Chapter 47

8.6K 364 23
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 47

A N D R E I

Muntik pa akong matumba sa pagtalon ko mula sa tricycle nang makarating kami sa bahay.

"Hoy, bayad mo!" sigaw ng driver. Bumalik ako't inabot sa kaniya ang sampong piso. "Kulan–"

"Student's discount!" sagot ko at hindi na siya pinakinggan pa sa kakangawa. Dali-dali akong pumasok sa loob ng aming palasyo para lang magulat sa naabutan ko.

Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng dugo panandilian at biglang bumalik ito puwersahan na halos ikahimatay ko na. Overreacting na kung overreacting pero ano'ng ginagawa nito rito?

"'Nak!" Lumapit sa akin si Mama. Kailan pa 'to nakakalakad? Gumagaling na ba mga sugat nito sa paa? "'Di mo sinabi na kay gwapo pala nitong amo mo," bulong niya habang nakatingin kay Sir Henry.

Oo si Sir Henry nga ang nandito ngayon sa loob ng aming palasyo. Hindi ako makapagsalita dahil gulong-gulo ang buo kong pagkatao ngayon. Ano'ng ginagawa nito rito? Babawiin ba niya ang mga binayad sa akin? O sasabihin ba nitong bumalik ako kasi kailangan ulit niya ako? No never!

Nakapagpatayo na ako ng small business ko rito at kahit papaano'y stable na rin iyong kita ng shop ko. At saka, bakit ako babalik doon kung buhay ki naman ang nakataya? Nakakatakot kaya ang Tatay nitong homokojic!

"S-Sir..." Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Bigla namang naglaho si Mama na kanina'y nasa tabi ko lang.

Ano ba, Drei! Umayos ka!

Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko'y hinihipnotismo ako nito't mapapasunod na lang bigla sa kung ano'ng sasabihin niya.

"A-Andrei, I wanted to talk to you," aniya. Halos pabulong ngunit sapat lang para marinig ko.

Bumuntonghininga ako. Sa pagkakataong ito'y tumingin ako rito. Hanggang labi lang ako nito dahil sobrang tangkad ni Sir Henry. Kaya tumingala ako nang bahagya upang salubungin ang kaniyang mga mata. 'Di ko alam pero nakikitaan ko iyon ng pangungulila. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito't visible rin ang eyebags niya. May problema na naman ba siya? Tungkol na naman siguro ito sa mga magulang ni Marlou tapos nandito siya para hingin ulit ang tulong ko.

At kapag pumayag ako, sasabihin na naman nito ang nararamdaman at sa huli, kapag naiipit na siya sa isang sitwasyong mahirap takasan, paaalisin niya ako dahil iyon lang ang alam niyang paraan. Sasabihin niyang hindi na niya ako kailangan. Tapos na ang trabaho ko.

Tao lang ako. Napapagod. At nahihilo kakasakay ng eroplano. Ignorante kasi ako. Tapos uto-uto rin kapag poge ang nang-uto.

"Wala na po tayong pag-uusapan. Tapos na po ang kontrata ko sa inyo," sagot ko at saka siya nilampasan. Mabuti na lang dahil hindi ako nautal nang sabihin 'yon.

Iyon naman ang totoo, wala na kaming dapat na pag-usapan pa.  Tapos na. The end na. Wala ng season two, three o four. Mahirap bang intindihin iyon?

"It's about us," sabi nito at natigilan ako sa pagliligpit ng mga baso rito sa aming sala. "We should talk about us. I know I've made mistakes and I am really sorry for that. Inisip ko na pera lang ang habol mo sa–"

Humarap ako rito at saka nagsalita, "ʼYan! Diyan kayo magaling. Na kapag kaming mga mahihirap, nagmahal ng mayaman, pera na agad ang habol. S-Sir, 'di niyo ho ba naisip na bakla ako? Hindi po pera ang habol ko, kasi kung pera lang din, tinanggap ko na agad ang alok ng Tatay niyoʼt nagpakalayo-layo."

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon