Chapter 19

11.1K 463 27
                                    

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 19

--

A N D R E I

Hindi ko alam saan ko ipapaling ang paningin ko, kung saan daan ba o sa kasama ko ngayon dito sa kotseʼt nagmamaneho. Kasalukuyan kaming nasa gitna ng traffic. Ewan ko ba sa gobyerno bakit hindi sila gumawa nung mga floating-floating keneme na high way nang mabawasan ang traffic. Nakakainis! Ang kupad-kupad ng mga sasakyan kung kumilos.

Kahit hindi mainit dito sa loob, para akong pinagpapawisan. Wala pa naman akong dalang pamaypay o salamin para matingnan kung hindi ba naaagnas iyong make up na gamit ko. Baka mamaya, burado na pala tapos ʼdi na ako mukhang babae. Unang meeting pa lang, bistado na agad na wala akong ekup.

Bakit ba kasi ang hot nitong si Sir Henry? Nag-iinit tuloy ako. Oo! Nag-iinit ang ulo ko sa bagal ng traffic. Tapos ang tahimik pa rito sa loob. Hello, sir! Magsalita ka naman o umungol ka po.

Pero dahil pinanganak akong mabilis maubusan ng pasensiya. Pinatabi ko si sir at ako na, ako na ang magsisimula nang usapan.

"Saan po pala si Senyorito?" tanong ko, kasalukuyan pa rin akong nakatingin sa labas ng bintana kung saan mabagal pa rin ang usad ng mga sasakyan.

"I asked manang to take care of him while we're on our work," sagot niya.

Doon ko lang din naalala na trabaho nga pala itong ginagawa ko. Dagdag kita rin dahil sa susunod na araw ay magpapadala na naman ako sa pamilya ko, kahit kakapadala ko pa lang noong nakaraan. Gusto ko kasi na hindi sila nagugutom. Alam kong may balyena sa bahay, na dagdag problema pa sa akin kung bakit pumayag akong bantayan sina mama. Pero mukhang matino naman si Berting nitong mga nakaraan, kaya hindi pa sumasakit ang ulo ko.

Anyways, mabalik tayo sa usapang trabaho. Sure kaya si sir na ayaw niya ng extra service ko? Tanungin ko kaya? Paaano 'pag pumayag?

"Sir--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumigil ang kotse. Sandali lang... tumingin ako sa labas at nasa tapat na kami ng isang fancy restaurant. Ang bilis naman naming nakarating? Ganoon ba kalalim ang iniisip ko kanina?

Lumabas na si Sir Henry ng kaniyang kotse at nang aakmang bubuksan ko ang pinto ay mabilis itong umikot at siya na ang nagbukas, upang makalabas ako. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko sa simpleng pagbukas lang nito ng pinto. Shuta! Sigurado ba talaga ako sa pinasok kong ʼto?

Pero heto na... might as well, galingan ko na lang ang pag-arte nang hindi kami mabuko. Dahil kapag nabuko kami, baka itali ako ni sir nang patiwarik at ilublob sa kumukulong mantika. Mukha ba akong kikiam, sir?

"That's them. Come closer," bulong nito. Sinundan ko naman ng tingin ang kaniyang tinitingnan at nakita ang tatlong tao na nakaabang sa labas ng resto. Sa tingin ko, sila ang mga magulang ng dating asawa ni sir. Tangna, sana ʼwag akong multuhin ni ate girl! Hindi ko keri, beh!

Ginawa ko naman ang inuutos nito at lumapit nga ako sa kaniya. Nagulat ako. Oo, beh! Gulat na gulat ang suot kong panty sa mga oras na ʼto nang dumausdos ang kamay niya sa baywang koʼt mas lalo akong hinapit papalapit. Putacca, sir! Baʼt ʼdi ka man lang nang-i-inform? Nanindig tuloy ang balahiboʼt bulbul ko sa ʼyo.

Char! ʼWag kang pahalata, Andrei. Hindi ka malandi.

Nang maglakad si sir ay siya ring hudyat ko para sumabay sa kaniya. Hawak nga niya ako sa baywang, beh! Kaya napalakad din ako. Mas lalong bumilis ang kaba ko nang mapalapit kami sa  mga byanan niya at doon ko lang napagmasdan ang kanilang mga mukha. Mukhang mga strikto at seryoso sa buhay, lalong-lalo na iyong babae na sa tingin ko'y nanay ng dating asawa ni sir.

Tapos sumisigaw na agad ang yaman nila sa suot pa lang na kasuotan. Pero alam kong hindi magpapatalo ang pamilya ni sir Henry. Naikiwento lang ni Auntie Dolly na sobrang yaman daw ng mga Alcantara. Hindi ko alam kung papaanong sobra pero kitang-kita ko naman iyon nang minsang pumunta kami sa mansion nila.

