Chapter 45

8.6K 371 47
                                    

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 45

A N D R E I

"Mga Madame, bili na po kayo nito. Bagay na bagay po sa inyo 'tong damit na 'to, Madame! Titingkad lalo ang kulay niyo rito," pang-uuto ko sa isang medyo may katandaan ng babae nang dumaan ito sa aking shop.

Napangiti ako ng siya'y tumigil.

"Ano'ng brand niyan? Balenciaga ba 'yan?" tanong nito.

Agad ko namang kinuha ang damit at saka ipinakita sa kaniya ang brand name. "Hindi po, Balengaga lang po 'to," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. "Ano po, bibilhin niyo po ba? One-fifty lang, Madame!"

Naghihintay ako ng sagot pero tiningnan lang niya ang damit at saka umalis ng walang sinasabi. Yawa! Kung puwede lang manabunot ng costumer, baka nakalbo ko na 'yong babaeng 'yon! Kaninang umaga pa ako rito, nakatayo at halos maubusan na ng boses kakatawag ng mga costumer pero ni isa'y wala mang lang bumili. Hindi ba nila alam na mga luxury brands ang binibenta ko? Mahal ito pero dahil mabait akong tao, mura na lang nilang makukuha ang mga damit na 'to.

Pero kailangan kong magtiis, dahil wala na akong aasahan maliban sa trabahong 'to.

Dalawang Linggo na rin pala ang nakalilipas nang makauwi ako rito sa amin. Dalawang araw na tumutunganga lang ako habang iniisip kung ano'ng nangyari't bakit ako natanggal sa trabaho. Ang buong akala nila Mama ay nagbabakasyon lang ako pero ang totoo niya'y wala na akong babalikan pa roon. Keribells lang! Nakapagsimula naman na ako nang panibagong buhay ko rito sa amin. At ito ngang maliit na store ng mga damit at siyang naipundar ko. Karamihan sa mga binibenta kong damit ay mga damit ko na binili ko pa sa Manila, na hindi ko naman nagamit. Oh, 'di ba, recycling ang tawag doon.

"BAKLLAAAAAA!"

Napapikit ako. Biglang sumakit ang ulo ko at nabingi ako nang sumigaw 'to. Para tuloy gusto kong manakit ng butanding sa mga oras na 'to.

Nagulat ako nang yakapin ako nito nang mahigpit ng makalapit siya sa akin. At, impyernes sa kaniya, hindi na siya amoy maasim pero bigla kong natakpan ang ilong ko nang binugahan ako nito ng hangin. Mabilis ko siyang naitulak.

"Ano ba, Berting! Ang baho ng bunganga mo a!" inis kong sabi sabay irap sa kaniya. "Puwede ba, umalis ka na muna sa store ko't nandidilim ang paningin ko sa 'yo!" Napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya sa labi. Hindi niya bagay, sa totoo lang. Para siyang puwet na nalulungkot.

"Don't you miss me?" Ay shutacca! Nag-eenglish na si bakla!

"'Wag mo akong artehan, 'te. Baka nakakalimutan mo kung ano ang atraso mo sa akin!"

Dinuro ko siya habang pinagbabantaan. Ano'ng akala niya, makakalimutan ko ang atraso niya? Nang makarating ako, wala siya sa bahay. Sabi ng kapatid ko'y pumunta raw ito sa isang beach resort kasama ng mga ewan ko kung sinong mga kaibigan niyang lamang dagat din. At dalawang linggo raw silang mananatili roon. Siguro kung hindi pa ako umuwi, walang kasama sina Mama at Andrea.

"E, 'te, nagpaalam naman ako sa Mama mo," sagot niya.

"Wala akong pake! Kahit kay Satanas ka pa nagpaalam."

"S-Sorry na, Beh." Hindi ko siya pinansin at kinuha ang hanger sa may counter. Ibinalik ang damit sa may hanger at saka pumunta sa counter upang makaupo na muna.

Tiningnan ko si Berting na nanatili sa kaniyang puwesto habang malungkot na nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ako at saka dumukot ng singkwenta sa bulsa ko't iniabot iyon sa kaniya.

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon