THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 15--
A N D R E I
"YES! PANALO NA AKO, SA WAKAS!" sigaw ko sabay hampas sa kalaro ko nang manalo ako sa nilalaro namin dito sa kaniyanh PS4. Ngumisi akong lumingon kay Senyorito Finley. "Oh, ano, Senyorito. Laban ka pa?"
"It was just your first win yet you're already bragging," aniya at saka ako inirapan.
Tumawa ako. Hindi ko aakalain na maging malapit kami sa isa't isa. Ilang linggo pa lang akong nagtatrabaho sa kanila. At, ayon nga kay Auntie Dolly, ako pa lang ang tumatagal ng ganito. Akalain mo iyon? Nakaya kong magtiis sa mga prank na ginagawa nito sa akin. Siguro, dahil na rin sa malaking advance payment ko kaya ako tumagal.
Pero seriously speaking. Wow, si bakla, may pa-english nang nalalaman. Charut! Iyon nga, seryosong usapan, masaya ako na naging malapit kami ng batang 'to sa isa't isa. Kalinga lang naman kasi ang kailangan niya para mapaamo itong demonyong 'to.
Pero iyong Daddy kaya, kailan ko mapapaamo? Charriz! Baka suntukin ako ni Sir Henry.
"Gusto mo bang magmeryenda?" tanong ko kay Senyorito nang matapos kaming maglaro. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya sabay na kaming lumabas ng kaniyang kuwarto nang mai-off ko ang nilalaro namin kanina.
Dumeretso kami sa kusina at sakto namang nandoon si Auntie Dolly na abala sa pagtitingin ng mga stocks sa pantry nitong kusina. Magkatabi lang ito at malawak ang espasyo nitong kusina na sakto na apat na pamilya rito. Minimalist lang ang design kaya malinis tingnan.
"Te," tawag ko sa kaniya na siya ring ikinalingon nito sa direksiyon ko. Aba, ang babaita, dahan-dahang humarap na para bang endorser siya ng Pantene shampoo. Bakla, may kuto ka, 'di mo bagay.
"Yes?"
Napangiwi kaming pareho ni Senyorito Finley sa ginawa nitong pagngiti. "Ay naku, 'Te Dolly, ayus-ayusin mo iyang pagmumukha mo baka gawing kong dart board iyan."
"Yaya Dolly's face isn't a dart board po." Tumingin ako kay Senyorito nang magsalita ito.
"Ano sa tingin mo ang mukha niya, Senyorito?" Ngumisi ako at pasimpleng sumulyap kay Auntie Dolly na hindi na maipinta ang mukha niya.
"Poop," anito sabay tawa. Nakitawa rin ako kahit hindi ko alam kung ano iyong poop.
"Tse! Ikaw Andrei, nakukuha mo na ugali niyang alaga mo, a." Inirapan kami nito at saka pabagsak na isinara ang refrigerator na kanina pa nakabukas. "Ano'ng kailangan niyong dalawa?!"
"Uyy, naiinis siya," pang-iinis ko sabay ngumisi. Masama naman itong tumingin kaya umayos na ako ng tayo. Baka bigla kami nitong lamunin ni Senyorito. "Auhm... Gusto po namin ng meryenda," ani ko.
"Yes po. We're really sorry for teasing you, Yaya. Please, cook us." Natuwa ako nang magpa-cute naman si Senyorito sa harapan ni Auntie Dolly.
"Mmmm! Sige na nga."
--
Dahan-dahan kong inayos ang kumot ni Senyorito nang mahimbing na itong natutulog. Bago ako lumabas ng kaniyang kuwarto ay hinalikan ko na muna siya sa kaniyang noo. Saktong pagbukas ko sa pinto ay naroroon si Sir Henry at muntik pa akong mapatalon dahil gulat.
"S-Sir, kanina pa po kayo?" tanong ko, ang bilis din nang tibok ng aking puso. Potaca – bakit ba ito seryosong nakatitig sa akin? Maganda ba ako, sir? Sabihin mo lang! Handa akong ialay ang buong pagkatao ko sa ʼyo.
"Tulog na ba si Finley?" tanong nito gamit ang nakakapanindig balahibong boses. Hindi nakakatakot ngunit nakakalibog. Charriz! Iyong boses na parang paos.
"A-Ah, opo. Pinainom ko po kasi siya ng sleeping pill–" Nanlaki ang mga mata ko nang magbago ang seryosong titig nito at napalitan iyon nang masamang tingin. Tangina, ses! Bakit ko ba nasabi iyon? "A-Ang ibig ko hong sabihin, vitamins hehe."
Shutaca, Andrei! Kung ano-ano kasing lumabas diyan sa bibig mo.