"You must be, Andrea Arellano? The new girl of Henry." Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita iyong babae.

At, ano raw sabi niya? Andrea raw? Bakla ka! Andrei pangalan ko. Papaanong naging Andrea? Imbento rin ʼtong babaeng ito.

Sasagutin ko na sana siya nang maramdaman kong parang humihigpit ang pagkakahawak ni sir sa baywang ko. Kaya sumulyap ako rito at agad ding ibinalik ang tingin sa harapan namin.

"Y-Yes po, M-Madame." Ngumiti ako, confident naman akong maputi ang ngipin ko dahil three times a day ako nagsisipilyo. Pero shuta, bakit ako nauutal?! Siguro dahil sa kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Tiningnan ko isa-isa ang pamilya ng dating asawa ni Sir. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa likuran ng mag-asawa. Nakatingin din ito sa akin at tila ba may kakaiba sa paraan kung papaano niya akong tingnan. Kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Pogi naman siya, pero mas pogi si sir. Char! Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

"Well... Let's get inside so we can talk further," ani ng babae at nauna nang tumalikod at naglakad papasok ng restaurant. Nakahinga ako nang maluwag.

Mukhang pasado ako sa first step ng trabahong 'to. Sana lang, hindi malaglag itong mahabang wig na suot ko. Baka magkagulo sa restaurant na 'to.

--

Sa isang may kalakihang mesa kami pumuwesto. Magkatabi kami ni sir at sa kabilang side naman ay ang mag-asawa. Kaharap ko naman iyong lalaking kanina pa nakatitig sa akin nang kakaiba.

"Ayoko nang patagalin pa ʼto, Henry. I want you to take care of my grandson or else, we will take him away from you," ani ng babae. Sino bang mga pangalan nila? "And I think, Andrea will help you. Right, Andrea?"

Napalunok ako. Bakit ba ako ang tinatanong niya? Pageant ba 'to? Pero wala naman ako magagawa kundi ang sumagot. Kaya muli akong ngumiti, confidently beautiful with a heart dapat, iyan ang sabi ni Miss Universe Pia.

"Yes, Madame," sagot ko. Iyon naman ang totoo, trabaho ko kaya iyon. Alangan namang hindi ko kayang alagaan si Senyorito? Hello, katulong po ako. "Kaya ko nga rin pong alagaan si si--si Honey," dagdag ko.

Nakita ko ang pagngiti ng babae. Sumulyap din ako kay sir at ngumiti. Seryoso lang naman itong nakatingin sa akin. Naku! Sa tingin ko, sa loob-loob niya ay kinikilig na siya.

Gusto mo iyon, sir? Honey? Yieeeh!

Nag-usap-usap pa kami ng mga bagay-bagay sa mundo. Katulad ng kung gaano kalaki ang ninanakaw ng gobyerno sa taong bayan. Char! Tinanong din nila kung ano'ng trabaho ng mga magulang ko at mabuti na lang, kasama ko si Sir Henry na siyang sumagot sa naging tanong nila. Basta sabi niya, mayaman daw pamilya namin. Naman, mayaman talaga kami. Mayaman sa pagmamahal at mayaman sa utang. Mayaman sa sama ng loob at problema na hindi matapos-tapos.

Tumahimik lang din sila sa kakatanong nang dumating ang mga pagkaing in-order namin. Kaya nagsimula na kaming kumain. At alam niyo ba, best im acting talaga para kay sir nang lagyan nito ng mga pagkain ang plato ko. Oo, dzai! Mas lalong nabaliw tuloy ang puso ko sa simpleng ginagawa niya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam akong magbabanyo na muna. Kanina pa kasi ako naiihi, pinipigilan ko lang. Nagtanong naman ako sa waiter na nakasalubong ko kung saan ang banyo nila.

"Diretso lang po kayo riyan, ma'am. Tapos may mahaba pong hallway at doon sa dulo po nun ay ang banyo," anito, tumango ako't agad nang tinungo ang kaniyang sinasabi.

Agad ko namang nahanap ang banyo at papasok na sana ako ngunit napatigil ako nang may magsalita sa gilid ko.

“I think you're going to the wrong bathroom, Ms. Arellano? Para sa lalaki ang CR na 'yan.” Lumingon ako rito at iyong anak pala ng mag-asawang hindi ko alam ano apelyedo. Seryoso ngunit may kakaiba na naman sa tingin nito sa akin. "Lalaki ka ba?"

Mayroon sa boses niya na tila ba hindi siya naniniwalang babae ako. Pakitaan ko kaya siya ng ekup?

Napalunok ako't saka tumingin sa pinto ng banyo. May nakalagay nga sa taas ng pinto na 'male' at sa mga oras na ʼto, hindi ako lalaki. Shuta! Ano'ng sasabihin ko? Comment down!

Alcantara Brothers: The Ruthless Daddy (BXB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon