gusali rito. Samantalang noon, wala pa ito nung panahon ng mga kastila.
Char!
Pero masaya ako dahil malaya na ako, dahil iyon sa kasama ko ngayon dito sa loob ng kaniyang kotse. Tumingin ako rito at abala lang itong nagmamaneho. Kanina pa talaga ako nagtataka bakit kaya siya nagliliwanag? May ilaw kaya siyang nalunok noong bata pa siya?
"Stop staring at me," sabi nito. Kaya mabilis akong umiwas at itinuon ang pansin sa labas.
Nakakahiya! Bakit ba ako napatitig sa kaniya? Pero naalala kong may sasabihin pa pala ako sa kaniya, kaya muli akong lumingon dito.
"Sir, salamat nga po pala sa pagpapalaya niyo sa akin," sabi ko habang nakatingin sa matangos niyang ilong. May kalakihan din ito na parang sa mga latino na napapanood ko sa pornsite. Pm lang sa link!
Tumawa siya nang mahina at saka mabilis lang na sumulyap sa akin. "It's okay. Hindi lang naman ikaw ang kauna-unahang pinalaya ko sa kulungang iyon," aniya.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. "Ho? Ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko kay Sir Saul na siyang tumulong sa akin upang makalaya sa buwakanang kulungang iyon na may mga panget na manyak.
Naku! Nanggigigil talaga ako sa mga presong iyon. Pati na roon sa Hepe nilang sarap posasan ang bibig dahil pasmado. Susumbong ko talaga sila sa Presidente ng Pilipinas. Makikita nila! Ano'ng akala nila sa akin? Hindi maghihiganti?
Pero balik tayo sa sinabi ni Sir Saul, na hindi lang daw ako ang pinalaya niya sa kulungang iyon? ʼdi ba teacher siya? Hindi ko alam na attorney rin pala itong pornstar na 'to.
"Iyong mga naunang katulong sa ʼyo. Linggo-linggo ba namang nagpapalit ng katulong 'yang alaga mo," natatawa nitong sabi.
Doon ko naman napagtapi-tagpi ang lahat. Ibig sabihin ay ginawa rin ng demonyong iyon ang bagay na 'to sa kanila? Nauubos na talaga ang pasensiya ko sa batang iyon! Ano baʼng kasalanan naming mga katulong bakit niya kami ginaganito? At saka, bakit ba iyong mga Yaya lang niya ang ginagawan niya ng masama? Bakit hindi niya idamay si Auntie Dolly?
"Inakusahan din po niya ng kidnapping?" tanong ko, at hindi ko maiwasang hindi maikuyom ang mga kamao ko dahil sa inis.
"He did worse than that. He accused his maid of stealing, drug possession, and even insanity." Napapailing siya habang nagmamaneho. Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa mga nalaman ko. "Matalino siyang bata, pero hindi ko alam kung bakit ganiyan ang ugali niya."
"At kayo po ang tumulong sa kanila upang makalaya?" Tumango lang siya't sumulyap sa akin upang ngumiti. Natulala ako sa ngiti nito, kaya hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin.
Umiwas lang ako ng tingin nang tumigil ang kotse sa harapan ng bahay ni sir Henry. Kaya agad akong lumabad at ganoon din ang ginawa niya.
"Salamat po ulit sa pagtulong niyo. Tatanawin ko ʼtong malaking utang na loob at kung kailangan niyo po ng tulong ko, sabihan niyo lang po ako," sabi ko rito.
Ngumiti lang siya. "Anytime, Andrei," sagot niya at saka nagpaalam na.
Sinundan ko lang ng tingin ang kotse nitong papalayo ngunit 'di ko alam bakit hindi siya bumalik sa pinanggalingan namin. Sa pagkakaalam ko'y pang mayaman lang ang mga nakatira dito sa village na 'to? 'Di kaya'y may jowa si sir na rito nakatira tapos magkakan–ay bahala nga siya sa buhay niya. Tumalikod na ako ngunit sana pala'y hindi ko na lang iyon ginawa upang hindi ko makita ang nakakamatay na tingin ni Sir Henry sa akin.