Narinig kong bumuntonghininga ito at saka ako tinalikuran. Aba, bastos ito, a. Kinakausap pa nga ako. Pero wala akong nagawa. Nakakunot ang noo kong sinundan ito ng tingin nang maglakad na ito at nang makatapat siya sa kaniyang pintuan ay agad ding pumasok.
"Ang weird," bulong ko sa sarili. Kibit balikat na lang akong bumaba papunta kusina upang ilagay itong baso at tray doon na pinaglagyan ko ng inimun ng alaga ko.
--
Nang makahiga na ako sa kama at habang nakatingin sa kisame. Hindi mawala sa isipan ko si Sir Henry, iyong nakahubad. Charot! Seryoso, hindi siya matanggal sa isipan ko lalong-lalo na iyong seryoso nitong mukha ngunit hindi naitatago ang para bang malaking problemang kinakaharap. Ewan ko ba, pero ramdam kong may mabigat siyang dinadala. Titi kaya iyon?
Dahil hindi ako makatulog. Bumangon ako't lumabas ng aking kuwarto. Tumungo ako sa kusina kung saan naabutan ko si Sir na nagjajak–jackstone. Char! Naabutan kp itong nakaupo sa isang high chair habang may mga bote ng alak na nakalapag na sa may counter, kaharap nito. Wala nang mga laman ang alak at ang tanging natitira na lang ay iyong hawak niya.
Bahagya siyang nakatungo kaya hindi ako nito nakita. Kaya lumapit ako at walang paalam kong kinuha ang mga walang lamang bote at itinabi iyon, baka kasi kunin niya't ipukpok sa ulo ko. Pagkatapos kong ligpitin ang counter. Kumuha naman ako ng tubig.
"Sir, ayos lang po kayo?" tawag ko sa kaniyang pansin ngunit mukhang hindi ako nito narinig. Upakan ko kaya nang mahimasmasan?
Inilagay ko na lang sa tabi nito ang tubig na kinuha ko. Hahayaan ko na lang siyang mag-isa, baka kailangan niya iyon. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam niyo naman na I was born pakealamera. Pero hahakbang pa lang sana ako pabalik sa aking kuwarto nang makaramdam ako nang malalaking kamay na humawak sa aking braso, dahilan para mapatigil ako sa paghakbang at pagtindig ng balihibo ko.
"Stay... Please?"
Lumingon ako rito at kasalukuyan pa rin itong nakatungo. Sino bang kausap niya? Iyong sahig? Pero bakit hawak niya ako sa braso? Pwede namang sa leeg para choke me daddeeh!
"A-Ako po ba?" tanong ko, naniniguro lang, sis. Baka kasi may iba pang nakikita itong si Sir na hindi ko nakikita rito sa bahay niya.
Dahan-dahan nitong iniangat ang ulo at saktong nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad kong nakita ang lungkot sa kaniyang mga mata, maging ang takot na hindi ko mawari kung saan nagmumula.
"You're the only person here beside me, Mr. Alcantara. May nakikita ka pa bang hindi ko nakikita?"
Nanlalaki ang mga mata ko't lumingon-lingon sa paligid. Hindi naman sa pagiging bakla, char! Bakla pala ako. Pero ang ibig kong sabihin, hindi sa pagiging matatakutin, bukod sa pakealamera ako, pinanganak din akong takot sa mga multo. Story time–char! 'Wag na, baka malaman niyo pa ang biggest secret ko.
Binitiwan naman ako nito at muling tinunga ang huling laman na nasa hawak niyang bote. Impyernes, mukhang hindi pa siya lasing? Lasingin ko kaya?
"M-Mukha pong may problema kayo, a?" tanong ko, dahil hindi ko na talaga napigilan. Naitanong ko na, kung sasampalin niya man ako dahil sa pagiging pakealamera ko. Sana iyong titi niya, 'no?
Char! Hindi tayo ganoon. Hindi ako pokpok!
Umiwas ito ng tingin. "They wanted to take my son away from me," anito na siyang ikinagulat ko. Ano raw? Ilalayo ng kung sinong buwakanang shit si Finley sa Daddy niya?
Hindi ako makakapayag! Nana–I mean, ako ang Yaya ng bata. At saka, siya ang ama. Paano na lang si Sir Henry kung kukunin nga nila ang bata? Hindi naman puwedeng buntisin ako nito, wala nga akong tahong, matres pa kaya?
BINABASA MO ANG
Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]
RomanceHenry Finn Alcantara: The Ruthless Daddy Written and Owned by IthinkJaimenlove Date started: October 31, 2021 Date finish: August 1, 2022 [DESCRIPTION] - Unofficial and can be changed. "You messed my life. Now, take the responsibility to stay with...