THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 32
-
A N D R E I
Kanina pa ako nauumay sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kung puwede nga lang na umalis na lang ay kanina ko pa iyon ginawa. Pero ang shutaccang Sir Henry na ʼto ay hawak ang kamay ko. Hindi napapakali ang puso't isipan ko dahil sa ginagawa niya. Kanina pa niya ito hawak magmula nang pumasok kami rito sa restaurant at sinalubong itong ama niyang pinaglihi sa disappointment.
Ewan ko ba, kasi kanina pa 'to salita nang salita. Nakakabobo na ang mga english spokening niya. Tungkol lang naman sa business nila ang pinag-uusapan at narinig ko pa na umalis daw ang isa niyang anak na si Sir Harrison. Kaya heto't pinakikinggan namin lahat ng hinaing niya sa buhay. Nasaan ba ang manager ng restaurant na 'to para mai-stapler niya bunganga nitong ama ni Sir Henry.
Char!
Tumingin ito sa akin. Kaya mabilis akong umayos ng upo. Shuta! Nakakakaba ang mga titig nito. Para kasi ako nitong kinikilatis. Para bang nababasa niya ang isipan ko. At, kailan pa naging fantasy ito?
"How about you, Andrea? What would you do if your son betrayed you?" tanong nitong hindi ko alam kung ano'ng isasagot.
Bakit ba hindi ako ini-inform ni Sir Henry na Q&A pa lang ang ipinunta namin dito. E 'di sana nakapaghanda man lang ako nang pangmalakasan kong sagot. Kaso iyon nga, hindi ako handa. Pwera sa pekpek ko kasi palagi itong handa sa laban. Anytime, anywhere.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sir Henry. "A-Ano po–" Tumingin ako sa paligid at abala ang mga tao.
What if magwala na lang ako para matakasan ko ang tanong niya?
Tumawa ito. "You don't have to answer me. Siguro masasagot mo ang tanong kapag naranasan mo nang pagtaksilan," makahulugan nitong sabi.
Nakahinga naman ako nang maluwag at saka bahagyang yumuko.
Dumating naman ang mga orders namin. Kanina pa kami rito't ngayon lang ito dumating. Ang tagal a! Kanina pa kaya ako nagugutom. Pero hindi ko lang ipinapahalata iyon dahil nasa katauhan ako ni Andrea na mayaman, may sariling hospital, at kilala ang buong angkan na sa panaginip lang naman totoo. Kailangan kong maging mahinhin–kahit na kanina ko pa gustong mag-twerk.
Kailangan kong umaktong mayaman kahit singkwenta na lang ang laman ng bulsa ko. Kailangan kong makibagay sa mundo nila dahil iyon ang nauuso. Trabaho lang naman ito, walang personalan. Pero may mga kilala akong umaaktong mayaman kahit wala na silang makain tapos sa mga magulang niya iniaasa lahat. Bakit kaya hindi kayo magtrabaho para naman bagay sa inyong magkunwaring mayaman?
Tumahimik muli ang lamesa namin. Nagsimula na rin kaming kumain. Binitiwan na rin ni Sir Henry ang kamay ko at nagulat ako nang nilagyan nito ng mga pagkain ang plato ko.
"Salamat," ani ko, nginitian ko siya. "Pero alam niyo po ba na ang konte ninyo maglagay ng pagkain? Nagtitipid po ba kayo?" bulong ko, na sapat lang para siya ang makarinig.
Sinulyapan ko si tito–chariz! Kung maka-"tito" e. Ah basta! Nang sulyapan ko siya'y abala ito sa kaniyang mamahaling cellphone na para bang may natanggap siyang importanteng tawag. At saka ko naman ibinaling ang tingin kay Sir Henry. Masama itong nakatingin sa akin na tila ba nagbabanta.
Ano bang problema niya? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Napakakaunti kaya nang ibinigay niya sa akin? Mukha ba akong mabubusog niyang isang kutsara ng kanin at may kung ano'ng maliit na dahong inilagay? Samantalang iyong steak na nasa tabi ng ama'y hindi pa nababawasan. Nanggagago ka ba, Sir Henry?
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...