Bakit ganiyan sa makatingin? May kasalanan ba ako? Sa pagkakaalam ko'y silang dalawa ng anak niya ang maraming kasalanan sa akin.
"S-Sir, n-nandiyan po pala kayo," awkward kong sabi.
Ano ba sa tingin mo, Drei?! Hindi 'yan picture frame! Mas HD pa 'yang nakikita mo sa picture frame.
"Where have you been?" may diin nitong tanong at ang lalim din ng boses niyang may kasamang lamig. Napakayap ako sa sarili nang maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin. Magtatanghalian pa lang pero bakig ang lamig-lamig na?
Pero mabilis din akong umayos ng tayo nang seryoso naitog nakatingin sa aking.
"S-Sa..." Natigilan ako dahil bigla akong napaisip kung sasabihin ko ba sa kaniya kung saan ako galing. Papaano kung hindi niya ako paniwalaan? At nagulat pa ako nang biglang lumabas si Senyorito Finley mula sa likuran ng kaniyang Daddy. Namumula ang mga mata nito na tila ba kakatapos lang nitong umiyak.
"My son has already told me the truth." Iyon naman pala, sinabi na ng demonyong 'yan ang totoo. Kaya hindi dapat ako kakabahan na pagagalitan ako dahil hindi kami sabay umuwi ng anak niya. Kaya ba umiiyak ang batang iyan dahil pinagalitan niya?
"Abaʼy mabuti naman poʼt sinabi na niya sa ʼyo ang totoo! Pinagsabihan niyo na ba 'tong anak niyo? Kasi kung hindi pa, ako ang magsasa–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya ako't nagsalita.
"Yes, Mr. Arellano. Iniwan mo ang anak kong nag-iisa sa kaniyang school at nanlalaki ka. Is that true?"
Laglag ang mga balikat ko dahil sa gulat. Buong akala ko'y makakaganti na ako sa demonyong 'to, pero iyon pala ay binaliktad niya ang katotohanan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, kay sir Henry na seryoso na ngayong nakatingin sa akin papunta kay Senyorito Finley na may ngisi na naman sa kaniyang labi.
"Sandali lang po! Nagkakamali yata kayo," mabilis kong sagot. Ayoko sa lahat ay iyong binabaliktad ako. "Alam niyo ho ba ang totoo--"
"My son is telling the truth. The guards also called me and told me the truth. What else do I not know? That you got lost?"
Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung ano pang gagawin ko para paniwalaan niya akong hindi totoo ang mga nalaman niya. Pero sa nakikita ko, sarado ang isipan niya sa kahit anong paliwanag na manggagaling sa isang hampaslupang tulad ko. Hindi ko maintindihan ang mga mayayaman! Ang kikitid ng kanilang mga isipan.
"Sa susunod, Mr. Arellano. ʼWag mong dadalhin dito ang ka-egnorantihan mo sa syudad. Lolokohin ka lang ng mga tao at iisiping tanga ka dahil nagpapaloko ka. Nagpapauto ka. Sa panahon ngayon, marami nang manloloko." Hindi ako nakasagot nang tinalikuran na niya akoʼt sabay silang pumasok ng kaniyang anak sa loob.
Gusto kong magmura! Magwala! Hindi ko alam bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kasalanan talaga 'to ni Berting, e! At saka, para sa kaalaman ng gagong tatay ng tiyanak na iyon, hindi ignorante ang mga taong galing sa probinsiya!
Shutangina talaga! Makakaganti rin ako sa batang iyan. Isama muna iyang Ama niyang hindi man lang nakaka-appreciate ng effort. Bwesit sila!
*****
©IthinkJaimenlove
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...