Chapter 34

9K 406 23
                                    


THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 34

-


A N D R E I


Sa punto ng buhay ko ngayon, parang gusto ko na lang na maging paru-paru. Ang dami-raming pumapasok sa isipan ko na mga bagay-bagay. Parang puputok ang ulo ko dahil hindi ko na kayang isiksik ang mga bagay na 'yon. Pumunta akong Manila para magtrabaho hindi para bigyan ng ganitong problema. Ang inaasahan ko lang na problema ay pressure dahil sa dami ng problemang naiwan ko sa Mindanao pero yawa dzai!

Isa sa mga bumabagabag sa isipan ko'y itong mga inaakto ni Sir Henry sa mga nakalipas na araw. 'Te, hindi na ako ang pinapabantay niya kay Senyorito kundi si Bellat na. Hindi na tuloy ako makalabas ng bahay nila't makapag-soul searching ng foge. Hindi ko tuloy napagmamasdan si Sir Saul habang nagtuturo ng parts of body sabay tinuturo nito kung saan banda ang penis. Nakakainis! Nabuburyo na ako rito sa bahay nila. Gusto ko talagang lumabas pero sa tuwing naalala ko iyong sinabi niya noong nag-desiyonabilitism siyang hindi na ako ang magbabantay sa anakshie niya, umuurong ako.

"Starting today, you're not going to Finley's school," sabi nito, kinaumagahan noon hinila niya ako habang nakikipag-usap pa ako kay Sir Saul at sa Marlou'ng iyon.

Nagtaka ang pekpek ko, baks! Ano'ng nangyayari sa lalaking 'to at bakit ayaw niya akong bantayan ang anak niya? Papaano kapag may nangyari kay Senyorito? E di ako ang nasisisi! Ako na lang palagi-char!

Tiningnan ko si Sir Henry na seryoso lang na kumakain. Biglang pumasok sa isipan ko na sana ako na lang iyong ulam niyang bacon, pareho naman kaming masarap e. Chariz. Lumunok na muna ng laway, natatakam kasi ako habang pinagmamasdan siyang tinutusok ng tinidor iyong sabaw, bago ako nagsalita.

"Pero, Sir –" Tumingin ito sa direksiyon ko, kaya naman mabilis akong nag-iwas. "Trabaho ko po kasing bantayan ang anak ninyo," sabi ko.

"And your work will be at home starting today. Si Mirabel na ang magbabantay kay Finley."

Ayaw talagang patalo.

Paano na 'to?

Tumingin ako kay Bellat, nagbabakasakali na makuha ko ito sa isang tingin na 'wag siyang pumayag na makipagpalit sa 'kin ng trabaho. Ayoko pa naman sa trabaho nitong nagkukuskus ng inidoro – chariz lang. Kasambahay pala ako't hindi puwedeng mag-inarte baka walang maipakain sa pamilya. Pero ang gaga inirapan lang ako. Nanggigil ako bigla. May araw din talaga ang babaeng 'to sa akin. Akala ba niya makakalampas sa akin lahat ng ginagawa niya? Nagkakamali siya dahil sa oras na ikasal kami ni Sir Henry, siya ang una kong tatanggalan ng sweldo.

Hindi ko na makikita si Sir Saul na borta!

Nakakainis naman kasing Sir Henry 'to. Pala-desisyonabilitism siya masyado for today's bedyo.

Bumuntonghininga ako pagkatapos kong punasan ang malaking flower vase sa tabi ng hagdan. Tumalikod na ako't sakto namang bumukas ang main door ng bahay at bumungad sa 'kin ang isa pang demonyong nabubuhay rito sa mundo, ang ama ni Sir Henry. Sandali lang bebs, ano'ng ginagawa nito rito?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tumingin ito sa 'kin. Naglakad papalapit at kitang-kita ko kung gaano kakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Who are you? Why are you in my son's house?" sunod-sunod nitong tanong. Wala siyang kasama maliban sama ng loob nito sa mga anak. Hindi ba nito naalala ang ganda ko? Ang ibig kong sabihin ay nagkita na kami noong minsan kaming pumunta sa kanila kasama si Sir na si Andrei ako't 'di si Andrea. Pero sabagay, ganoon talaga ang mga mayayaman, kapag hindi importante sa kanila'y madali lang nilang makalimutan.

Bahagya akong yumuko upang bigyan siya ng respeto at saka in-upper cut-charout. "A-Andrei po, Sir. K-Katulong po ako rito," sagot ko. Muntik ko pang masabi ang pangalang ginagamit ko sa tuwing ako'y isang magandang dilag na may bayag.

Tumawa ito. Tawa pa lang niya'y demonyong-demonyo na. "I didn't know my son hired a gay," sabi niya.

Hindi ko na sinagot ang sinabi nito, bagkus ay nagpaalam akong aalis na ngunit tinawag nitong muli ang pansin ko't lumingon naman ako.

"Ano po iyon?"

"Gusto ko lang ipaalala sa 'yong gusto sana kitang palayasin sa pamamahay na 'to but I couldn't do that since we, Alcantara's has rules, that we do not each other's property. Pero hihilingin ko lang sana na 'wag mo hawaan ang anak ko sa kabaklaan ninyo," anito bago ako tinalikuran at naunang lumabas ng bahay.

Ano raw?

Iyon lang ba ang ipinunta nito rito para sabihin iyon sa 'kin? Ang taray, bebs!

Bigla rin akong napaisip sa mga sinabi nito. Bakit? May mga bagay ba akong hindi alam?

-

Nagpatuloy akong ganoong set-up sa buhay ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang maglinis sa buong bahay at sa tuwing narito naman si Senyorito'y binabantayan ko ito. Ang dami na ngang nagbago sa batang 'to sa loob lang ng halos tatlong buwan ko nang pananatili rito. Parang kailan lang na ang sama nitong makatingin sa akin at kung trip niya akong batuhin ay gagawin niya nang walang pag-aalinlangan.

Pero ngayon, para na itong maamong tuta at natutuwa akong ako ang dahilan nang pagbabago nito. Paminsan-minsan ko na ring nakikipag-usap ito sa ama at narinig ko rin kay Bellat na sinusundo ito ng ama at sabay silang kumakain.

Hindi ko lubos maisip na marami na rin ang nagbago. Maging ang damdamin ko.

Char!

Napakaseryoso!

"Where's Mr. Arellano?"

"Sir, ayon po, feeling may-ari ng bahay kung makaupo."

Napaayos ako nang upo ng may humarang sa pinapanood ko. Tiningnan ko kung sino 'to at walang iba kundi ang magaling kong amo. Seryoso at wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mga mata.

"What did my father told you?" tanong niyang nakapagpakunot sa makinis ko ng noo. Oo, bebs! Makinis na ako dahil nga sa bumili si Aunti Dolly ng rejuv set kaya napabili na rin ako.

Pero mabalik tayo sa kaharap ko ngayon. Kahapon pa nangyari ang kyemeng pagbisita ng tatay nito rito kahapon na hindi ko alam ano'ng pakay.

"W-Wala naman po," sagot ko.

Kahit na ang totoo niya'y binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ng tatay ni Sir Henry. Papaanong nakakahawa ang pagiging bakla? Is there any scientific explanation para sa mga bagay na 'yon?

"Sinabi ba niyang tatanggalin ka niya sa trabaho?"

Tumawa ako nang mahina at saka pasimple siyang pinalo – na mabilis kong pinagsisihan dahil sa iba tumama ang kamay ko. Mabilis kong binawi ang kamay kong tatlong segundo ring nanatili roon. Nakatayo ito sa harapan ko habang nakaupo naman ako. "A-Ah, h-hindi ko po sinadyang mapalo ang putot-"

"You wake him up."

Bigla akong napatingin sa mukha ni Sir Henry, nakangisi na ito ngayon. Tapos ibinaba ko naman ang tingin ko sa natamaan ng kamay ko. Kung kanina'y walang bukol doon, ngayo'y parang sasabog ang suot niyang slacks dahil sa parang sawang gustong kumawala roon.

Shuta! Ba't ko ba kasi ginawa iyon? Nabitin tuloy ako!

Tumayo na ako't mabilis siyang tinalikuran. "W-Wala pong sinabing ganoon ang tatay ninyo. Kung tatanggalin po niya ako, hindi mo na siguro ako makikita rito," sagot ko sa kaninang tanong niya't mabilis na umalis ng sala.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon